HABOL ANG HININGA NI JEN ng bumangon mula sa pagkakahiga sa malambot niya’ng kama. Inilibot niya ang mga tingin sa buong kwarto habang patuloy sa paghingal. Ramdam niya ang malamig at namumuo ng pawis sa may noo niya.
“P-panaginip lang pala…”
Napaginipan niya kasi si Alexa at Irish. Halos normal na panaginip na iyon sa kanya mula ng pumunta sila sa lumang mansion. Madalas kasi ay magkakaparehas lang ang mga senaryo kung saan umiiyak sa loob ng dalawang malaking salamin ang mga ito. Umiiyak at humihingi ng tulong sa kanya. Nagsimulang siyang makaramdam ng kaba ng maalala ang panaginip niya kanina. Hindi kasi iyon kagaya ng napapaginipan niya gabi-gabi. Hindi lang si Alexa at Irish ang nakita niya kanina mula sa madilim na palagid. Nakita niya din si Bea. Hindi ito umiiyak na kagaya ng dalawa, ngunit paulit-ulit na sumisigaw. Paulit- ulit na sinisigaw ang pangalan niya.
“B-bea,” mabilis niyang inabot ang cellphone mula sa katabing drawer at hinanap ang pangalan ni Bea sa phonebook upang tawagan. Ilag ring pa mula sa kabilang linya bago siya napatingin sa Hello Kitty na orasang nakasabit sa may dingding ng kwarto niya. “One o’clock na pala. Baka tulog na siya.” Hinintay niya munang magsalita ang operator ula sa cellphone na nakadikit sa tainga niya bago muling ibinalik iyon sa ibabaw ng drawer. “Magkikita naman kami mamaya. Napa-praning lang siguro ako kaya napaginipan ko siya,” sabi niya at nagbitaw ng malalim na buntong hininga bago muling bumalik sa pagkakahiga. Ramdam niya pa din ang kakaibang lamig sa palagid ngunit ipinikit na niya ang mga mata upang hikayatin muli ang antok na dalawin siya.
***
***
NAPALUNOK si Jen ng makakababa mula sa tricycle.
‘Anong angyari?’
Napakaraming tao sa tapat ng bahay nina Bea at may mangilan-ngilan na sasakyang nakaparada kasama ng isang ambulansya.
“Jen!”
Napatingin siya sa isang bahagi ng kumpulan ng mga tao. Si Roy na kaklase niya at nakatira lang din malapit doon ang tumawag sa pangalan niya. Kaagad naman siyang lumapit dito.
“Bakit ka nandito?”
“Magkikita kasi kami ni Bea. Teka ano’ng nangyari? Bakit ang daming tao saka may ambulansya? May nangyari ba sa lola ni Bea?” sunud-sunid na tanong niya.
Saglit itong natahamik bago nagbuntong hininga. “H-hindi. Si Bea kasi, wala na siya.”
“Ha?! Anong ibig mong sabihin?” malinaw sa kanya ang tugon na iyon ng binata ngunit tila ayaw tanggapin ng isipan niya.
“Ang sabi, binangungot daw kagabi.”
Nanlaki ang mga mata niya ng may apat na lalaking lumabas mula sa bahay. Nakaalalay ang mga ito sa isang wheeled stretcher kung saan may nakahiga ngunit natatakpan ng puting kumot.
“Ang sabi nga, nakapikit daw ang mga mata pero nakaikom ang dalawang kamay niya. Para bang may nilalabanan siya sa panaginip niya.”
****
***
“OH JEN, kanina pa nakaalis si Laila. Sasaglit daw siya sa mall, hindi ka ba niya tinext?”
“N-naiwan ko po ‘yung cellphone ko, akala ko po maaabutan ko siya,” pagsisinungaling ni Jen sa bumungad na si lola Ikay. Wala naman talaga silang usapan ni Laila at hindi talaga ito ang sadya niya dito sa bahay.
BINABASA MO ANG
Salamin (Published Under VIVA-Psicom and Featured as TV MOVIE at TV5)
HorrorIsang malaki, luma at sunog na mansion, magkapatid na mangkukulam, sumpa ng dalawang salamin at lihim ng nakaraan. Paano itomauugnay sa buhay ng magkakaibigang Irish, Jen at Laila? Paano nito babaguhin ang buhay ni Alexa? At ano ang kaugnayan ni Raf...