Kabanata III (Ikalawang Angkan)

22.3K 637 25
  • Dedicated kay Amy Padulla
                                    

“HI GUYS!”

Sabay alos napalingon sina Jen at Laila sa bumating si Irish. May hawak na tray ng pagkain ang dlaga at gayon din ang katabing si Alexa.  At dahil pareho silang walang gana mag-lunch, Clover at Piattos lang ang binili upang papakin habang nagpapalipas ng oras sa canteen.

“H-hello Irish,” si Laila ang tumugon sa bati ng kaibigan.

“Would you mind guys if we join you?”nakangiting tanong ni Alexa.

“No problem,” pakiramdam ni Jen nawala ang alat ng isinubong piraso ng tsitsirya. Hindi niya napigilan ang sariling tumingin sa mga pagkain na nasa tray ng dalawang bagong dating na halos parehas ang laman. Pinakbet, adobong sitaw at vegie juices.  ‘Kailan pa naging vegetearian si Irish? She hates vegies as far as I know.’

“Hello? Karlo?

Napatingin siya kay Lailah.

‘Oh my.’ Mukhang alam na niya ang mangyayari.

“Okey, sige Karlo.  Pupunta na ko d’yan sa library para sa reporting natin… Yap, wait mo na lang ako.”

Bigla niyang kinapa ang ellphone sa may bulsa at idinikit iyon sa may tainga niya. “Hello Bea? Ah, nasa room ka na? Sige, wait mo na lang ako d’yan para makapag-prepare na tayo sa report natin.”

“May reporting pala?”

Hindi niya alam kung bakit tila halos sabay silang napapalingon kay Irish sa tuwing magsasalita ito.

“Oo, hindi pa ba kayo nabibigyan ng topic sa Filipino? Baka kayo’ng dalaa na ang maging magpartner. Sige guys, una na ako, medyo mahirap kasi ‘yung topic na na-assign sa amin ni Karlo,” tumayo na si Lailah at walang lingon na ginawa kay Jen bago umalis.

“A-ako din guys, I have to go,” paalam niya sa dalawa at kagaya ng naunang si Lailah ay mabilis na iniwanan ang dalawa.

At dahil hindi nama totoo ang idinahilan niya kanina na makikipagkita sa kaklaseng si Bea at sa loob siya ng Comfort Room dinala ng mga paa.

“Akala ko magkikita kayo ni Bea sa classroom?”

Napatingin siya sa repleksyon sa kaharap na salamin. “Eh ikaw? Akala ko magkikita kayo ni Karlo sa library?”

Hindi naman na tumugon ai Lailah at inilagay ang bag sa ibabaw ng tiles na lababo kasunod ang paglabas ng make-up kit.

“Lai, aminin mo sa akin. Alam ko’ng nararamdman mo din kung ano’ng nararamdaman ko.”

“Huh? Ano’ng sinasabi mo Jen? Hindi kita ma-gets.” Nagsimula na itong maglagay ng facepowder sa mukha.

“Kung hindi mo ako nage-gets, now tell me, bakit ka umalis ng dumating sina Irish at Alexa kanina? Lai, I know you can feel it. ‘Yung pakiramdam na sa tuwing magsasalita sila, tuwing titingin sila sa atin, parang… Parang hindi sila’ng dalawa… Parang hindi sila sina Irish at Alexa.”

“Jen, kung tungkol lang ito sa nangyari sa mansion na ‘yon, stop it okey? Napa-paranoid ka na  naman.”

“Lailah, ano ba? Bakit ba lagi mo na lang sinasabi ‘yan? Alam mo kung ano talaga ang nangyari that day! At alam ko’ng nararamdaman mo din ang takot na nararamdaman ko. Pero bakit ganyan ka? You’re acting like nothing was happened?!”

“Dahil ayokong isipin na possibleng naging totoo lahat ng takot na nararamdaman ko. Ayokong isipin na posibleng…” hindi na nito itinuloy po ang sasabihin.

“Posibleng napakawalan natin ang kaluluwa ng magkapatid mula sa salamin? At ngayon, sila ang nasa katawan nina Alexa at Irish?”

“Itigil na natin ‘to. Wala din naman patutunguhan ang usapan na ‘to,” anitong ibanalik na ang pangmake-up sa loob ng bag at tumalikod upang maglakad patungo sa cubicle.

Salamin (Published Under VIVA-Psicom and Featured as TV MOVIE at TV5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon