Kabanata XVI

6.6K 247 19
                                    

"ALYANNA?"

Napatingin si Alexa kay Irish. Hindi ito nakatingin sa kanya at patuoy lamang sa paghahalo ng mga tuyong dahon sa kaharap na palayok.

"Mayroon ka bang napapansin kina Laila at Jen?" tanong ni Irish.

"Wala naman ate," tugon niya at nagpatuloy sa ginagawang pagtatahi ng itim na manika. Nasa loob sila ng mansion sa dati nilang silid maraming taon na ang nakakalipas. Pagkatapos ng klase nila ay doon sila madalas na dumidiretso bago umuwi ng kanya-kanyang bahay.

"Alam kong kailangan pa din natin sila. Pero kung sila lang ang makakasira sa mga plano natin, sa tingin ko kailangan na din natin silang patayin."

Nagpatuloy lamang siya sa ginagawa. Sa maikling panahon ay napalapit naman siya kahit paano kayna Laila at Jen dahil na rin siguro wala siyang ibang kinakausap sa loob ng PCI. At dahil sa dalawa ay mabilis siyang nakapag-adjust sa panahon nila ngayon.

"Pero kailangan ko munang malaman kung kaninong angkan sila nanggaling."

"Sige ate, ako ng bahala doon," tugon niya dahil siya naman talaga ang nakatoka pagdating sa mga ganoong klaseng impormasyon.

"At saka Alyanna, gusto ko ring malaman kung kaninong angkan galing si Raffy."

Napatigil siya sa ginagawa ng marinig ang huling pangalan na binangit ng kapatid.

"Siya ang nais kong isunod..."

***

***

"HI ALEXA!"

Halos sabay-sabay na napatingin sina Alexa, Irish, Jen at Laila sa bumating si Raffy. Nakatayo ito sa may gilid ng lamesa nila at may hawak na tray.

"H-hello," tugon naman ni Alexa at mabilis na ibinalik ang mga tingin sa kaharap na pagkain. Hindi niya alam kung bakit lagi siyang nabubulol kapag kaharap ang binata. Ramdam naman niyang nasa kanya ngayon ang mga tingin ni Irish.

"Pwede ba akong maki-share ng table?"

"Sure! Ikaw pa ba ang tatanggihan ni Alexa?" nakangiting tugon ni Jen sa tanong ni Raffy.

"Alexa, I have something for you nga pala."

Sumimple siya ng tingin sa inabot ng binata. Isang kahon ng tsokolate na hugis puso.

"Hindi mahilig si Alexa sa matatamis," seryosong sabi ni Irish.

Hindi na lamang siya umimik kahit ang totoo ay gustong-gusto niya iyong abutin.

"Sorry, hindi ko alam..."

"Alexa, tapos ka na bang kumain? Bumalik na tayo sa classroom," yaya ni Irish.

Tumalima naman siya dito ay binitawan ang mga kubyertos na hawak.

"Wait!"

Naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya ng hawakan ni Raff yang kamay niya upang pigilan siya sa pagtayo. Kinakabahan ngunit nagawa niyang salubungin ang mga tingin nito. "W-what?"

"Pwede ba kitang yayaing manuod ng sine gayong weekend?" tanong ng binata.

"Hindi mahilig si Alexa manuod ng sine," muling sabi ni irish.

"Ang KJ mo naman, Alexa. Pagbigyan mo na si Raffy. Ngayon lang siya nagyaya ng isang babae, alam mo ba iyon?!" nakangiting kwento ni Jen.

"P-pero..." wala siyang maapuhap na salitang itutugon fito

"Sige, mag-group date na lang tayo! Siguro naman okey na iyon?" suhestyon naman ni Jen.

"Please?"

Salamin (Published Under VIVA-Psicom and Featured as TV MOVIE at TV5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon