Sorry po if napakatagal bago ako nakapag UD...
Pinagisipan ko pong mabuti paano ko 'to itutuloy..
Sana po magustuhan ninyo...
Pls VOTE, COMMENT and SHARE!!! :)
Thank you!!!
- TheLadyInDark
*********************************
"L-lola..." mahinang tawag ni Laila sa lola niyang naggagantsilyo. Sa edad nitong otsenta y dos ay masasabing may malakas pa rin itong pangangatawan kumpara sa mga matatandang kaedaran nito.
"Oh, laila, Jen, bakit hindi ninyo kasama ngayon si Irish?" pansin ni Lola Ikay.
"Sa bahay ni Laila ang tambayan nilang barkada. Nawiwili kasi sila sa kwento ng matanda na lahat at tungkol sa kapnahunan nito. Dito din nila unang narinig ang kwento ng sunog na mansyon. Ang kwento ng dalawang malaking salamin.
"Ikaw na ang magatnong,"siko ni Laila sa katabi.
"Ayoko, ikaw na,"tanggi ni Jen.
"May problema ba mga apo?" anang matanda na bahagyang ibinaba ang salamin sa mga mata at tumingin sa kanila, kasunod ang pagtigil sa ginagawa.
"K-kasi 'la... Ano eh.." Hindi alam ni Laila kung paano at saan magsisimula.
"K-kasi lola... N-naalala nyo po 'yung kinwento ninyo sa amin dati. 'Yung tungkol sa sunog na mansyon sa dulo ng Banaba Cerca," nauutal na panimula ni Jen.
"'Y-yung tungkol sa dalawang malaking salamin," dugtong ni Laila.
"L-lola, totoo po ba 'yun?"
Binaba ni lola Ikay ang hawak na mga gamit bago seryosong humarap sa dalawa.
"K-kasi 'la, may nangyari po eh."
******
"D- DYO'S ko po!" wala sa loob na bulalas ni lola Ikay matapos marinig ang buong kwento ng dalawang kaharap niya. Pakiramdam niya ay bumalik ang matinding takot na naramdaman niya mahigit tatlumpu'ng taon na ang nakakaraan.
"B-bakit po lola?" bakas sa boses ni Laila ang labis na takot.
"L-loa, posible po bang..." hindi na itinuloy pa ni Jen ang sasabihin na tila ayaw isiping tama ang sariling hinala.
"D'yos ko... Pinakawalan nyo ang dalawang mangkukulan mula sa salamin," halos pabulong na tugon ng matanda, batid niyang malinaw iyong narinig ng dalawang kaharap.
*****
"W-what do you think?" nasa boses ni Jen ang takot. Saktong dalawang linggo na ang nakakaraan buhat ng magpunta ng magpunta sila sa lumang mansyon. Dalawang linggo na ring hindi pumapasok ng klase sina Irish at Alexa.
"What do you mean what do I think?" magaksalubong ang kilay na balik tanong ni Laila sa katabi habang hindi binibitawan ang binabasang na pocketbook.
"Laila, you know what I'm talking about."
"Jen, if this is about that stuff again, stop it. Alexa has dengue. Irish was on her out of town to visit her sick tita." Kahit siya, ramdam niya ang takot na nararamdaman ni Jen. Ayaw niya lang maging praning kagaya nito. Pilit niyang pinpaniwala ang sarili na baka nag-uulyanin na ang lola Ikay niya kaya kung anu-ano na ang sinasabi nito. Nalaman niya ang dahilan ng pagliban nina Alexa at Irish mula sa adviser.
"And Irish did not even bother to text or inform us!?"
May punto si Jen, mula ng maging magkakaibigan silang tatlo, kailanman ay hindi lumiban ng klase si Irish ng hindi sila tinetext o tinatawagn man lang ang isa sa kanila.
BINABASA MO ANG
Salamin (Published Under VIVA-Psicom and Featured as TV MOVIE at TV5)
HorrorIsang malaki, luma at sunog na mansion, magkapatid na mangkukulam, sumpa ng dalawang salamin at lihim ng nakaraan. Paano itomauugnay sa buhay ng magkakaibigang Irish, Jen at Laila? Paano nito babaguhin ang buhay ni Alexa? At ano ang kaugnayan ni Raf...