MACY

3 1 0
                                    


Simula ng nagkaisip ako ganito na ang nadatnan ko sa namin bahay kung hindi nag-aaway si Ate at ang asawa niya si Mama nasa Binguhan while si Papa syempre hindi papatalo yan nasa sabungan naman ito ni hindi nga nila maisip na tanungin ako how's my first day on college samantalang mag- iisang buwan na kami at malapit na nga ang prelims. Oo nga naman aasa pa ba akong itatanong nila yun samantalang nag-buntis at naka-panganak na si ate at lahat lahat hindi nila napansin. Simula yata ng maluge yung share business ni Papa kila Tito Raul nagkaganyan na sila at sana nasa mga sikat na private schools ako noon at nakakasabay sa mga gimmick ng mga old friends ko at hindi magiging ganyan ka disappointed ang parents ko na pilit itinatago ang kamalasan na dumating sa buhay namin.



College Life?


Sa wakas naisip din ako nilang tanungin, may mga bagong ka-tropa nanaman ako on that big campus, naalala ko pa nga noong first day lahat kami kabado kasi iba-ibang mukha ang nandoon sa four corner ng classroom hindi kami magkakakilala lahat, may mukha weird gaya nung si Zander na the whole class siyang tahimik magsasalita lang kung may nagtatanong sa kanya o magrerecite siya yun ang cool maging ka-seatmate sa exam hindi ka mawawalan, tapos yun si ano? Yung mukhang bida sa mga cartoons yung para sila sakura ganun, mukha kasi siyang babaeng bida sa mga anime na hindi yata marunong makipagkaibigan, si Zander lang kasi ang madalas kasama well bagay naman silang magkasama parehong weird. Nariyan din naman ang mga kikay girls kala mo laging may party na pupuntahan panay ang retouch para na nga silang mga espasol sa kapal ng foundation at mukhang sinapak sa kapal ng blush-on yun ay ang grupo nila Claire, meron din namang tipong mga matinee idol ang dating yan si Brett paano lahat ng makakakita sa kanya hindi matanggal ang tingin pati nga mga senior years at faculty staff napapahinto niya sa mga ginagawa pag nakita siyang dumaan pero hindi ko siya type baka kasi pag niligawan niya ako at maging kami marami lang mainggit at lumabas ang totoo kong kulay magiging amasonang gubat ako mapapaaway lang ako. Syempre mawawala ba ang mga bagyo, yung mga presko at pa-pogi effect pero syempre kahit papaano may laman din naman ang utak gaya noong nagpakilala sa English 101 kay Ms. Corales puro basic information lang binigay kaya sumigaw ako ng bitin, kulang at more, aba lumiliit yata ang room dahil sa ginawa ko kasi sa talim ng tingin niya sa akin para ngang pwede ka ng mag laro ng SOS sa mukha ko buti na nga lang at magkalayo kami ng kinauupuan hindi niya ako nasapak at thank god hindi din naman niya ako inabangan para banatan sa labas at remesbak kasi grabe talaga siya kung makatingin wasak ang buo mong pagkataon sa tingin pa lang niya.


At first medyo boring kasi ang tatahimik nila tapos pakilala lang after noon konting briefing about sa subject tapos dismiss na agad buong maghapon ganoon kami, ganito pala pag college sabi ko super E-N-J-O-Y, I will surely like this college life ko kaya lang hindi kaya dyahe kila Jay na ako ang lagi nila kasama mamaya layuan nila ako akalain t-birds ako pero hellowww as in H-E-L-L-O babae kaya ako sa puso at diwa isama mo na pati kaluluwa ko,crush ko nga si Aljur eh, tapos si MJ yung bestfriend ko tsaka si Philip na schoolmate ko din noong high school plus si Kurt diba babae ako? Mukha lang maton kasi kinalakihan ko na din ang buhay kalye simula ng maghirap kame buong araw ako noon nasa labas at ito ang mga tao na lagi ko nakikita sa araw-araw na ginawa ng diyos:


ALING TOYANG – aburido dahil sa nalulugeng niyang tindahan sa dami ng mga nangungutang at ni isa wala pang nagbabayad kung meron man kakaampot lang kung sa mga inutang nito.

BEBONG – rugby boy na walang ginawa kundi ang mag palobo ng plastic sa ilong nito umaga hanggang sa gabi na maiisipan ko ng umuwi para kumain ng hapunan ganoon pa din ginagawa niya.

SBB – mga mag tro-tropang teenagers na alas otso pa lang ng umaga e tumotuma na kaya nga tinawag sila dito sa aming SUNOG BAGA BOYS siguro bibilang lang ako ng sumapung taon at isa-isa na silang mawawala sa lugar naming at bibida nanaman ang maliliwanag na lugar sa amin dahil sa lamayan sa mga bahay nila.

ALING KLUDI – ang babaeng pag sikat pa lang ng araw nasa harap na ng tindahan ni Aling Toyang nagkakalat ng kung ano-anong tsismis na nasasagap nito pag nag-iigib ng tubig o naglalaba sa kanto.

BARBA – o mas kilala sa pangalang Ynez or short for Happiness, minsan na kila Ambo makikitang lalabas o di kaya galing kanto hinahatid ng nakakotse at umaga na ung umuwi na may groceries pang dala at abot tenga ang ngiti.



L.O.V.E  UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon