Special Chapter

5.6K 192 47
                                    

"UMALIS KA DITO BALIW!"

"Ang baho-baho mong panget ka!"

"Salot! H'wag ka tumigil dito sa tindahan ko! Kaya ako minamalas dahil sa iyo eh!"

Ilang masasakit na salita pa ang narinig ko na tila mas masakit pa kaysa sa mga batong tumatama sa aking katawan. Muli ay nagsimula akong maglakad palayo sa kabila ng bigat na nararamdaman ng aking katawan. Laking pasalamat ko ng makakita ako ng isang maliit na silong kung saan isiniksik ko ang aking sarili sa sulok sa pag-iisip na hindi na makikita ninoman. Tahimik akong nanalangin na sana ay walang dumaan na mga bata at magpagkatuwaan na namang batuhin ako ng malalaki at matitigas na bato na madalas na nangyayari habang ako ay natutulog. Niyakap ko ang manikang itim na lagi kong dala-dala kasunod ang pagpunas sa aking mga pisngi na basa ng luha gamit ang maiitim kong braso. Hindi ko na nga inaalintana ang madumi at punit-punit kong bestida o ang amoy ng aking sarili. Ang nais ko lang ay matulog ng tahimik.

Ngunit bigla akong napatingin sa aking tabi na may kumikislap na kung anong bagay. Wala sa loob na pinulot ko iyon at tiningan. Isnga bahagi ng basag na salamin. Maliit lang iyon ngunit sapat na upang makita ko ang aking buong mukha. Tila alambreng nakasabog ang aking mga buhok na may gumagapang na kung anong maliliit na kulay itim sa mga hibla, halos itim na rin ang kulay ng aking mukha kung saan pikit na ang isang mata dahil sa pisak na laman nito, hinawakan ko ang aking mga labi na putok-putok na rin kasunod ang magaspang na mukhang may mapupula at nagnanaknak na sugat na umaabot hanggang sa aking leeg, naghahalo na nga ang kulay dugo at berde sa balat ko dahil sa mga pumutok na nana.

"Ahhhhh!!!" malakas kong binato ang aking hawak sa kalsada kasunod ang malakas na paghagulhol. Bakit ba ako nagkaganito? Simple lang naman ang gusto ko. Ang mabuhay ng masaya kasama ang aking pamilya at protektahan ang aking nag-iisa at pinakamamahal na kapatid. Saan ba ako nagkamali? May nagawa ba akong kasalanan? Ako ba talaga ang may kasalanan? O ang mga taong may mapanghusgang mga mata?! "Papa! Mama! Alyana! Nasaan na kayo?! Baki ninyo ako iniwanan!?" Ilang saglit pa bago ako tila nahimasmasan. Muli kong hinawakan ang itim na manika at ibinaba sa aking harapan bago ako kumuha ng isang malaking bato. Malakas ko iyong pinagpupukpok ng paulit-ulit gamit ang aking dalawang kamay habang sabay na umiiyak at tumatawa. "Babalik ako! Babalik ako at papatayin ko kayo!!! Papatayin ko kayo!!! PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!!!"

****

****

****

****

****

****

****

****

****

Salamat sa halos ilang buwan o taon na pagsubaybay sa kwentong ito.

Sana ay nagustuhan ninyo ang Special Chapter 

na ngayon ko lang nai-post pagkatapos ng tatlong taon. Hahaha!

Kapag nagkaroon ba ng PART II, may magbabasa pa rin? :)

Salamin (Published Under VIVA-Psicom and Featured as TV MOVIE at TV5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon