Grabe ang bunganga ni Mudra! Tinatalakan yung pamangkin ko as if maiintindihan siya samantalang isang taon pa lang naman si butchie short for Beatrice Chinee, pasalamat lang siya at wala ang ate kundi world war nanaman sa bahay with matching flying saucer pa ng gamit syempre para maiwasan ang ingay na gawa ng bunganga niya naligo na lang ako at maagang papasok buruin mo yun? 10:00 AM pa lang at 1:30 PM pa klase ko FilKom, kakainis ayoko namang makipagtalo sa kanya ayoko yatang pumasok na walang pera kaya titiisin ko na lang tutal immune na ako sa ingay ng bunganga ni mama para na nga music thanks lord you gave me this wonderful life, iyon na lang ang katagang paulit-ulit ko ng sinasabi kumbaga words of encouragement ko sa sarili ko kumakagat naman eh.
Ayun si Brett nakita ko kausap si Claire, kahiya ayoko lumapit kaya sa court na lang ako mamaya makita ko pa dun si jasper my loves bawi ng buo ng araw ko, kaya lang baka may klase siya or worst wala pala siyang klase ngayon how sad naman kakainis nanaman kung ganun panget naman kung mag-mall ako wala naman akong budget kaya mag stay na lang ako sa school hanggang mag 1:30 magbabasa na lang ako ng notes ko baka may recitation atleast I'm prepared masipag naman talaga ako mag-aral, actually I graduated with honors kung hindi lang naudyukan ng barkada. Ikaw ba naman halos araw-araw kang ganun ang routine mo bahay-school, school-bahay hindi ka ba maboboring nun? Kaya hindi ako masisisi ng magulang ko kung minsang nagloko ako sa pag-aaral but see andito ako sa college and taking up my Architecture Course balak ko kasi maging Architect someday yung tipong ikaw yung gumagawa ng mga buildings at bahay diba tiba-tiba ka pag nagkataon nun minsan lang namang lumiko ang landas minsan lang naman diba and I'm sure hindi na mauulit pa, anyways hirap naman ng maaga ka pumasok wala ka makausap, wala ka ring magawa pero keri lang mga 'teh dahil next time aawayin ko na yun si mudra.
Inaya ako kumain ng lunch kasama si Hiromi after ng FilKom namin pero syempre hindi ako pumayag ayoko kaya lumabas na isang chaperon sa date nilang dalawa tsaka nahihiya talaga akosa kanila hindi lang halata sa pagmumukha kong ito! Ok na akong maglunch mag-isa in any case kahit ano mabibili ko hindi ko na kailangang magpanggap at makakain ko na din yung baon kong lunch masarap pa naman yung pinabaon sakin ni mama, mabait naman talaga magulang ko lalo na pag panalo sa sabong o mahjong kung hindi naman, araw ng sweldo ni Kuya Samuel swerte nga nyan ni Ate Mayen mabait ang asawa niya ako kaya? Kailan makakahanap ng asawa este jowa? Ang tagal ko na dito sa LOVE U nakaabot na nga ako ng ilang Celebration ng Every Department at nalalapit na nanaman ang madugong Midterms wala pa din akong matipuhan (ahem! Maliban kay Papa Jasper my loves), kasi naman si Brett nga na head turner wa-epek sakin napaka-choosy ko naman yata ngayon sa papabols samantalang dati may jowa na ako gaya nila
MARK – CBB! Naging kami noong 1st year ako and he is my 1st boyfriend
BENJIE – walking dictionary classmate ko and sinagot ko siya para may taga- gawa ako ng assignment at project
CHITO – 3rd year siya ako naman ay 2nd year, pareho kasi kaming nasa Dance Club kaya ayun nag-kadevelopan kaming dalawa
BILL – eto ang reason ng Break-Up namin ni Chito siya ang 3rd party and take
note tropa pa ni chito yan
MICHAEL – pwera lait, boses lang maganda dyan and wala ng iba bukod dun
naging kami nyan dahil I only like his voice
PAUL – lastly ay ang varsity player ng school, una S.O lang sana kami later on naglantad din kami kasi nahahalata ng lahat na sweet kami, paano nagselos si mokong nung one time nakita niya na may kabulungan ako, and we lasted for one year and 9 months.
BINABASA MO ANG
L.O.V.E U
RomanceFriendship isn't about whom you've known for the longest, It's about who came, stayed and never left your side. <3