Kabanata V (Hinala)

17.7K 509 6
                                    

LAKAD-TAKBO ang ginawa ni Bea mula ng lumabas sa faculty room kung saan binigay niya ang mga in-edit at sinulat na balita sa Campus Journalism Advicer niya. Malinaw kasi siyang narinig mula sa mga kalapit na teacher ang paksa ng usapan ng mga ito. Si ma'am Gina!

"G-guys!" hinihingal na agaw pansin agad niya sa mga kaklase ng makapasok sa loob ng classroom.

"What? Got another news about death?"

"Ayoko man i-confirm, but it's a yes, Josh," tugon niya na tumuloy naglakad patungo sa harapan. Saglit niyang tinapunan ng tingin ang isang bahagi ng mga upuan sa loob ng classroom. Hindi niya alam kung bakit tila nakahinga siya ng maluwag ng hindi makita doon sina Irish at Alexa. Tanging sina Jen at Laila lang na bahgyang magkatalikuran sa isa't isa. May kakaiba kasi siya'ng nararamdaman sa tuwing nakikita niya ang mga ito. Lalo na sa oras ng klase kung saan sa may bandang likuran siya ng dalawa nakaupo. Dati ay medyo malapit sila ni Alexa sa isa't isa dahil naging isa ito sa mga staff ng dyaryo nila, ngunit ng bumalik ito mula sa pagkakaroon daw ng sakit ay malaki a ang nagbago dito. Isa na siguro ang pagiging malapit sa Campus Beauty na si Irish. Ngunit marami pa siyang napansin na pagbabago bukod doon, ang pagiging late nito sa klase, ang hindi na pagsipot sa meeting ng Campus Journalism at kung dati-rati ay lagi itong mapapansin na nakayuko at nagsusulat tuwing klase, ngayon ay diretso lang ito'ng nakatingin sa sinomang guro ang nasa harapan. Nakatingin ito ngunit mapapansin mo'ng malayo ang iniisip. "Again, this is a bad news. News about death."

"Death again?! Totoo talaga? OMG!" tangi'ng si Vince lang ang tumugon habang ang lahat ay tahimik na naghihintay sa susunod pa'ng sasabihin ni Bea.

"It's about ma'am Gina's death. They found her body inside of the bathroom," panimula niya.

"Paano? Pinasok ba siya ng magnanakaw?!"

"Ni-rape ba siya?"

"Nagpakamatay ba siya kasi iniwan ng boyfriend?"

"Teka, may boyfriend ba siya?"

She took a deep breath. Heto na naman siya sa pinakaayaw niya'ng bahagi ng trabaho niya sa mga kaklase. "Hindi siya pinasok ng magnanakaw at hindi rin siya nagpakamatay. Ang sabi daw ng mga police, 'yung gamot daw na bigay ni ma'am Connie ang pwede'ng may dahilan."

"A-ano'ng gamot?"

Napatingin siya sa nagtanong ni Jen. Magkahalong takot at kaba ang mababakasan sa mukha nito. Ngunit nagtaka siya ng tila makita ang parehas na reaksyon sa mukha ni Laila. Para ba'ng ay hinihintay ang mga ito sa mga sasabihin niya. "Gamot sa buhok daw na galing sa baklang kapatid ni ma'am Connie na nagtatrabaho sa sikat na parlor. Ng makita daw kasi g mga police si ma'am Gina, halos maubos na ang buhok nito sa ulo at may mga bukol-bukol daw na para'ng may lumabas na kung ano sa loob. Nakita din daw na nagkalat sa loob ng banyo ang mga laman loob niya."

"Can't take it anymore. Sorry guys, excuse me," ani Vince na tumuloy ng lumabas.

Inilibot niya ang tingin sa mga kaklase'ng lahat ay seryosong nakatingin sa kanya. Bakit ba lagi na lang naaagaw ang atensyon niya ng magkatabing Laila at Jen? "Ang sabi pang hinala ng mga pulis, baka daw aksidenteng nainom ni maam Gina ang gamot kaya natunaw ang mga laman loob niya at naisuka niya. Hindi pa pa daw alam kung para saan ba ang gamot na iyon, ngunit sabi ni ma'am Connie na umiiyak ngayon sa faculty room, ginamit niya din naman daw iyon sa buhok niya kaya imposible daw na iyon ang dahilan kung bakit nagkagano'n ang ulo ni ma'am Gina," medyo nakahinga na siya ng maluwag ng matapos ang kweto. Muling napadako ang mga tingin niya sa pwesto nina Jen na tila nagiging sakit na niya. Magkaharap na ang dalawa ngunit ni isa ay walang nagsasalita. Tila parehong nag-uusap ang mga ito gamit ang mga mata.

Isang malakas na hampas ng pinto sa dingding ang nagpapitlag sa kanilang lahat.

"What's up guys!" nakangiting bati ni Irish. At kagaya ng dati, nasa tabi nito si Alexa na may matamis ding ngiti sa mga labi.

Salamin (Published Under VIVA-Psicom and Featured as TV MOVIE at TV5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon