Angelique's POV
"Ano! Tatayo lang ba kayo diyan? HANAPIN NIYO SI ZACH!" Nagkakagulong mga tao ang naabutan namin sa bahay.
"What's happening here mom?" Napalingon sa gawi namin si mommy.
"You!" Sinigawan niya ko at sinampal.
"Mom!" Sinapo ko yung pisngi ko. "Bakit po?"
"Bakit? HINDI BA DAPAT AKO ANG MAGTANONG SAYO KUNG BAKIT?!"
Naguguluhan akong umiling. "I.. I d-don't understand.."
"Kailan pa? KAILAN PA ANGELIQUE DAME!" Galit na galit na sigaw ni mommy sakin. I never saw mom like this before.
"Ma hindi kita maintindihan."
"Hanggang ngayon ba magsisinungaling ka pa din sakin?" Nakatanggap muli ako ng sampal mula kay mommy.
"Mom! Stop that. Nasasaktan na si Angelique." Pilit akong inilayo ni kuya.
"Alam mo din diba? Alam mo pero hinayaan mo lang!" Kay kuya naman nabunton ang galit ni mommy.
"Hindi ko hinayaan mom. Akala ko po magagawan ko ng paraan." Kalmadong sagot ni kuya.
"Nagawan mo ba? Lumala lang yung problema. You should have told us!" Sorry kuya. Sorry. Sakin naman humarap sakin si mommy. "Kailan pa Angelique?"
"M-mom.." Natatakot ako kay mommy. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit.
"Sagutin mo ang tanong ko!"
"A-almost 2 months ago mom."
"2 months ago?! Tiwala kami sayo pero ano? Sinira mo lang! Kabilin-bilinan namin sayo na lumayo ka sa Jessy na yun!"
"What? Anong connection ni Josh kay tita Jessy?" Naguguluhang tanong ko.
"Anak siya ni Jessy." Si kuya na ang nagtuloy.
"So? Yun naman pala e. Anak siya ni tita Jessy! What's wrong with that? Diba mas okay nga yun? Anak siya ng kaibigan mo mommy. Ibig sabihin kilala mo na sila!" Di ko napigilang pagtaasan sila ng boses.
"Ate! Wag mong sigawan si mommy!" Andito din pala si Amour.
"Kilalang-kilala ko na sila."
"That's-"
"They tried to kill us." Nagulantang ako sa sinabi ni mommy.
"W-what?" Nanghihinang tanong ko.
Umupo na din si mommy sa couch kaya tinabihan ko siya. "Your dad is the leader of the Dawson group and at the same time, he is the mafia boss. Ayaw na naming ipaalam sa inyo ito pero mukhang kailangan na. Hindi masamang tao ang daddy niyo meron lang siyang ipinaglalaban sa buhay. You all know that both of our parents were killed when we were young right?" Tumango naman kami.
"Fallon group killed our parents. Leader nila si Levi Fallon."
"Wait. Lola Mean's husband is Lolo Levi. Do they have the same name?" Biglang singit ni Sachel.
"No. Iisa lang sila. Siya ang pumatay sa mga magulang namin. Kahit tayo, they tried to kill us nung nasa tiyan ko pa lang kayong tatlo."
"Mom. Naguguluhan na ko. Anong connection nun sa amin ni Josh?"
"Jessy is the new queen of Fallon group."
"Paano nangyari yun mom?"
"Yan ang hindi ko pa alam. Pero isa lang ang nasisigurado ko, may plano sila laban satin at ginagamit ka niya." Titig na titig na sabi sakin ni mommy.
"No.." Umiiling na sabi ko. "Imposible yan mom. Seryoso sakin si Josh at mahal niya ko!" I yelled.
"Sila ang nagpasabog ng bahay natin noon. Sila yung nagpadukot sa atin. Sila yung dahilan kung bakit muntik na tayong mapahamak!"
"Maaring si Tita Jessy yun mom. Hindi si Josh!"
"Totoo yun Angelique. Kaya ilang beses kitang pinapalayo sa kanya." Napatingin ako kay kuya.
"Pati ikaw kuya? Alam ko namang sinasabi niyo lang yan dahil gusto niyong layuan ko siya e. Ayoko!" I shouted.
Tatakbo na sana ko paakyat ng biglang dumating si tito Blake.
"Nahanap na namin si bossing Miss."
"Asan siya?" Alalang-alalang tanong ni mommy.
"Dadalin na siya sa hospital Miss." Sabi ni tito Val.
"Anong hospital?! Bakit?!" Umiiyak na tanong ni mommy kaya hindi ko napigilang yakapin siya.
"Napatay na sana ni bossing lahat ng bantay Miss kaso biglang dumating yung anak ni Jessy. Binaril siya."
"S-si Josh..." Para kong nanghina sa narinig ko.
"Yun na nga ata."
Totoo ba? Hindi ko nga ba talaga siya kilala? Pero akala ko totoo lahat. Akala ko seryoso siya. Akala ko mahal niya talaga ko. Akala ko...
"Mom.." Tawag ko kay mommy. "I want to be like you and dad. Train me mom.."
***
Updated! :) Guys, sabihan niyo ko kapag pumapanget na yung flow ng story ha? Baka kase mamaya okay sakin to, tapos sa inyo, hindi pala. Okay? :) Enjoy reading! :*
PS: Yung sa chapter 32, yung tumakas si Angelique sa mall then they kissed. Sorry about that. Sa cheeks lang po talaga dapat yun. Nasanay lang ako kila Zach at Keisha. Miss ko na kase sila. Huhu. So yun, for clarifications, cheeks lang po ang kiss nila. :)
***
Hindi ko pala to na-publish. HAHAHA. 2 days ago na to e. Sorry naman po! :*
BINABASA MO ANG
MARRIED TO A MAFIA BOSS(Book 2)
AcciónPakibasa po muna ang book 1 before reading this :)