WILL

5 1 0
                                    


            Ganitong-ganito na yata ang mundo na dapat kong harapin ngayong college na ako; magulo, maingay at iba't ibang mukha ng tao ang makakasalamuha mo, nandyan yung mga babaeng mukhang neird na ang tanging kaibigan lang ay ang libro at favorite place din nito ay sa Library, may mga mukhang goons o yung mga kasama sa fraternities yung isang pagkakamali mo lang ay parang nagbabanta na ang mga ito na aabangan ka na nila sa labas, mga mukhang adik na mas malalaki pa yata ang eyebags nila kesa sa mga mata nila at nagmumukha na itong adik sa pula, meron din namang mga athletic guys na kung pumorma ay super cool as in mahangin at mayabang akala yata nila lahat ng babae hahabulin sila, syempre mawawala ba naman ang mga PNC o pangbato ng campus o mas kilala sa tawag na Campus Heartthrob sila yung mga anak mayaman na pogi, mabango at tinitilian ng girls pag dumadaan sa harap nila. Pero of all those people na nakita ko dito sa paglilibot ko sa campus isa lang ang nakaagaw ng atensyon ko siya yung babaeng pinangalanan kong Sassy Girl, ang ganda kasi ng mukha niya parang itong Barbie Doll at hindi mo aakalaing may tao palang may ganun kaamong mukha tulad niya, meron siyang manipis na buhok na umaabot sa bewang niya, yung mata niyang singkit tapos nawawala pag tumatawa siya, tapos may dimples din ito sa magkabilang pisngi nya at ang mala-porselanang kutis niya napaka-puti pero hindi naman yung tipong mukha ng anemic, mga lips na pink para ka talagang nakakita ng isang manika so perfect yet so lovely hinding-hindi ka magsasawang titigan siya pero hindi ko siya crush siya nagagandahan lang ako. 


Anyways back to the topic, as I expected ugaling high school pa din ang mga makakasama ko for the whole semester and at the age of 16 and 17 mga naglalaro pa ang mga ito WTF (wat the fak!).
First subject namin, pakilala agad ang unang lecture namin para daw makilala namin ng maige ang bawat isa, napaka-pang high school talaga akala ko pa naman pag college na hindi ka na pa easy-easy lecture agad, hindi pala isang linggo ka din matatambay at puro kilalahan effect mabuti na lang at turn ko na kaya tumayo na ako saka na salita, 


"Good Morning Classmates, Ms. Corales. My name is Will Saydie Merced but you can call me Will, 16 years of age and taking up Computer Science that's all thank you" Sabay upo ko agad na parang walang nangyari. Ok na sana kung hindi lang dun sa babaeng ubod ng daldal, sukat ba namang sabihing bitin daw? Naku kung hindi lang babae yun baka nasapak ko na yun bigla; napakamahadera naturingang babae tapos sa mga lalake nakikihalubilo. 


Isang subject lang naman sabi ko sa sarili ko and after this hindi ko na sila makakasama iyon kase ang kwento sakin ng pinsan ko na isa ring College Student katulad ko, bawat subject daw kasi iba-iba ang magiging classmate mo pati sa mga susunod pang semester kaya don't expect na you can find true friends sa mga nakakasama mo sa klase pero nakadepende pa rin sayo kung sino ang sasamahan mo para makabuo kayo ng solid na tropa. 


Mabuti pa nga si Sassy Girl ay Hiromi pala narinig ko nung nagpakilala siya, syempre mga boys all eyes on her. Amaze na amaze sila sa beauty niya while yung ibang girls halatang insecure at akala mo isinusumpa na siya kakabulong, Full-Blooded Korean pala siya at marunong din itong mag-tagalog buti na din para makausap ko din siya minsan.


Tropa na agad sila ng katabi niya na mahilig daw mag-DOTA, Farmville at Mafia Wars Zander nga ba pangalan nun, o siya nga si Zander! Kakausapin ko din sana yung seatmate ko paano kasi nahulog yung ballpen nya Brett ang pangalan nasilip ko nung nagpasa kami ng index card at nagpakilala siya. Gwapo itong si Brett kaya kanina pa pinagkwe-kwentuhan nila Claire Ann and Angels, kaso hindi ko na tinuloy baka kasi  mayabang din tulad ng ibang alam niyo na pag anak-mayaman mga matapobre pero kung anak-mayaman nga siya bakit dito siya nag-aaral sa Campus kung pwede namang sa mga bigating University sya pumasok.



RRRiiiinnnnngggg!



Biruin mo yun uso pa pala ang bell pag College?
Teka ano na nga ba? Breaktime o next subject.
Sana ibang tao at mukha nanaman ang makikita ko pero before that mag-snack muna ako kasi Psychology na next subject namin madugo yata yun pangalan pa lang kasi mahirap na spell at banggitin kaya after mag goodbye ni Ms.Corales sumabay na ako umexit ayoko kasi malate sa next subject ko bawas points din iyon tsaka promise ko kay Tita Julie na ako ang makakapagpatapos sa dalawa ko pang kapatid na nasa elementary at High School pa lang, simula kasi ng mamatay sila Mama sa Kuwait last year ako na ang nag-alaga sa dalawa kong kapatid, malungkot man pero unti-unti na din naming natatanggap na tatlo na lang kami magce-celebrate ng mga important events sa buhay namin gaya ng Birthdays, Christmas, New Year at Valentine's Day, kami na lang magkakapatid ang magsasama-sama kaya itinatak ko na sa isip ko na magsusumikap ako para matupad ko ang naiwang pangarap ng mga magulang ko and dahil doon I have to study hard para maging maayos ang buhay namin kahit nga sabihin na nilang ulila na kaming tatlo, magiging isa akong engineer at ako ang bubuhay sa pamilya ko at tutulong kila Tita


L.O.V.E  UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon