Kabanata XI

8.9K 255 40
                                    

"INAY! INAY!" malakas na tawag ni Miranda sa inay niya.

"Oh anak? Ano't humahangos ka ng tawag sa akin?!" takang tanong ni aling Mameng na saglit na itinigil ang pagliligpit ng pinagkainan ng hapunan.

"Pakitingnan nga po ang aking likuran. May kung anong hapdi at kati po akong nararamdaman," tugon ni Miranda at bahagyang itinaas ang likurang parte ng suot na blusa.

"D-d'yos ko!" sambit ng inay niya.

"Bakit inay? Ano pong mayroon sa likuran ko?" nag-aalalang tanong niya sa nakitang rekasyon nito.

Inabot ni aling Mameng ang isang malaking salamin at itinayo kung saan makikita ng anak ang sariling likuran.

"I-inay, a-ano po i-ito?!" halos pautal na tanong iya. May malalaking bukol na tila malalaking nana ang nagkalat sa kanyang likuran. Karamihan sa mga iyon ay mababakasang may laman na kulay berde sa loob at gumagalaw-galaw na tila anumang oras ay puputok na. "D-d'yos ko inay, saan nanggaling ang mga ito!"

***

***

"A-ANO NA HO ANG LAGAY NG AKING ANAK? Ano ho'ng sakit niya?" nag-aalalang tanong ni aling Andang sa manggagamot na nagsadya sa kanilang bahay upang suriin ang kanyang anak na si Elisa. Bigla na lamang kasi itong nilagnat at may mga kung anong sugat ang lumalabas sa balat nito na tila kagat ng malaking insekto. At ng hawakan niya ang mga sugat na iyon kanina upang suriin ay tila kusa na lamang iyong nagtuklapan at lumabas ang mapupulang laman na butas-butas.

"Tatapatin ko na po kayo, aling Andang. Kakailanganin ninyo ng dalhin sa Maynila ang inyong anak upang ipatingin sa isang espesyalista. Batid kong hindi lamang isang normal na sakit sa balat ang dumapo kay Elisa."

"Ano'ng ibig nyong sabihin? Hindi ba't isa kayong manggagamot?! Bakit hindi kayo ang magpaliwanag ng nangyayari sa aking anak?!" paasik na tanong ni aling Andang. Maayos pa ang anak niya kanina ng makauwi ito mula sa klase at ilang saglit lamang ay nagkaganoon na ito.

"Andang, marahil nga ay tama si Tonyo. Dalhin na lamang natin bukas si Elisa sa Maynila upang mapasuri," awat ni Markos sa asawa. Ito man din ay nag-aalala sa biglaang sinapit ng anak.

"ARKKKKK!!!!"

Halos sabay-sabay na naagaw ni Elisa ang atensyon nila .

"D-d'yos ko!" sambit niya ng biglang sumuka ang anak niya. Mas nahindik siya ng mapagmasdang mabuti ang isinuka nito na kulay berde at may mga laman na gumagalaw-galaw at gumagapang. "A-anak..."

***

***

HALOS PIKIT MATA SI AMELIA habang tintiris ang isa sa mga tagihawat sa kanyang mukha.

"Kung bakit kasi sa tuwing magkakaregla ako ay nalaki at nadami ng ganito ang aking mga tagihawat!" inis na bulong niya habang nakaharap sa salamin. "Kay gaspang na tuloy ng aking mukha," nakasimangot na kausap pa niya sa sarili. May sampu yatang bago ang tumubo sa kanyang mukha at ilan pa sa mga ito ay magkakadikit kaya't lalong mas mahapdi.

"Kailangan ko na kayong maubos," aniya at sinimulan na muling tirisin ang isa sa pinakamapula. Halos magdikit na ang kanyang mga ngipin sa hapding nararamdaman. Ngunit ilang saglit pa ay nanlaki ang kanyang mga mata ng mapansing may kung anong maputi at mataba ang lumalabas sa tinitiris niyang pinakamalaking tagihawat.

"A-ano 'to?! U-uod?!"

***

***

"ANO BA ANG NAKAIN MO AT KANINA KAPA NADUDUWAL?"

Saglit na napatingin si Mina sa ina bago muling naduwal sa kaharap na lababo. Batid niyang wala na halos siyang maiduwal dahil tila nailabas na yata niya ang lahat ng kinain sa buong araw. Ngunit ayaw pa ring huminto ng sikmura niya sa pagpipilit na maglabas ng kung ano pa man ang pwedeng ilabas. "H-hindi k-ko p-po a-alam – ARKKK!!!!"

Salamin (Published Under VIVA-Psicom and Featured as TV MOVIE at TV5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon