Prologue

75.3K 1.3K 287
  • Dedicated kay Jenny Macasmot
                                    

__MY FIRST EVER HORROR STORY__

December 09, 1948

"SUNUGIN na natin ang mansyon upang masunog na din ang mga iyan!" sigaw ni mang Julio, isa sa mga taong nasa loob ng ng mansyong pagmamay-ari ng ulilang dalagitang magkapatid na Christina at Alyanna. Ang mangkukulam na magkapatid na salarin sa pagkamatay ng mga anak na dalagita ng mga taga Daine Cavite.

Malulutong na mga tawa ang magkasabay na binitawan ng magkapatid ng umalingawngaw sa buong mansyion.

"Kahit sunugin ninyo pa ang buong mansyon na ito, hinding hindi ninyo masusunog ang mga kaluluwa naming magkapatid!" sigaw ni Christina, ang mas matanda sa magkapatid.

"At sa oras na makalabas kami dito, tandaan ninyo, babalikan namnin kayong lahat. Mula sa mga sarili ninyo hanggang sa magiging apo ng mga apo ninyo. Ipapalasap namin sa inyong lahat ang init at lupit ng paghihiganti namin ng ate ko. Ipaparamdam naming sa inyo ang init ng impyerno. Tandaan ninyo iyan!!!!"

Nanindig ang mga balahibo ni manang Rosa sa narinig mula sa mas nakababata sa magkapatid. Mas lalo siyang natatakot sa tuwing maiisip na siya ang nagkulong sa mga ito sa loob ng salamin sa pamamagitan ng mga dasal na alam niya at kapangyarihan ng isang albularya na taglay niya.

"Sunugin na natin ang mansion! Sunugin na natin ang mga mangkukulam na iyan!" sigaw ni mang Eduardo kasabay ang pagbitiw sa hawak na tulos na nag-aapoy ang dulo. Hindi naman nagdalawang isip ang mga kasama nila sa loob na gayahin ang ginawa nitong pagbitaw sa hawak na nag-aapoy na tulos.

Sabay-sabay na silang lumabas ng malaking mansion. Ngunit kahit na nakalayo na sila ng ilang metro mula dito at pinagmamasdan na lamang ang pgtupok ng malaking apoy sa buong mansyon ay malinaw nilang naririnig ang malademonyong halakhak ng magkapatid mula sa loob nito.

"Babalik kami... Babalik kami at papatayin naming kayong lahat!!!!"

PRESENT YEAR...

"HAVE you heard it?" bulong na tanong ni Laila na umupo sa katapat upuan ni Irish. Irish closed the book and moved closer to her friend. Nasa loob kasi sila ng library kaya bawal mag-ingay. "The what?"

"That Alexa Mojica wanted to join to our group."

"Thats' true," Jen also closed her own book and moved closer to her two friends. "That's her right?" aniya na inginunguso ang isang babaeng nakaupo hindi kalayuan sa kanilang pwesto. It was Alexa Mojica. The campus nerd. Ang makapal na buhok nito ay laging nakapusod na parang sa matanda, lagi rin itong naksuot ng makapal na salamin at may braces ang mga ngipin na lalong nakapagpadagdag sa pagiging nerd looking nito.

"She could be our toy," nakangiting sabi ni Laila.

"Yeah, to make our senior year most memorable," ani naman ni Jen.

Hindi naman siya agad sumagot na tila may binubuo ng plano sa isipan bago nangingiting tumingin sa mga ito. "Let's see."

"HEY you! Alexa!"

May pag-aalinlangang huminto sa paglalakad ang transferee sa Perpetual Cavite Institute na si Alexa sa paglalakad palabas ng campus. Pangalawang araw pa lang niya sa PCI ngunit tila nais na niyang muling lumipat ng ibang paaralan. Ilang pang-aasar at pangungutya na kasi ang naririnig niya dahil sa ayos ng buhok at makapal na eye glasses na suot niya. Kung meron lang na mas malapit na high school sa bagong bahay na nilipitan nila ng mga magulang niya sa Indang Cavite dahil sa trabaho n g papa niya, doon na niya itutuloy ang huling taon niya ng sekondarya.

"I said stop!"

Bahagya siyang itinulak ni Laila ng hindi niya pinansin ang mga ito.

"Laila, anu ba. Huwag mong ganyanin si Alexa," ani Irish.

Salamin (Published Under VIVA-Psicom and Featured as TV MOVIE at TV5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon