Kabanata XIX

6.6K 209 24
                                    

MASAKIT AT MABIGAT ANG pakiramdam sa ulo ng idilat ni Laila ang mga mata.

"N-nasaan ako?" pabulong na tanong niya habang inaalala ang mga nangyari. Iginala niya ang mga tingin sa madilim na paligid. Ilang saglit pa bago niya napagtantong nakatali siya sa kinauupuan. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa loob siya ng isa sa mga silid ng mansion.

"Gising na pala ang bisita namin."

"I-irish?" hindi sigurado niyang saad ng hindi magawang lingunin ang nagsalita mula sa kanyang likuran. Narinig niya ang paghakbang nito palapit sa kanya.

"It's Christina..."

Naglakad na ito patungo sa harapan niya na may dalang lampara kung saan malinaw niyang nakita si Irish na naksuot ng puting bestida. Hindi ito si Irish kung hindi si Christina.

"Nasaan ang mga kaibigan ko?! Anong ginawa mo sa kanila?!" sigaw niya habang nagpupumilit na makaalis sa mahigpit na pagkakatali ng lubid sa katawan niya.

"Hey relax... Just relax," nakangiting sabi nito.

Nag-umpisang magliwanag ang paligid hanggang sa makita niya si Alyanna sa katawan ni Alexa sa suot nito na makalumang bestida at nagsisindi ng mga kandila sa paligid.

"Laila!"

Napatingin siya sa sumigaw na iyon ng pangalan niya. "Alexa! Irish!" kahit paano ay nabuhayan siya ng loob ng makita ang dalawang malaking salamin kung nasaan ang dalawang kaibigan niya. Ang buong akala niya kanina ay tuluyan na iyon binasag nina Christina dahil sa mga bubog na naapakan at nakita niya. "S-si Jen?! N-nasaan si Jen?" muling pasigaw na baling niya kay Christina.

"Ah si Jen ba?" lumingon ito sa isang sulok kung sinisindihan ni Alyanna ang mga kandila. At kagaya niya ay nakatali rin si Jen sa kinauupuan nito at walang malay na nakatungo ang ulo.

"Jen! Jen wake up!" halos sabay-sabay na sigaw nila nina Irish at Alexa.

Unti-unti namang tila naalimpungatan ang dalaga. "N-nasaan ako?" anito ng imulat ang mga mata. Halatang mabilis na nagising ang diwa nito ng mapansing hindi maikilos ng maayos ang katawan. "L-laila! Alexa! Irish!" sigaw nito ng makita ang dalawang kaibigan na nasa loob ng salamin at si Laila na nakatali sa kinauupuan. Bumaling ang tingin nito sa dalagang nakatayo sa tabi ng kaibigan. "C-christina..."

Gumuhit ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Christina. "I know right. Matagal ninyo ng alam. Nagkamali lang ako ng akala sa inyo. Hindi pala kayo kasing-estupido ng iniisip ko."

"Ano pa bang gusto mo sa amin?!" sigaw ni Laila.

"Alam mo naman siguro kung ano talaga ang pakay ko sa inyo."

Bumalik ang lahat ng alaala sa isipan niya at sa kabila ng matinding kabang nararamdaman ay nagawa niyang muling magsalita. "C-chrisina, ako lang ang kailangan mo. Pakawalan m na ang mga kabigan ko."

"Sinong may sabing ikaw lang ang kailangan namin?" si Alyanna ang natanong.

Napakabigat ng pakiramdam ni Laila kay Alyanna. Tila galit na galit ito kahit pa may ngiting nakaguhit sa mga labi.

"Ako lang ang gusto ninyong paghigantihan! Bakit kailangan ninyo pa silang idamay?!"

"Nagkakamali ka Laila," natatawang sagot pa ni Alyanna.

"Sadya yata na ginawang napakaliit ng mundo para sa ating lahat. Ikaw na mula sa angkan ni manang Rosa, si Alexa na mula sa angkan ni Amelia, si Irish mula sa angkan ni Elisa," lumingon si Christina kay Alyanna na tila nais na ito na ang magtuloy ng naudlot na sasabihin.

"At si Jen," matalim na tumingin si Alyanna kay Jen. "Na mula sa angkan ni Miranda."

Nanlaki ang mga mata ni Jen. "A-ako? P-paanong..." Naiiyak na tumingin ito kay Laila na tila humihingi ng tulong.

Salamin (Published Under VIVA-Psicom and Featured as TV MOVIE at TV5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon