NAPALINGON SI ALYANNA ng may marinig na mga kaluskos mula sa nadaanang silid kaya muli siyang naglakad pabalik doon. Sa kabila ng nararamdamang kaba ay nagdesisyon siyang silipin ang loob ng silid.
"Alyanna?"
Napapitlag siya ng marinig ang boses ni Christina at nilingon ito.
"Anong ginagawa mo sa lumang silid na iyan?"
"M-may narinig akong mga kaluskos ate. Tila may tao sa silid na ito."
"Marahil ay mga daga lamang iyon. Hayaan mo na lamang sila at baka atin pa silang magamit bilang mga kasangkapan. Halika na sa ating silid ng tayo ay muli ng makapag-umpisa."
"Sige ate Christina," tugon niya at binitawan na ang hawak na seradura ng pinto bago tumalima dito sa pagpasok sa kabilang silid. Inilabas na niya ang mga karayom mula sa maliit na tokador kasama ang ilang kulay itim na mga manika. Naramdaman kasi ni Christina na tila may lumalaban sa kanilang kapangyarihan kaya kailangan nila itong pangunahan.
Tuluyan ng nilamon ng poot ang damdamin niya. Tama ang ate niya. Lahat ng taong nakapaligid sa kanila ay masama. Lahat ng mga iyon ay sasaktan lamang siya.
Napatingin sila sa isa't isa ng may marinig na mararahang katok mula sa ibaba.
"Christina, si Pedring ito. Ibibigay ko lamang ang salapi sa pinagbentahan ng mga palay mula sa inyong lupa."
"Si Pedring lamang pala," ani Christina ng marinig ang tawag mula sa ibaba. "Ipagpatuloy mo lamang ang pagpapainit ng tubig dito sa palayok at halu-haluin mo pagkatapos."
"Sige ate." Ipinagpatuloy na niya ang paghahalo sa isang mangkok na kaharap na may lamang mga dahon.
Ilang saglit na katahimikan ang namayani matapos niyang marinig ang mga yabag ni Christina na pababa ng hagdan. Napatigil na siya sa ginagawa ng muli ay may mga kaluskos siyang narinig mula sa likuran.
"Alyanna, takbo!!!" sigaw ni Christina mula sa baba.
Hindi na niya nagawang lumingon pa. Isang malaking tao buhat sa likuran ang sa kanya ay yumakap kasabay ang pagtakip ng panyo sa may bibig at ilong niya. Hindi na niya maisip kung ano ang nakasusulasok na amoy na iyon mula sa panyo. At bago pa man magdilim ang lahat sa kanya at nakasisigurado siyang nasa panganib ang buhay ng kanyang ate Christina. Pati na rin ang kanyang buhay.
***
***
"BILISAN NATIN! Mapanganib na abutan tayo ng dilim sa loob ng mansion na ito!" nanginginin na ang boses ni manang Rosa habang patuloy sa paglalagay ng abo mula sa balat ng sawa at palaka paikot sa isang malaking bilog. Nasa loob ng malaking bilog ang walang malay at nakatali sa kinauupuang sina Christina at Alyanna habang nakaharap sa dalawang malaking salamin. Batid niyang limitado lamang ang mga oras nila sa loob ng mansion. Dahil oras na magising ang dalawa ay may posibilidad na mkontra ng mga ito ang kayang orasyon.
"Akin na ba itong ibubuhos, manang Rosa?" tanong ni tata Ben
Tumango naman siya dito bilang tugon bago tahimik na pinagmasdan ang matandang lalaki sa dahan-dahang pagbuhos ng dugo ng manok sa bilog na guhit. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang binitawan ng matapos na si tata Ben. Kilala niya sina doktor Ferdinand at Dimitria. Nbabalitaan na niya ang kabaitan ng mag-asawa kaya hindi niya lubos maisip kung paano naging ganito sina Alyanna at Christina. Nabaling ang mga tingin niya kay Alyanna na bahagyang nakatungo. Bakas sa mukha nito ang malalaking peklat at ilang tahi. Nakapanghihinayang isipin na hindi lamang mukha nito ang nasira dito kundi pati na ang buhay nito.
"Oras na..." saglit niyang iniikot ang tingin sa mga kasama sa loob ng mansion. Kasama niya ito sa mga plano kung paano mapuputol ang kasamaaan ng magkapatid. Ang ilan sa mga taong naiwan sa labas ay may kanya-kanayang dala ng mgatulos na nag-aapoy.
BINABASA MO ANG
Salamin (Published Under VIVA-Psicom and Featured as TV MOVIE at TV5)
HorrorIsang malaki, luma at sunog na mansion, magkapatid na mangkukulam, sumpa ng dalawang salamin at lihim ng nakaraan. Paano itomauugnay sa buhay ng magkakaibigang Irish, Jen at Laila? Paano nito babaguhin ang buhay ni Alexa? At ano ang kaugnayan ni Raf...