Kabanata XV

6.9K 219 13
                                    

'WE KNOW YOU LIKE ALEXA. At kung ayaw mo na tuluyan siyang mapahamak, tutulungan mo kami...'

Tila paulit-ulit ang sinasabi na iyon ni Laila sa tainga ni Raffy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga ipinagtapat nina Jen at Laila sa kanya noong nakaraang Sabado. At kung hindi lang nakita ng dalawang sariling mga mata niya ay iisipin niyang nasisiraan ng bait ang dalawa niyang magandang kaklase. Ngunit napagtanto niyang totoo ang lahat ng makita gamit ang sariling mga mata ang nakakakilabot na pagkakakulong nina Alexa at Irish sa loob ng salamin.

Si Alexa na kauna-unahang estudyante sa PCI na kumausap sa kanya ng maayos. Hindi man sila masyadong malapit sa isa't-isa ay lihim niya itong hinahanggan. Ngunit tila nagbago ang lahat ng iyon ng bumalik ito galing sa ilang linggong pagkakasakit.

Isang buntong hininga ang kanyang binitawan bago nahiga sa kama. Nagsimula na naman niyang maalala ang unang araw na nakilala niya si Alexa.

****

FLASHBACK

Napansin ni Raff yang isang estudaynte na tila naliligaw sa loob ng eskwelahan. Nakapuyod ang buhok nito at nakasuot ng makapal na salamin sa mga mata.

"H-hi miss!" may pag-aalinlangan na bati niya. Natatakot kasi siyagmasopla na naman. Sa loob kasi ng eskwelahan ay walang maayos na kumkausap sa kanya. Dahil na rin siguro sa pagiging nerdy-looking niya na hindi naman niya maiwasan. Malabo na kasi ang mga mata niya kaya kailangan niyang magsuot ng salamin sa mga mata na medyo mataas ang grado.

"Hello! Hmm... alam mo ba kung saan ang faculty room? Transferee kasi ako, eh."

Ito na yata ang pinakamagandang babaeng nakausap niya sa tanang buhay niya. Kahit pa may kawad ito sa mga ngipn ay pansin niya ang pagkainosente sa mga ngiti nito.

"Hey, are you okey?"

"S-sorry," paumanhin niya ng tila magising sa pagkakatulala. "Y-yes, alam ko. Tara samahan kita," nakangiting imbita niya.

"Thank you!"

****

"Good morning, class!"

Hindi na tumingin si Raffy sa nagsalitang advicer sa harap ng klase nila. Sumabay na lamang siya sa koro na bati ng mga kakalse habang ipinagpapatuloy ang pagdo-drawing sa kaharap na sketch pad. "Good morning ma'am!"

"By the way class, may bago kayong kaklase starting today."

'New classmate?' naramdaman niya ang biglang pagiging abnormal ng tibok ng pusok niya.

"Hi! my name is Alexa!"

At mula kaharap na sketch pad ay dahan-dahan niyang itinaas ang mga tingin. 'That girl...'

"Okey Alexa, doon ka na umupo sa bakanteng upuan na katabi ni Raffy," utos ng advicer nila.

Tila nag-slow motion gang lahat sa kanya ng maglakad ang bago niyang kaklase patungo sa bakantang upuan na katabi lang niya.

"Hi! ikaw 'yung kanina 'di ba? Magkaklase pala tayo? Thank you ulet, ha."

"Y-you're welcome. I-i'm Raffy," nabubulol niyang pakilala sa sarili bago inilahad ang kamay.

"I'm Alexa."

Pakiramdam niya tumigil ang ikot ng mundo ng maglapat ang kanilang mga palad. Kung pwede lang talaga sanag tumigil ang mga oras ng sandaling iyon.

"Wow! May bagong love team ang section natin, oh!"

"Bagay sila!"

"Yuck! Nakakadiri naman kayo!"

"Nerdy couple!"

Mabilis na naghiwalay ang kanilang mga kamay ng marinig ang tuksuhan. Gusto sana niyang batuhin ang mga ito ng upuan kaya lang baka masira ang image niya kay Alexa sa unang araw pa lamang nito. At isa pa, hindi niya rin naman kayang gawin iyon.

***

PRESENT TIME

Kanina pa nakatulala si Raffy sa kisame ng kwarto niya. Kanina pa din naglalaro sa isipan niya ang unang araw na nagkakilala sila ni Alexa.

'WE KNOW YOU LIKE ALEXA ...'

Aminado na siya sa sariling gusto niya ang dalaga. Torpe lang talaga siyang manligaw o magpasaring man lang dito. Sigurado kasi siyang uulanin sila ng mga nakakainis na tukso sa loob ng classroom kaya hindi na talaga siya sumubok.

Isang malalim na buntong hininga ang muli niyang binitawan. Bakit pakiramdam niya ay napakaliit ng mundo para sa kanilang lahat. Bumangon na siya mula sa pagkakahiga sa kama at may kinuhang papel na halos mapunit na sa kalumaan. Hindi niya alam kung bakit parang ramdam na ramdam miya ang bawat letrang nakasulat doon. Pakiramdam niya, siya ang nagsulat noon. At kagaya ng nakagawian niya sa tuwing walang magawa ay binuklat niya ang lumang papel. Ang kahuli-hulihang sulat na ginawa bago yumao ang kanyang lolo Leandro.

***

***

***

***

****

****

****

****

Please don't forget to hit VOTE and leave some comments. :)

Thank you so much! :) :) :)

Salamin (Published Under VIVA-Psicom and Featured as TV MOVIE at TV5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon