Mag aalas dose na nang hating gabi, pero hindi parin makatulog si Erin. Kaya naisipan nyang lumabas muna sa garden. Pumunta sya sa favorite place nya sa bahay nila kapag hindi sya makatulog, at ito ay sa may pool. She just love looking ang the water when the lights are on...
Inaalala lang nya ang mga nangyayari... Masaya si Erin dahil maayos na sila ni Liam, pero hindi nya maintindihan kung bakit parang may gusto pa syang malaman... May mga tanong pa syang gustong masagot..
"Bakit hindi ka pa natutulog?" familiar kay Erin ang lalaking nagsalita malapit sa likuran nya..
"I just can't sleep... ikaw bakit gising ka pa?" tanong ni Erin...
"Same as you, naramdaman ko din na wala ka sa tabi ko eh..." sabi ni Liam at tumabi kay Erin...
A moment of silence, hindi alam ni Erin kung paano nya itatanong kay Liam ang mga bagay na matagal na nyang gustong itanong..
"How come it took 4 years, for this to happen?" tanong ni Erin...pero hindi sya tumingin kay Liam, nakatingin lang sya sa ilaw nang pool...
"Because everytime I tried to find you, parating may dumadating na problema sa company na hindi ko maiwanan... Alam ko na dapat kayo ang unahin ko pero ipinamana na sa amin ni Leo ang negosyo na pinundar nang magulang namin..." paliwanag ni Liam...
"Pero, kasama na ba sa plano mo noon na isama talaga ako sa ANYA building project? o noong nalaman mo kung nasaan ko, saka mo lang ibigay ito sa akin...?"
"Noong umalis kayo, naging miserable ang buhay ko... hindi ako makapag focus sa trabaho.. Nung nagkita tayo noon sa Paris, doon ko naisip na ibuhos ang atensyon ko sa isang project... At naisip ko ung Salde building ang gawin ko project, dahil memorable sating dalawa yon..." sabi ni Liam...
"Isang araw, may nakarating sakin na balita kung nasaan ka... then I think of a plan kung paano tayo magkikita... So I asked some help..."
"Kanino ka naman humingi nang tulong..." tanong ni Erin..
Napangiti si Liam... "The person I never thought will help me find you..."
"Sino?" natatakang tanong ni Erin...
"Your Kuya Gian..." nakita ni Liam ang reaction ni Erin nang marinig nya ang pangalan nang tumulong sa kanya...
"Si Kuya Gian? really? I can't believe it..."
"Me too, hindi din ako makapaniwala noong una... Ang lalaking bumugbog sakin noon, dahil nasaktan kita, sya din pala ang tutulong sakin..." sabi ni Liam...
Halos ilang oras din silang nag usap... First time nilang mag usap nang maayos, as in usap lang, walang away, or something... At nasagot naman nang mga tanong nila sa isa't isa... They are trying to start over again, so the first step they made is to be open to each other...
.
.
.
Busy ang lahat para sa grand opening nang ANYA building... Nasa Anya building ngayon si Erin para sa ad shoot nang building... Kaibigan ni Erin ang photographer na kinuha nila para icover ang event nila...