Chapter 28

67.8K 1.9K 58
                                    

"Morning mommy!" Angelique greeted me with full enegy.

"Mukhang masaya ang anak ko ha. Anong meron?" I asked her.

"Hmmm.. mommy you look pretty today."

"Oh-kay. Bakit naninipsip ka ata?"

"Si mommy naman. Maganda ka naman talaga ha."

"Aba. Siyempre naman. Mommy mo ata ang pinakamaganda sa lahat!" Nako. Andito na po ang asawa ko.

"Good morning hubby."

"Morning wifey." He kissed me on my lips. Jusko. Walang kasawaan. "Aga mo ata nagising?"

"Maaga ka diyan. Tanghali ka lang talaga bumangon." I teased. 12 na kaya ng tanghali.

"Napasarap tulog ko dahil apat na mahal ko ang katabi ko." I smiled. Nagsiksikan kase kami sa isang king size bed e. Haha. Ewan ko ba kung anong trip namin. 4 naman sana yung bed dito sa hotel room namin pero mas pinili naming makipagsiksikan sa kanila. Masaya naman. "Any, what do you need Angelique?"

"Nothing dad."

"Come on. Tell me." Pamimilit niya pa.

"Hmmm. Dad. You remember tita Venus?"

"And?"

"And.. and she's inviting me and Amour in a pictorial shoot tomorrow." Nasabi ko na bang part-time model ang mga anak ko? Well, siyempre napakilala na ni Zach yung family sa media dahil sa isang business gathering na dinaluhan namin. 1-year old pa lang sila nun at talaga namang madaming humanga sa kacute-an at kagandahan nila. Then I met ate Venus. She even pleaded na payagan ko na daw sila mag-model paminsan-minsan. Bilang isang ina naman gusto ko silang makitang nasa tv no. So pinilit ko so Zach na pumayag hanggang sa magdalaga na sila. Masaya naman sila sa ginagawa nila kaya wala namang problema.

"NO." Napatingin ako kay Zach tapos kay Angelique.

"Please daddy?" Malungkot na sabi ng anak ko.

"No. And that's final."

"Mom! Help me please?" Lumapit na siya sakin at yumakap. "Gusto ko talaga mommy. Please?"

"I'll try okay?"

"It's a big no wifey." Sinamaan ko siya ng tingin. "What?"

"Payagan mo na sila ni Amour."

"No. Hindi pwede."

"Edi samahan natin sila."

"Tsk. Stubborn wifey and daughter." Napahawak pa siya sa ulo niya. "Saan ba yang pictorial na yan?" Napangiti na ko. He really can't resist us.

"Sa Tagaytay daddy!"

"What? Malayo yun. I can't allow you." He said.

"Edi punta tayong Tagaytay." I suggest.

"But wifey I have so many things to do." Alam ko. Sa opisina at mafia pero gusto talaga ng mga anak namin e.

"Edi kami na lang." Pero deep inside ayokong umalis ng wala siya no. Huhu.

"Alam mo namang hindi ko mapapayagan yun."

"Then go with us." Pagtatapos ko.

"Sige na daddy. Please. Please. Please." Lumambitin pa si Angelique sa daddy niya. Dalaga na pero isip-bata pa din. Mabuti na nga din siguro yun para wala munang biyfriend-boyfriend.

"Aish. Fine! Go fix your things. Dun muna tayo magstay sa bahay natin sa Tagaytay." Pagpayag niya.

"Wow! Really daddy?! WAAAAAH! Mommy pumayag na si daddy! Yehey! Yehey! Thanks dad! Thanks mom! I love you both!" Patakbo na siya sa bedroom ng pigilin siya ni Zach.

"Angelique Dame."

Napahinto siya. Nakakatakot boses ni Zach e. Kapag ganyan buong pangalan ang tinatawag niya, ibig sabihin seryoso at mahalaga ang sasabihin niya.

"Do me one thing."

Kitang-kita ko ang paglunok niya. "W-what is it dad?"

"What ever happens, never ever talk to your tita Jessy." Napatingin ako sa kanya. What?

"But daddy, friend siya ni mom-"

"Are we clear Angelique Dame?" Why does it gave me goosebumps. What's with Jessy?

"Y-yes daddy.." Napilitan na lang siyang pumayag.

Hinintay ko munang makapasok sa kwarto ang anak namin bago humarap kay Zach. "What was that all about?"

"Alam mo ba wifey na pagkatapos pa lang pasabugin yung bahay natin ay napag-alaman ko ng isang Chinese na nagngangalang Chua ang may pakana nun?" Napailing ako. "Alam mo ba na bago pa namin kayo maligtas ay si Premier muna ang nailigtas ko?"

"What?! Akala ko talagang magkasama kayo." Di makapaniwalang sabi ko.

"No. He just followed me at muntik na siyang mapahamak. Si Chua din ang may gawa nun." Naguguluhan na ko.

"Sino ba yung Chua na yan?" Di ko na napigilang tanungin.

"Wala ka bang kilalang Chua wifey?"

Iiling na sana ko ng maalala ko si Jessy na may kausap nung nasa Boracay kami. "Hindi ko siya totally kilala pero narinig ko na kausap siya ni Jessy. At mukhang may pinagtatalunan sila."

"Alam mo din ba wifey kung bakit kita pinapalayo kay Jessy?"

Matagal bago ako nakasagot... "You.. you mean si... si Jessy ang.."

"Jessy is the new queen of Fallon." Pagpapatuloy niya sa sinabi ko.

***

Sorry late update guys! Nagka-problem lang talaga ko. Sana magustuhan niyo to. Mwamwa! :*

MARRIED TO A MAFIA BOSS(Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon