Chapter 8: Office

106K 1.4K 3
                                    

Nasa office si Erin dahil may bago syang client.  Nagtatrabaho sya sa isang design firm kasama si Sam. Actually firm ito nina Erin at Sam at iba pa nilang mga kaibigan na related sa designs ang professions. They have their own field of specialty. Erin is in interior, Sam is in landscaping, Marc is an architech, Jacob is in graphics, at marami pang iba.

Kumakain sila nang lunch habang nag memeeting for their new client. Dahil hindi palagi sila fix ang schedule, napagdesisyonan nilang during lunch ang meeting nila.

“Guys! Don’t forget, ung bar hopping natin mamayang gabi… naka schedule na yon…” sabi ni Marc… Once in a while gumigimik sila nang sama-sama, hindi lang puro work ang inaatupag nila. Wala pang nakaka alam except Sam ang tungkol sa kundisyon ni Erin…

“Guys! Hindi ako makakasama… sorry…”

“Bakit naman girl? Matagal na natin tong napag usapan, bago pa kayo pumunta sa Singapore…” sabi ni Claire

“I can’t drink and I can’t stay up late…” sabi ni Erin

“At bakit naman aber? Naku girl, hindi pwedeng hindi ka sasama…” sabi ni Jacob

“I’m pregnant…”

ANO?! Sabay sabay na tanong nang mga kasama nya. Halatang halata ang pagkagulat nila sa sinabi ni Erin.

“Girl, nakakapag tampo ka, hindi ko nga alam na may jowa ka…” sabi ni Marc

“Ilang months na?” tanong ni Claire

“Mga 2 going to 3 months…”

“Sinong ama nyan?”

“Liam ang name nya… One day, makikilala nya din sya ok…” sabi ni Erin…

.

.

Pumunta si Erin sa isang furniture shop para maghanap nang gamit para sa living room na pinadedecorate sa kanya. Kagagaling lang nya sa bahay nya client nya. Nag iikot ikot si Erin sa loob nang furniture shop nang dumating si Sam. Mag hahanap din sya nang mga gamit para sa garden nang kliyente nya.

“hey, sorry I’m late… kanina ka pa?” tanong ni Sam

“Hindi naman, halos magkasunod lang tayo… san ka ba galling?”

“Eh kasi naman, si Jacob biglang bumanat nang design proposal na kailangan kong tapusin in 3 days, tapos ang dami pang gusto sa buhay ung kliyente… Kuh! Stressfull tong araw na to…” sabi ni Sam…

“Kaya mo yan… Ikaw pa…” at tinapik tapik pa ni Erin ang balikat ni Sam

“Hindi naman ako super hero, Erin… Kuh! Talagang baklang yon, kala siguro super hero tayong lahat…” sabi ni Sam, Natatawa na lang si Erin kay Sam. Lumipas ang isang oras ay umalis na sila sa furniture store. Paglabas nila ay nakita nilang naroon si Johan.

“Hi, Ladies…” bati ni Johan sa kina Erin at Sam

“Oh! Kuya, bakit ka nandito?” tanong ni Erin… Nakangiti naman sa kanila ni Sam ang kapatid nya…

“Ahmm, wala, yayayain ko sana kayong mag merienda…” sabi ni Johan. Erin smells something fishy. Tumingin sya kay Sam at nakitang nakatingin ito sa kapatid nya at ganon din naman si johan kay Sam..

“Kuya, ano namang naisip mo at nagyaya kang kumain?” tanong ni Erin

Tiningnan ulit ni Erin si Sam at Johan… “Ha! Mag dadate kayo ni Sam noh? Kuya”

“Huh? Paano mo naman nasabi yan girl?” tanong ni Sam…

“Paano malalaman ni Kuya na nandito tayo… Eh hindi ko naman sinabi sa kanya…” sabi ni Erin

“What if nagkataon na nandito lang ako, at saktong nandito kayo” sabi ni Johan

“Kuya, your office is in Makati, We’re in Pasay right now… Besides buntis ako, I can smell almost anything…” the last part is just Erin’s expression…

“Pag sinabi kong Oo, magagalit ka ba?” tanong ni Johan…

“Hindi… bakit naman ako magagalit? Actually I’m happy for you two… “

“Talaga, Thanks Erin…” sabi ni Sam…

“Now, ko nang isama si Sam at may date pa kami…” sabi ni Johan

“Paano ako? Hoy wag nyo muna akong iwan… Pakainin mo muna ako Kuya, total ikaw ung nagyayang kumain…” sabi ni Erin… Napakamot si johan dahil sa sinabi nang kapatid… “Erin,..” protesta ni Johan

“Basta, pakainin mo muna ako, at gutom na ang anak… dali na… Kuya…” sabi ni Erin at hinigit na ang kapatid…

Pagkakain nila sa isang restaurant ay umalis na agad si Erin. Hinayaan na nyang mag date sina Sam at Kuya nya. She was really happy for her best friend and her brother. Sa pag kaka alam nya, matagal nang may crush si Sam sa kapatid nya. Hindi kasi sya close sa mga kapatid nya pag dating sa love life.

Pag uwi ni Johan sa bahay ay naabutan nyang nasa living room ang mga kapatid nya at naghihintay sa kanya.

“Ui, how your date with Sam?” tanong ni Kian…

“How did you know that?”

“Sinabi samin ni Ate…” sabi ni Kian

“Erin… bakit mo sinabi sa kanila?” tanong ni Johan…

“What? Masaya lang naman ako para sa inyo, kaya nai share ko sa kanila… Besides anong masama kung sabihin ko sa kanila?...”  sabi ni Erin… hindi naman sumagot si Johan

“Basta kuya… Don’t hurt my best friend ha…” sabi ni Erin

“Ui… si kuya Johan may love life na…” biro ni Kian… Sa lahat nang magkakapatid, si Johan ang pinaka masikreto pag dating sa love life nya. Hindi nila alam kung bakit, pero may nakilala na silang nagging girlfriend nya once… pero it was a very long time ago… Kaya happy silang lahat na may dinedate na ulit ang kapatid nila…

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Meet Kevin Johan Yoon -->

PLEASE LEAVE A COMMENT... thanks... :)

That One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon