First day again on our Second Semester sa LOVE U, and si Jasper, boyfriend ko na after ng ilang pagsasabay naming pag-uwi tuwing may practice sila nila Brett at syempre kami din sa cheering squad finally napansin din niya ako na attractive sa paningin over those girls na pahabol-habol sa kanya sa university. At first nagulat ako bakit niya ako niligawan hindi naman sa hindi ako maganda o wala akong bilib sa sarili ko, naisip ko nga masyado na bang obvious na type ko siya kaya niligawan niya ako tanong ko kay Hiromi, syempre siya ang unang pinagtanungnan ko kasi kami ang laging magkasama bukod kay Brett na boyfriend niya, kasama ko siya sa bahay at school kaya sa kanya ako nagseek ng advice sabi naman niya hindi naman daw, if talagang gusto ko daw si Jasper why not try being lovers wala naman daw masama tutal pareho naman kaming single at walang commitment kaya after two weeks of courting sinagot ko siya sa Mang Inasal while kumakain kami bago umuwi after practice. Masaya nga ang naging start of my November dahil kay Jasper and syempre dahil nakikinita ko na din ang tagumpay ng aming Movie Presentation dahil makatotohanan daw ang pinakita namin to think na ang director namin ay from Korea kaya super positive kami na magiging amin ang tropeyo ng tagumpay.
Ilang araw na lang hindi ko na makakasama si Hiromi sa kwarto dahil patapos na ang Restaurant niya mamimiss ko din ang 2 weeks bonding moments namin bago matulog kaya inaabot kami ng twelve midnight. Pero happy na din kasi kahit papano may napatunayan na ang mare ko may sarili na siyang business and proud kami sa kanya kahit na nga malungkot ang daddy ni Brett kasi last day na nito sa office magfo-focus na daw muna siya sa bagong tayong negosyo niya ayaw kasi daw niya mapahiya sa tiwala ng daddy ni Brett sa kanya, si papa kinuha ni Hiromi na isa sa chef niya may natatago din palang alam si papa sa mga Korean Cuisine dahil nag-work daw siya noong binata siya sa Korean Restaurant thankful na din ako kahit papaano dahil unti-unting nalalayo si Papa sa pagiging sugarol dahil sa work na binigay ni Hiromi at si Ate Mayen kinuha niyang Waiter kaya nga true friend talaga itong si Mare, ayon si Mama naman bantay na lang sa anak ni ate sa pangakong iiwasan na ang pagsusugal para makaahon kami kahit papaano sabi ko nga kay Mudra umutang muna siya sa mga kamak-anak namin para mag sari-sari store siya para may paglilibangan na nga siya.
"Baby what time out mo?" tanong sa akin ni Jasper so tinanong ko siya bakit last subject ko na at maaga pa naman para umuwi kaya tinanong ko siya
"Bakit? Wala na akong klase ngayon eh?" balik tanong ko sa kanya
"Sasama sana kami may gimmick ang tropa, ano sama ka?" aya nito, syempre date with my loves kaya pumayag ako, sa isang condominium kami nagpunta nandun ang mga tropa niya pati yung isang ex-girlfriend niya si Vanessa na panay ang irap sa akin everytime na nakakasalubong ko siya sa University kung hindi lang may iniingatan akong image naku naabangan ko na sa labas ng gate para upakan pero dahil nga sa mabait ako at hindi ako war freak kaya nginingitian ko na lang siya sa tuwing nasasalubong ko siya. Party-Party tamang sayaw at inom kami enjoy naman ako kasi kasama ko siya kahit na nga nakaka-OP pag nag-uusap na sila ng mga kung ano-anong kasusyalan basta ako happy to be with my jasper at lalo ko pang iniingit si Vaness sa pag dikit ko kay Jasper at kinikiss din niya ako, hindi ko alam kung sign na naglalambing siya o lasing lang siya and everything happens to that party hindi ko na matandaan kasi nasa bahay na ako kinaumagahan hindi nakapasok ang sakit kasi ng ulo ko, nalaman ko na lang na five in the morning na ako hinatid ni jasper at buti na lang hindi nalaman ni mudra na inumaga ako kasi pinagtakpan ako ni mare, hindi lang ulo masakit sa akin pati ang katawan ko wala nga akong matandaan sa mga pinaggagawa ko sa party na iyon, sinabi ko na lang kay Hiromi na if ever makita niya si Jasper sabihin dito na hindi muna ako papasok masakit talaga buong katawan ko, hindi ko alam anong gamot ang lalaklakin ko just to ease the pain I'm feeling.
BINABASA MO ANG
L.O.V.E U
RomanceFriendship isn't about whom you've known for the longest, It's about who came, stayed and never left your side. <3