Chapter 39

64.2K 1.8K 88
                                    

"Bear ka ba?" Kumunot ang noo ko sa tanong ni Kane. Pababa na ko ng hagdan at nasa ibaba siya.

Bahagya siyang tumahimik at nakinig sa kausap niya sa cellphone.

"Kase I love you BEARy much e."

"Jusko Kane! Ang aga-aga binobola mo pa din yang asawa mo? Kailan ba uuwi si Karen?" Remember Karen? Yung kasali sa auction na napuntahan namin dati kung saan si Kane ang nag-bid para sa kanya.

Ayun tinamaan ang loko. Nanligaw at naging sila na din after ilang months. Pero ngayon nga, kasal na sila pero madalas wala si Karen sa bansa dahil may inaasikaso sa negosyo.

"Ewan ko ba dito kay Karen. Ang tagal-tagal bago umuwi. Ang tagal tuloy namin bago makabuo." Pinindot niya ang loudspeaker.

"Asus. Ang sabihin mo mabagal ka lang talaga. Sa isang buwan nating honeymoon di ka man lang naka-shoot." Tumatawang sabi ni Karen sa kabilang linya.

"Mahina ka pala e." Pang-aalaska ko sa kanya. "Osiya mag-usap na nga kayo diyan." Iniwan ko na sila at dumiretso sa kitchen.

"Good Morning Miss." Bati sakin ni Jade.

"Morning. Ikaw nagluto?"

"Opo Miss."

"Himala. Ang aga mo atang nagising?" Kadalasan kase ako ang unang bumangon sa lahat para magluto.

"Nagpahatid po kase sila Jl Miss."

"San daw sila pupunta?" Takang-tanong ko. Wala naman kase silang nababanggit na lakad sakin.

"Kakausapin po nila ang abogado dahil may kailangan daw po silang asikasuhin."

"Ano kayang meron?" Tanong ko pero nagkibit-balikat lang siya. "Asan nga pala si Zach? Napansin mo ba? Naalimpungatan ako kaninang madaling-araw, wala siya e. Akala ko nag-cr lang."

"Hindi ko po alam. Pagkagising po namin, wala na po sila."

"Sila? So kasama si Blake?"

Tumango ito. "Kain na po tayo." Aya niya.

"Osige. Pakitawag na ang mga bata sa taas. Sabihin mo kakain na."

"Ah.. eh miss.. Wala po kase sila sa taas."

"Ano bang wala? Imposible namang gising na yung mga yun. Tulog mantika sila no."

"Pero miss wala po talaga-"

"Don't tell me napasok tayo at nawawala ang mga anak ko?!"

"Hindi po-"

"Then where the hell are they!" I shouted kaya napalapit na din si Kane sa amin.

"Aga-aga ang ingay mo-"

"Where are they?" Masungit na tanong ko sa kanya.

"Nasan kako sila?" Pag-uulit ko. Pano nagkibit-balikat lang ang mokong.

Napakamot siya sa ulo. "Ano kase Keisha... uhmm.. ano-" Bigla namang bumukas ang front door at iniluwa ang mga anak kong pagod na pagod.

"Where have you been?" Isa-isa ko silang tinignan pero walang sumagot. Isa-isa lang silang nagsipagbaksan pahiga sa sofa.

Kasunod naman nilang pumasok ang iika-ika kong asawa na nakajogging pants, white shirt, at rubber shoes.

"Hubby san kayo galing?" Sinalubong ko siya at hinalikan niya ko.

"Diyan lang wifey. Did you eat your breakfast na?" Masuyong tanong niya habang nakayakap sakin.

"Hindi pa. Wait. San ba kase talaga kayo galing? Parang galing sa giyera ang mga anak mo o. Anong nangyare?" Hindi ito sumagot. "Don't tell me you trained them?"

Wala pa ding kumikibo sa kanila. "You did?! Why? Akala ko ba napag-usapan na natin na hindi sila kasali dito. Ayoko silang mapahamak Zach!"

"Ayoko din naman wifey. But I have to." Tinignan ko lang siya with disbelief. "Alam mo bang kung hindi ako bumaba kanina ay sila-sila lang ang aalis para mag-training? Malalaki na sila Keisha. Matitigas na din ang ulo kaya kahit anong bawal natin sa kanila gagawin at gagawin pa din nila ang gusto nila. Edi mas maganda ng alam natin. At least nababantayan natin sila."

May point naman siya. Nagiging matigas na ang ulo nila at malalaki na sila para intinildihin ang mga nangyayare sa pamilya namin pero kase. Hindi ko mapigilang hindi mag-alala para sa kanila. Kami na nga ni Zach na matagal ng lumalaban, napapahamak pa din. Sila pa kaya na ngayon pa lang natututo?

"Pero-"

Naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Premier. "Stop worrying mom. We can handle ourselves." Humigpit naman ang yakap sakin ni Zach. Ano pa nga ba naman ang magagawa ko? Magkakakampi kaya sila. Madaya!

"Oo nga po mommy. Gusto lang po namin kayong tulungan. Laban ng magulang, ay laban na din ng mga anak."

Kinilabutan ako sa sinabi ni Angelique. I never imagined them fighting with other mafia groups. Ang gusto ko sa kanila ay tahimik na buhay pero ito na nga ata talaga ang nakatadhana sa kanila e.

Huminga ako ng malalim bago sila titigan isa-isa. "Anong oras ang training bukas? Sasama ako."

***

Updated! :) Below 10 chapters na lang po ata tayo. Maraming akong naiisip na pwedeng mangayri pero ewan ko kung anong ilalagay ko. :( Happy ending pa din kaya? Manalo kaya ang Dawson? Magiging buo pa din kaya ang pamilya nila? May mawawala? Ay higit sa lahat, may maghihiwalay? Iisa lang po ang sagot, EWAN. HAHAHA. Hindi ko po alam pero maaring andiyan sa mga tanong ko ang magaganap. Any, enjoy niyo muna to. Love you guys! Mwamwa! :*

MARRIED TO A MAFIA BOSS(Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon