ISANG NAKA-HIGHSCHOOL UNIFORM at umiiyak na babae ang nakita ni Jen na muli siyang humarap sa salamin. Saglit niyang muling ibinalik ang tingin sa likod ngunit tuluyan ng binalot ng kilabot ang katawan niya ng hindi ito makita doon. Muling namuo ang butil ng pawis sa noo niya ng dahan-dahang ilapit ang nanginginig na hinlalato hanggang sa buong palad na niya ang dumikit sa salamin. Hindi siya tumagos papasok sa loob. Totoo nga, nakakulong sa loob ng salamin si Irish!
"I-it's real..." Hindi nya alam kung dahil ba sa takot kaya siya napapaiyak o dahil nahawa lang siya sa kabigan. "W-where is Alexa?"
Lumingon si Irish sa katabing salamin. " A-alexa, m-magpakita ka na. Nandito si Jen, tutulungan niya tayong makalabas."
Napalunok siya sa sinabi ng kaibigan. Paano niya tutulungan ang mga ito? Muling nabaling ang mga tingin niya sa katabing salamin kung saan bahagya niya ding nakikita ang sariling repleksyon. At mula sa kung saang parte sa loob nito ay lumabas ang repleksyon ni Alexa. Kagaya ni Irish ay nakasuot din ito ng uniform at namumugto ang mga mata. Nakonsensya siya ng makita ito sa orihinal na ayos na nakapuyod ang makapal na buhok at nakasuot ng makapal ding slamin sa mga mata. "I- i'm sorry..." Bigla niyang naisip na kung hindi dahil sa kanilang magkakaibigan ay hindi magugulo ang tahimik na buhay nito.
"G-gagawa ako ng paraan ng tulungan kayong makalabas d'yan," magkahalong takot at at pangamba na ang umiikot sa dibdib niya.
"Please Jen, tulungan mo kami. Takot na takot na ako dito sa napakadilim na lugar na 'to," iyak ni Alexa.
"Pakiramdam ko mababaliw na ako dito sa loob. Please Jen, tulungan mo kami," umiiyak ding pakiusap ni Irish,
Tila naubusan siya ng salitang itutugon sa dalawa. Hindi na kasi niya alam kung ano pa ang isasagot. Ntatakot siyang mangako. Ano ba namang alam niya sa kulam o pangontra man sa kulam.
"J-jen, may tao. Baka si Alyanna at Christina ang paparating, magtago ka na at baka mapahamak ka!"
Napatingin siya sa salamin kung nasaan si Alexa. Lalo siyang nakonsensya sa sinabi nito. Siguradong sinabi na dito ni Irish ang plano nila noon ngunit nagagawa pa rin nitong mag-alala sa kanya.
"Jen, magtago ka na!" muling sabi ni Alexa.
Tila biglang bumalik sa kasalukuyan ang isipan niya. "S-saan ako magtatago?" natatarantang tanong niya habang iniilawan ang paligid gamit ang cellphone na hawak.
"May malaking aparador sa may ilalim ng hagdan, nasa likod lang iyon ng salamin na ito. Doon ka magtago," utos ni Irish.
Mabilis na tumalima si Jen sa sinabi ng kabigan at hinanap ang tinutukoy. Saglit siyang nagdalawang isip ng makita ang aparador. Sakto lang ito sa sukat niya kapag nakaupo ngunit sadyang maagiw at maalikaboksa loob.
'Tsk! Jen, h'wag ka ng marte!' sa isip niya bago tuluyan pumasok sa loob. Hindi pa man siya nagtatagal ay nagsimula ng mangati ang ilong niya. Allergic kasi siya sa alikabok.
Nagsimula na muli siyang makaramdam ng matinding takot ng marinig ang papalapit na mga yabag. Pinakarimdaman niya ito at sigurado siyang umikot iyon sa pwesto ng dalawang salamin na tila sinusuri ang mga iyon. Nagtatalo ang init ang lamig sa pakiramdam ng katawan niya mula sa pinagtataguan. May ilang beses na rin niyang natakpan ang ilong sa muntikan na sanang pagbahing. Unti-unting nabawasan ang kaba niya ng marinig na tila papalabas ng ng mansion ang may-ari ng mga yabag kanina.
"Hatsing!" Nanlaki ang mga mata ni Jen matapos kumawala ng hindi napigilang pagbahing. Narinig niyang huminto sa paglalakad ang papalabas na sanang bisita. Muling nanumbalik ang panginginig ng katawan niya ng maramdamang nagsimula itong maglakad papalapit sa pinagtataguan niya. Halos magdikit na ang ilong at bibig niya sa mahigpit na pagkakatakip na ginawa. Palakas na ng palakas ang mga yabag na naririnig niya. At nagsisimula na siyang mahirapang huminga dahil sa takot.
BINABASA MO ANG
Salamin (Published Under VIVA-Psicom and Featured as TV MOVIE at TV5)
HorrorIsang malaki, luma at sunog na mansion, magkapatid na mangkukulam, sumpa ng dalawang salamin at lihim ng nakaraan. Paano itomauugnay sa buhay ng magkakaibigang Irish, Jen at Laila? Paano nito babaguhin ang buhay ni Alexa? At ano ang kaugnayan ni Raf...