Kabanata VI

16.8K 480 15
                                    

"ANG SABI parang kinulam daw."

"Sino naman daw nagpakulam?"

"Isa daw sa mga nagging estudaynte niya na ginalaw daw niya kapalit ng passing grades."

"Tsk. Sa dami ba naman kasi ng mga ginano'n niyang estudaynte, hindi na halos matukoy."

"Pero kung iisipin mo, totoo pala ang kulam?"

"Ganoon talaga kapag may malaking galit ka sa isang tao, mahirap man paniwalaan pero mukhang totoo."

"Sabagay, sino ba naman ang gagawa sa kanya noon, eh wala halos nakita sa CCTV camera na pumasok sa loob ng Science room noon. Siya lang talaga mag-isa noon sa C.R."

"Bea, heto na 'yung mga edited column."

Napapitlag si Bea ng marinig ang boses na tumawag sa pangalan niya. Nalingunan niya si sir Rely na may iniaabot sa kanya na folder na may lamang mga papel. Ito ang adviser nila sa Campus Journalism. Kanina pa siya nasa loob ng Filipino room at hinihintay ang mga edited na column na pina-tsek niya sa baklang adviser. Habang naghihintay ay malinaw niyang naririnig ang usapan ng mga tsismosang teacher sa loob tungkol sa pagkamatay ni sir Bobby sa loob mismo ng CR ng Science room.

"Okey na ang mga 'yan, good job, halos wala na akong nakita na mali," ani sir Rely.

"T-thank you po. S-sige sir, babalik na ako sa room," paalam niya at hindi na hinintay pa na tumugon ang guro. Pagkaabot ng mga folder ay tumalikod na siya at naglakad pabalik ng room. Mabagal siyang naglakad habang malalim ang iniisip hanggang sa makarating sa pinto ng classroom. Tahimik siyang pumasok at tumuloy sa sariling upuan. Ramdam niyang nakasunod ang mga tingin ng halos lahat ng kaklase niya sa kanya hanggang sa makaupo siya.

"Yes?" tanong niya na inilibot ang tingin. Hindi siya nagkamali, halos lahat nga ay nkatingin sa kanya. "I'm sure alam ninyo na kung anong nangyari right? Hindi ko na naman sguro kailangan pumunta sa harapan para ibalita pa."

"Totoo bang kinulam siya?"

Napatingin siya kay Vince at napalunok. Hindi siya handa sa tanong na iyon. Hindi niya kayang hindi sagutin ang tanong na alam niya ang sagot. "'Yun din ang narinig ko na sabi ng ibang teacher. Ni-review daw ang CCTV footage at sigurado daw sila na walang sinoman ang nasa loob ng Science room ng mangyari iyon kay sir Bobby. Ibig sabihin mag-isa lang talaga siya sa loob ng C.R. ng mangyari iyon."

"Sino daw nagpakulam sa kanya?"

"Ang hinala nila ay isa sa mga naging estudyante ni sir Bobby na hiningan niyang kapalit ng passing grades ay ang may mangyari sa kanila," tugon pa niya. "Pero hindi ako sigurado kung tama ang hinala nila.," aniyang tumingin sa pwesto nina Jen at Laila. Kung sa mukha ng ibang mga kaklase niya ay kababakasan ng kyuryosidad, sa mukha naman ng dalawa ay labis na pag-aalala. "May pakiramdam kasi ako na iba ang taong nasa likod ng pangungulam sa kanya." Halos sabay na umiwas ng tingin sina Jen at Laila mula sa kanya. Muli ay saglit na nangusap ang mga mata bago bahagyang nagsitalikuran sa isa't isa. 'Sana mali ang kutob ko.'

********

"HI GIRLS! Pa-share sa table ninyo ha," nakangiting bati ni Bea at hindi na hinintay pang tumugon sina Jen at Laila at umupo na sa bakanteng upuan sa lamesa ng mga ito. Tyinempuhan niyang halos tapos ng kumain ang mga ito. "What's up?"

"We're fine," tipid na tugon ni Laila na ibinalik na ang mga tingin sa hawak na libro.

Isa iyon sa mga inaasahan niyang itutugon nito. Hindi naman kasi sila close at alam niyang hindi ang mga kagaya niya ang tipong tsi-tsikahin ng mga ito. "I heard you guys talking last time about the old burned mansion." Ramdam niyang nakuha niya ang atensyon ng mga ito kahit hindi tumitingin si Laila sa kanya at patuloy lang si Jen sa paglalaro sa hawak na iPod Touch. "Napansin ko lang, parang after ng araw na pag-trip-an ninyo si Alexa, ang dami ng nangyayaring kakaiba."

Salamin (Published Under VIVA-Psicom and Featured as TV MOVIE at TV5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon