"Mommy bilis po!" Kanina pa kong sinisigawan ng mga anak ko pero ano bang magagawa ko? Pagod na ko. Huhu.
"Mom di ka naman tumatakbo e." Angal pa ni Amour.
"I'm running okay?" Medyo naiinis na sabi ko.
Nakakainis naman talaga e. Paano training day pala kase ngayon. So 3:30 am nanggising na po si boss. At siyempre ang pinakahuling bumangon ay walang iba kundi ako. Inasar tuloy ako ng mga bata na mas very good pa sila sakin. Hmp.
So eto na nga, jogging daw muna at siyempre pinapangunahan to ng napakagaling kong asawa na akala mo hindi nabaril sa binti. Tsk. Nakasunod naman ang apat kong chikiting sa kanya na kahit pagod ay alam mong nag-eenjoy sa ginagawa.
Siyempre-siyempre andito ako sa hulihan nila. Hindi naman pinakahulihan dahil yung limang pasaway ang nasa likod. Binilin yun ni Zach e. Halata na ding bored na sila sa ginagawang PAGLAKAD.
"Grabe naman tong training na to. NAKAKAPAGOD." Sinamaan ko ng tingin si Kane. Halata namang nagpaparinig e.
"Eh mas mabilis pang tumakbo satin yung mga aso sa kalsada."
"Isa pa talaga Kane." Pagbabanta ko.
"Sorry na." Nag-peace sign pa siya. "Ang bagal naman kase-" Napatigil siya sa pagsasalita ng humarap ako sa kanya at tutukan siya ng baril.
"Hindi ka ba makaintindi na manahamik ka!" Gigil na sigaw ko. Naiinis na ko talaga a.
"KANE." Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng nakakatakot na boses na yun. "One wrong move at ako na mismo ang babaril sayo." Naglakad siya palapit sakin.
Hinawi niya yung buhok kong kumalat sa mukha ko at pinunasan yung pawis ko. "You want to rest now?" Malambing na tanong niya.
"Yes please." Nanghihinang sabi ko. "I'm so damn tired."
"Baka hindi ka lang sanay ulit." He kissed the tip of my nose bago siya humarap sa mga bata. "Let's call it a day I guess?"
"But daddy we still have something to do right?" Umaangal na sabi ni Angelique.
"Yes daddy. You promised that!" Si Amour naman ngayon ang nangungulit.
"But mommy is tired. We'll just do it tomorrow. Okay?"
"Diba daddy a promise is a promise? So dapat tuparin." Nakangusong sabi ni Sachel.
"Hay. Ano ba yun?" I sighed. Hindi naman kase sila titigil e. Lalo na if you promise something.
"Hiking mommy!" Excited na sabi ng bunso ko.
"What?! ANONG HIKING?!" Napasigaw na tanong ko.
"Aakyat tayo ng bundok mommy."
"Alam ko ang ibig sabihin ng hiking anak. Pero hindi pwede. It's dangerous."
"But mommy-"
"I said no baby girl. Let's just stay inside the house." Pagtatapos ko ng usapan.
"Pero mommy si daddy ang nag-promise nun samin. Tingin niyo po ba kaya kaming ipahamak ni daddy?"
"Of course not. Safety niyo lang ang iniisip namin ng daddy niyo." Pagpapaliwanag ko.
"That's ny point mom. I'm sure dad made sure that everything's gonna be okay. Safe naman yun diba daddy?" Humarap pa si Amour sa niya.
"Of course. Your safety is my number one priority." Tinignan ko si Zach. Alam niyang takot ako sa mga hiking-hiking na yan pero eto siya pa ang pasimuno. Huhu.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO A MAFIA BOSS(Book 2)
AzionePakibasa po muna ang book 1 before reading this :)