Kabanata IV (Ikatlong Angkan)

20.2K 628 24
                                    

TAHIMIK NA UMUPO SI JEN sa katabing upuan ni Laila pagkapasok ng classroom. Alam niyang napansin na nito ang pagdating niya kahit naka-headset at nakatuon ang mga mata sa librong binabasa.Mula ng mangyari ang insidenteng mkita nila ang wala ng buhay na katawan ni Ashley  sa loob ng C.R. ay hindi na sila nagkibuan.

            "Guys! Guys!"

            Mabilis na naagaw ang atensyon niya ng malakas na boses ni Bea. Pumunta ito sa harapan ng klase upang makuha ang atensyon ng lahat.

            "I got news for you!" pahingal na sabi nito na halatang galing sa pagtakbo.

Si Bea ang Editor in Chief ng Campus Journalism. Kaya madalas ay alam na ng section nila ang lahat ng balita sa campus bago pa iyon mai-print sa dyaryo nila.

            "Ano'ng klaseng balita? About sa lovelife mo?" natatawa'ng tanong ni Eric.

            "Baliw! It's about Jerry!" malakas pa rin ang boses na sabi nito.

            "Jerry Dualan? The star player of PCI basketball team?" si Abby ang nagtanong sabay subo ng hawak na piraso ng Nova. Si Jerry Dualan agad ang pumasok sa isip nito dahil ang binata na yata ang pinakasikat na basketball player sa campus.

            "You got it right! At ang balita na 'to ay ikakalungkot ng mga nagka-crush sa kanya," medyo humina na ang boses nito ng masigurado'ng nakuha na lahat ng atensyon ng mga kaklase sa loob ng classroom.

            "Ang tagal naman oh! Kwento na, dali!" reklamo ni Vince. Ang nag-iisang lalaki sa section na kung kumilos ay parang babae. Hindi na rin lingid  sa lahat ang malaking paghanga nito kay Jerry.

            "Okey guys. Jerry is..." bigla tila nagkaroon ito ng pag-aalinlangan sabihin ang huling salita. "...dead."

            "What?!"

            "Seriously?"

            "What happened?"

            "Baka false news na naman 'yan Bea ah!"

            "Oh my! Hindi pwede!"

            Hindi na pinansin ni Jen ang kanya-kanyang reaksyon ng mga kaklase niya. Ni hindi niya nga halos maintindihan at makilala ang boses ng mga ito dahil sa sabay-sabay na pagsasalita. Nakatuon ang atensyon niya kay Bea at naghihintay ng mga susunod pa na sasabhin nito.         

            "Guys! Shhhh!" sa wakas ay saway ni Vince. "Ang ingay ninyo, hindi na makapagsalita si Bea!"

            Halos sabay-sabay ding natahimik ang lahat at muling bumalik kay Bea ang mga tingin.

            Napalunok naman si Bea  at nagbitaw ng isang malalim na buntong hininga. Hindi na bago dito ang mag-balita ng live sa loob ng classroom. Pero ito ang unang pagkakataon na makaramdam ng kaba habang tahimik na nanalangin na sana ay tama ang lahat ng salitang bibitawan. "He died last night. Ayon sa source ko, may mga addict daw na pumasok sa bahay nila. Nasa out of town meeting ang parents niya, tapos umuwi ng probinsya 'yung katulong nila kaya mag-isa lang siya sa bahay. Ang nakakapagtaka daw,  there was no evidence of forced entry to their house."

            "So possible na kilala niya ang mga killers?" tanong ni Abby.

            "You got it right again, Abby! Ang sabi pa, mukha daw siya pa napapasok sa mga killers sa loob ng bahay. Parang may  set-up pa nga daw na party sa loob ng kwarto kung saan siya pinatay. The rose petals on the bed, candles on the table and dim light bulbs."

Salamin (Published Under VIVA-Psicom and Featured as TV MOVIE at TV5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon