Kabanata XXI FINALE

6.8K 229 52
                                    

"KAILAN MO BA TALAGA BALAK SAGUTIN SI RAFFY, ALEXA?" nakangiting tanong ni Laila.

"After ten years!" pabirong sagot ni Alexa.

Napakamot naman sa ulo si Raffy ng sabay-sabay nagtwanan sina Laila, Irish at Jen.

Ilang buwan na halos ang nakakalipas mula ng gabing makalabas na sina Alexa at Irish sa loob ng salamin. Bakas pa rin ang sugat sa mga kamay at paa ni Jen ngunit nakakakilos na ito ng maayos. Ganoon din si Laila na may ilang peklat sa bahagi ng braso dahil sa mga piraso ng sumabog na salamin. Hindi rin biro ang pinagdaanan nila ng matapos ang gabing iyon. Dahil napagkamalan pa silang gumagamit ng bawal na gamot sa loob ng mansion kaya iyon nasunog. Ngunit napatunayan din kaagad na wala iyong katotohanan ng lumabas ang negatibong resulta sa alcohol at drug test na ginawa sa kanila.

Ang gabing iyon ang nagsilbing katapusan ng lagim sa PCI at sa kanilang bayan. Wala man naniwala sa kanilang kwento atleast alam nilang tapos na ang lahat. Tapos na ang kasamaan nina Christina at Alyanna na ngayon ay nakakulong na muli sa nabasag na salamin. At ngayon ay magkakasama sila sa loob ng paborito nilang kainan na Sizzling Point ng Indang.

"Ilang araw na lang guys, graduation na natin," may ngiti ngunit may bahid ding ng lungkot sa boses ni Laila.

"Oo nga eh, sana walang makalimot huh," malungkot na tugon ni Irish.

"Basta ako, alam kong hindi ako makakalimot," ani Raffy.

"Baka naman si Alexa lang ang hindi mo makalimutan," tukso ni Jen.

"Sa dami ba naman ng pinagdaanan ko kasama ang mga kaibigan ni Alexa, makakalimot pa ba naa ako?" nakangiti na ring sagot ni Raffy. "Pero siyempre, si Alexa ang pinaka-hindi ko makakalimutan. Hinhintay ko pa kaya ang matamis niyang oo."

"Loko ka talaga!" pabirong binatukan ni Alexa ang binta.

Nakangiti naman si Laila na inilibot ang kanyang mga tingin sa apat na kasama. Minsan naaalala pa din ang niya ang mga nangyari na sinusubukan na niyang ibaon sa limot.

"Class, where is Franco?"

Napalingon siya sa malakas na tanong ng isa sa mga nakaupo sa kabilang lamesa. Isang buong klase yata iyon ng elementary school na sabay-sabay nagla-lunch. Naalala niya na ganun lang sila dati nina Irish at Jen na kasama na niya halos mula pa noong kinder. At ngayon ilang araw na lang ay ga-graduate na sila ng highschool. Hindi lang ang dalawa ang mami-miss niya ng sobra.

"Laila?"

"Hmm?" Napabaling ang tingin niya sa tumawag na si Jen.

"Wala lang, para kasing natutulala ka na naman," natatawang sabi ni Jen.

Naramdaman niya ang mainit na palad na humawak sa kamy niyang naglalaro ng kutsara.

"Thank you," sabi ni Irish.

"Sorry kasi natakot ako noong una," aniya. Nagsimulang mamuo ang luha sa kanyang mga mata. Aminado siyang nais n asana niyang takasan ang lahat. Nais na sana niayng hindi na sana balikan ang mga kaibigan. napatingin siya kay Alexa na humawak din sa kamay niya.

"Binalikan ninyo naman kami ni Jen. Nailigtas mo ninyo nga kami," sabi ni Alexa na nangingilid na rin ang mga luha sa mata.

"Nailigtas mo ang mga tao sa bayan na 'to," si Jen ang nagsalita.

"Nailigtas natin Jen," bumaling din ang tingin niya kay Raffy. "Magkakasama tayo nina Raffy na iniligtas sina Irish at Alexa at ang bayan na ito."

"Ako dapat ang magsorry..." sabi ni Raffy. Pinangunahan kasi ito ng takot bago pa makasunod kayna Jen at Laila.

"Dumating ka naman eh, kaya hindi ka dapat mag-sorry." May ngiti sa mga labi ni Alexa ng tumingin sa binata bago inilibot ang mga tingin sa kasama. "Lahat tayo ligtas at masaya ngayon."

Saglit na namayani ang katahimikan at nagkanya-kanya ng punas ng luha.

"This is the last weekend before ng graduation, nagda-drama pa tayo!" natatawang sabi niya.

"Basta walang limutan. Magkikita-kita pa rin tayo," inilgay ni Raff yang kanang kamay sa gitna ng lamesa.

"Promise," sang-ayon ni Alexa at ipinatong ang palad sa kamay ni Raffy.

"Promise!" ginaya ni Jen ang ginawa ni Alexa.

Nagkatinginan sina Irish at Laila bago gumihit ang ngiti sa mga labi at sabay na ipinatong ang mga palad sa mga kamay na nasa gitna ng pabilog na lamesa. "Promise!"

*****The End*****

***

***

****

****

****

****

Please don't forget to hit VOTE and leave some comments. :)

Thank you so much! :) :) :)

Salamin (Published Under VIVA-Psicom and Featured as TV MOVIE at TV5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon