Nalalapit na ang Prelims namin at naalala ko pa din kung paano ang first day ko sa campus. Isa sa pinaka ayaw ko sa unang araw ng klase ay ang nakakakaba at nakakatense na feeling, may mga bagong mukha na dapat mo pakisamahan sa buong taon na pagpasok mo. How I wish na sana yung mga classmate ko na lang dati itong mga kaharap ko ngayon pero wala ako magagawa dapat ko ng harapin ang early independency tutal naumpisahan ko na titibayan ko na lang sarili ko siguro sa umpisa lang ito at masasanay din ako pagtumagal una, siguro pag may kumausap sakin I'll entertain them na lang para hindi sila mahiyang lapitan ako.
Lumipas ang oras at unti-unti ng dumami ang kanina ay lilimang tao sa loob ng kwarto na ito, Lagi kasi akong maaga pumasok elementary days pa lang up to high school years. Sa sobrang bored ko siguro na monitor ko na lahat ng pumasok sa pinto
6:30 AM
Pumasok yung isang babae umupo sa unahan sabay naglabas ng libro at binasa6:45 AM
Umingay ang room dahil doon sa babaeng parang naka-charge sa sobrang kadaldalan7:10 AM
3 magagandang babae ulit ang pumasok, mag-kakamukha na nga sila sa kakapal kolorete sa mukha7:20 AM
2 lalake naman ang sabay na dumating yung isa halatang mayaman mukha pa lang kasi alam mo ng kagalang-galang samantalang yung isa parang mahangin sa way ng paglalakad nito7:25 AM
Koreana girl ang biglang iniluwa ng pinto ng classroom, parang hindi nito alam saan uupo dahil walang may gusto mag paupo sa kanya tinitingnan lang siya kaya ako ang nagkalakas ng loob tawagin siya (AGAW BUHAY SA ENGLISH TOH!)
Madami akong gustong gawin after class o yung tipong vacant time mo na; nandyan yung pumunta sa library para magbasa ng mga libro hanggang mag-next subject na and mag advance study ka para prepare ako kung may recitations man o hindi kaya pumunta sa study area malapit sa court kung saan may naglalaro ng basketball at lastly sa canteen para kahit paano busog ako kahit sa amoy o tingin pa lang ng mga pagkain nila.
"Ok Introduce yourself everyone in front" whaaatttt? Seryoso ba si Ma'am Corales dun? Syempre madaming commotion ang naganap pero wala kami magagawa kaya ayun I ended up praying na sama magkaroon ng World War o di naman kaya ay Earth Quake o Bagyo para hindi ako abutin ng pagpapakilala, Nakakabilib nga si Hiromi (yung koreana) parang wala lang sa kanya yun cool na cool siya habang nagpapakilala sa harapan sana bahagian niya ako ng kahit katiting na self-confident niya bahala na yun na lang ang nasabi ko noong ako na yung tinatawag, blah ... blah ... blah ... sabay thank you ayoko ng patagalin pa ang kahihiyang sasapitin ko pag hinabaan ko ang pagpapakilala buti na lang chi-cheer ako ni Hiromi thru smiling at thumbs-up kaya nabawasan yung kaba ko habang nasa unahan
"That's great, ang galing mo third" yun ang sabi ko sa kanya itawag niya sa akin tutal were friends na din naman at mukhang siya nga lang talaga kasi mukhang ayaw makipagkaibigan nung iba siguro katulad ko din silang looner o sadyang may tambol lang na kanina ba tumutunog sa dibdib nila kaya nahihiyang makipag-usap sa ibang classmate namin.
Mabuti na lang at tapos na yung first subject namin sabi ni Hiromi may klase na pa siya kaya nag paalam na siyang mauuna ng umalis para hanapin ang susunod nitong klase, nag offer pa nga ako na ihahatid ko na siya para hindi siya maligaw sa loob ng campus pero sabi niya kaya na naman daw niya and besides may klase pa daw ako kaya hindi na ako nakipagpilitan pa tutal makikita ko pa naman daw siya sa iba pa naming mga major subjects at kung vacant time daw namin pwede kaming mag bonding parang getting to know each other as a friend. Super bait niya hindi siya snob o mataray kagaya ng ibang mga babae sa campus napaka-down to earth niya, approachable at parang ate ko na kung mag salita siguro nakikita ko lang sa kanya yung sister-side na hinahanap ko wala kasi akong kapatid kaya siguro napalapit na ako sa kanya agad even though na galing ito sa ibang bansa napakagaling niyang magsalita ng tagalog at para siyang pinoy kung kumilos.
Next Class namin ay Psychology, mukhang mabait din naman itong next teacher namin pala-ngiti kasi at palabiro hindi tuloy kami natense noong sinabi niyang introduce yourself daw at tell me anything about yourself, ayun napuno ng tawanan ang buong classroom na kanina lang ay puno ng tensyon. That was my first day of class nakakatuwa ngang balikan kasi now hindi na ako gaanun ka aloof sa mga classmates ko at marami na din akong friends at pinagkakaabalahan dito sa campus pag free time ko at wala na akong klase pa. Sana nga lang matapos ko ang kurso kong Education ng walang hassle.
BINABASA MO ANG
L.O.V.E U
RomanceFriendship isn't about whom you've known for the longest, It's about who came, stayed and never left your side. <3