Chapter 20

71.5K 1.9K 178
                                    

"Keisha nakita na ba sila?" Kinakabahang tanong ni tita Mean.

"Tita wala pa nga akong balita e."

Naalala niyo ba yung nangyari kahapon? Yung pag-aaway nila Jl at Jessy. Simula nun hindi pa bumabalik si Jl at Jade.

"Lola. Baka naman po nag-date lang sila." Biglang singit ni Angelique.

"Baby. Don't interrupt when we are talking okay?"

"Okay mom. Sorry."

"It's okay. Sige na dun muna kayo sa taas. Play with your toys." Pinanood ko siyang umakyat sa hagdan bago tumingin kay tita. "Hindi kaya nag-date lang sila tita?"

"Hindi e. Kilala mo naman si Jl Keisha. Kahit na anong tigas ng ulo nun marunong naman yun magpaalam. Hindi niya ko pag-aalalahanin ng ganito."

Tinapik ko na lang siya sa balikat. "Wag kang mag-alala tita. Sigurado akong hindi siya papabayaan ni Jade." Inaya ko muna siya sa sofa at ipinagtimpla ko siya ng tea para naman kumalma siya ng konti.

***

"Anong nangyayare hubby?" Tarantang tanong ko ng sabay-sabay silang pumasok sa isang kwarto ng bahay na to.

"They are not here. At nakita ko to sa may buhangin."

"Oh ano naman ang meron diyan hubby?" Tukoy ko dun sa hawak niyang singsing. Wala namang kakaiba dun sa ring. Meron ako nun dahil it symbolizes na kasama ka sa Dawson.

"This is Jade's ring."

Napatutop ako sa bibig dahil sa aking narinig. "You mean may masamang nangyare sa kanila?!" It was one of their rules na palagi dapat nilang suot yun. It can locate wherever they are. Kaya pala wala kaming makuhang response ay dahil hindi niya suot yun.

"Yes. Sa tingin ko someone kidnapped them."

"Sino naman yun?"

"Yan ang kailangang alamin nila Kane at Val." Tumingin kaming lahat sa dalawa. "I want you guys to find out whoever did this."

"Areglado bossing. Sisiw lang yan." Mayabang na sabi ni Kane.

"Blake at Val, kayo muna ang maiwan dito. Bantayan niyong maigi ang pamilya ko kundi yari kayo sakin." Pagbibilin ng asawa ko.

"Eh san ka pupunta?"

"May kailangan lang akong alamin wifey. I'll be back okay?" Hinalikan niya pa ko sa noo.

"Pero-"

"No buts. I'll be back okay?" Napilitan na lang akong tumango. Ano pa nga bang magagawa ko? I also want to know what happened to Jl and Jade.

***

Kane's POV

"Sa tingin mo sino kaya ang may gawa nito?"

"Wala." Bored na sagot ko.

''Anong wala?"

"Ba yan Val. Ang hina mo talaga. Hindi mo ba naisip na baka plano lang to ni Jade? Nag-date lang yung dalawa o malamang sa malamang dumamoves na si Jade. Hahahaha."

"Lol. Hindi gagawin ni Jade yun pre. Alam mo namang pinakamatino yun sating lima no. Tsaka malaki respeto nun kila Ms. Keisha lalo naman na kay Jl."

"Sus. Nasa loob lang kulo nun. Ayaw pa maniwala e." Kumpiyansang sabi ko. Inakbayan ko pa si Val. "Tara dun. Parang maraming chix dun e."

"Gago ka ba tol? Ayoko pang malintikan kay bossing no."

"Eto naman duwag e. Masyadong takot? Saglit lang naman tayo e. Di mo ba namimiss mambabae?"

Binatukan niya ko. "Gago ka. Magpapatali ka na nga nambabae ka pa diyan."

"Hi boys!" Uh-oh. Mukhang maganda ang simula ng gabi ko a.

"Hi ladies!" Pa-cute na sabi ko.

Nagsilapitan naman sila sa amin ni Val. Ayos to. Mukhang wala ng pilitan na magaganap a.

"Hello! You guys are alone?" Sabi ng babaeng lumingkis na agad sakin.

"Yea. Naghahanap nga kami ng makakausap e." Nang-aakit na sabi ko.

Wooh! Grabe namiss ko to a. Ilang taon na din akong nagpakatino a. Pwede naman sigurong mag-cheat kahit ngayon lang? Ay di naman pala to cheating. Magpapakasaya lang muna ko habang wala ang akong fiancee. Tsaka di naman niya malalaman diba?

"Pre tara na. Paniguradong hindi to magugustuhan ni bossing kapag nalaman niya yung ginagawa natin." Pag-awat ni Val.

"Pre naman saglit lang tayo e. Tsaka mukhang mae-entertain ka naman ni Ms. Beautiful e. Diba?" Tukoy ko dun sa babaeng pumulupot ng braso sa kanya.

"Naman! Mukhang wala ata kayong bilib samin e. Magaling ata to." Pagyayabang niya.

"Talaga? Gaano kagaling?" Mapang-akit na tanong ko. Ipinulupot niya ang braso niya sa leeg ko at bigla ko na lang naramdaman na may tumusok sa akin.

Fvck! Para kong nahilo bigla a.

Shet! Injection ba yun?!

Hahatakin ko pa lang sana yung tinurok niya sakin when everything went black.

***

Hindi dapat ako magu-ud dahil nakakatamad. Mehehe. Peace po. Ang sarap naman kase talagang matulog e. Kaso yung notifs ko tunog ng tunog. Mag-ud na daw ako. Bitin ba yung last chapter? Pwes, eto po ulit ang magpapabitin sa inyo. Mehehe. Love you guys! Mwamwa. Stay safe okay? Wag papaulan. :)

Btw, gusto niyo ba ng game? Comment lang if yes :)

MARRIED TO A MAFIA BOSS(Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon