NAGSIMULANG MAMUO ang mga butil ng pawis sa noo ni Jen. Nakikinig lamang siya sa kwento ni lola Ikay ngunit nakakaramdam siya ng init at lamig sa katawan. Hindi niya alam kung paano ngunit malinaw niyang nakikita sa isipan ang lahat ng nangyayari sa kwento ng matanda.
"Bakit hindi binasag ni manang Rosa ang salamin?"
Napalingon siya kay Laila. Naunahan siya nitong magtanong. Napansin niya ang labis na kaseryosohan sa mukha nito na tila may hinihintay na banggitin sa kwento ni lola Ikay.
"Matanda na si manang Rosa. Ng mga panahong iyon, may namumuo ng kaba sa dibdib niya. At sa oras na basagin niya o nila ang salamin ng hindi buo ang loob ni manang Rosa maaaring mahigop silang lahat ng nasa harap ng salamin at muling makalabas ang magkapatid."
"Paano muling mapuputol ang kapangyarihan nila?" muling tanong ni Laila.
Tumingin ang matanda sa sariling apo. At mula sa katabing lamesa ay binuksan ang isang kahon na nasa ibabaw.
"Ang itim na kwaderno?" bulalas niya. "Ang ibig sabihin..." napabaling muli ang mga tingin niya kay Laila na lalong bumakas ang kaseryosohan.
"Tayo ay mula sa angkan ni manang Rosa, Laila."
***
***
"LAILA..."
"Oh?" tugon ni Laila kay Jen na nakaupo sa gilid ng kama niya. Kanina pa sila walang imik mula ng makapasok sa loob ng kwarto. Mukhang ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob ang kaibigan niya na basagin ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
"A-are you okey?"
"Huh? Anong tanong 'yan?"
"Narinig mo ang buong kwento pati na rin ang huling sinabi ni lola Ikay."
"Muli niyang ibinalik ang mga tingin sa kaharap na luma at halos sira-sira ng kwaderno. Hindi pa niya ito halos sinusubukang buksan o basahin buhat ng ibigay ni lola Ikay sa kanya. Ano nga ba ang dapat niyang maramdaman? Dapat ba siyang maging okey ngayong alam na niya ang buong istorya. Hindi lamang kung paano nagsimula ang lahat pati na rin kung paano natapos ang lahat noong panahon na iyon. Naikwento na rin nila kay lola Ikay ang lahat. At kanina lamang ay nalaman niya na sa panahon ngayon ay mula sa kanilang angkan pa din ang dapat na tumapos ng lahat. Wala ng iba kug hindi siya.
"O-oo naman 'no. okey lang ako..."
"E-eh anong plano mo?" muling tanong ni Jen.
Bakas niya sa boses ng kaibigan niya na kinakabahan ito. Adik yata si Jen. Eh siya nga ang dapat na kabahan ngayon. Ngumiti siya bago muling tumingin dito. "Masyado kang seryoso. Halika nga dito, may ipapagawa ako sa 'yo."
***
***
"GOOD MORNING GUYS!" nakangiting bati ni Laila ng sa wakas ay dumating na sina Irish at Alexa.
"Good morning!" nakangiti naman ding tugon g mga ito.
"Ay Alexa! May nagpapabigay nga pala nito sa 'yo," sabi ni Jen sabay abot ng maliit na na kahon sa sa kausap.
"What's that?" tanong ni Irish.
"Cookies yata," nakangiting tugon niya.
"Cookies? Kanino galing?" takang tanong naman ni Alexa at binuksan ang maliit na kahon na hawak.
"Kay Raffy Rupido," si Laila ang sumagot.
"R-raffy Rupido?"
Hindi nakaligtas sa mga tingin niya ng tila saglit na pagbabago ng ekspresyon ng muka ni Alexa. Mukhang tama ang hinala nila.
"Itapon mo na ang mga iyan, Alexa," seryosong utos ni Irish.
"Huh? Bakit itatapon? Ang sweet nga ng pagkakagawa ng mga ito. Look oh!" ani Laila at inagaw ang kahon sa mga kamay ni Alexa. "Nakakainggit ka naman Aelx. Mayroon kang cute na admirer."
Lalo siyang napangiti ng makita ang bahagyang pamumula ng magkabilang pisngi ni Alexa.
"Kung gusto mo Laila, ikaw na lamang ang kumain niyan. Kahit kailan ay hindi nahilig sa Alexa sa matatamis."
"Okey, sabi mo eh. Sa akin na lang 'tong mga cookies na galing kay Raffy ha."
Hindi naman na tumugon si Alexa a tahimik na umupo sa sariling upuan.
Nakangiti naman silang napatingin ni Laila sa may upuan kung saan nakaupo ang isang binatang may suot na makapal na salamin at nakatuon ang mga tingin sa hawak na libro. Si Raffy Rupido.
***
***
**
Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta! ^_^
please don't forget to VOTE, SHARE and COMMENT...
THANK YOU Guys! ^_^
IloveYouALL! :) ^__^
:
BINABASA MO ANG
Salamin (Published Under VIVA-Psicom and Featured as TV MOVIE at TV5)
HorrorIsang malaki, luma at sunog na mansion, magkapatid na mangkukulam, sumpa ng dalawang salamin at lihim ng nakaraan. Paano itomauugnay sa buhay ng magkakaibigang Irish, Jen at Laila? Paano nito babaguhin ang buhay ni Alexa? At ano ang kaugnayan ni Raf...