Grabe parang fiesta sa amin sa ingay ni mudra paano gulantang siya sa dami ng tao biruin mo ba naman 45 kaming nasa bahay para mag-shoot ng presentation sa english plus ang charisma ni hiromi kaya super daming usisero akala nga nila may shooting kaya dinumog kami ng tao, syempre bida nanaman ako kasi nandyan si brett na super cute daw sabi ng mga malalantod sa lugar namin. Ayun si Hiromi umiral na ang pagiging team leader at director toka-toka na kami yung ibang hindi kasama sa shoot ay inutusan niya mamili ng kakainin namin syempre libre ng mag-jowa ayy correction magiging pala kasi nililigawan ni brett si mareng hiromi yung ambagan naming 300 ay para sa party-party na lang daw yun after ng first semester namin this time si Hiromi daw muna ang taya at si Brett ok lang naman daw sa kanila may budget naman daw, at yung iba nasa bahay naghahanda ng mga kailangang namin sa set at pag kakain na kami.
Gosh hindi ako nakilala nilang lahat once nung inayusan na ako ni Hiromi dami talagang talent ng babaeng ito, minsan nga binuro ko siya "Hiromi, Tao ka ba? I mean hindi ka ba isang Diyosa or Diwata something? Your good at all ano pang maipipintas sayo?" syempre pahumble ang mare ko sasagot lang ng ngiti at sasabihin na marami pa siyang hindi alam sa mundo, syempre nag solicit din naman kami sa school pati sa village na alam namin kasi balita sa school na kami ang entry ng school na representative ng university sa Movie Making Contest sa inter-colligate division ng lahat ng university dito sa pilipinas kaya super pressured na ang lola hiromi mo, anyway back to our shooting! READY SET CAMERA ACTION, naglalakad ako palabas ng eskinita bumibili ng itlog, mantika at ramin para kakainin namin ng Nanay kong Lasinggera (ISA SA MGA CLASSMATE KO) at ng 3 ko pang mga kapatid (MGA CLASSMATES KO PA DIN) nang may pumaradang kotse bumababa ang isang lalake (si zander yun) at nagtanong kung nasaan ang presidente ng squatters area na iyon then hiromi shouted for CUT sabay sabing good job mare at high five change scenario naman kami sa loob ng bahay naman ni Aling Nena, inarkila namin yun for 500 pesos per day na mag-shoot kami sa lugar namin pera-pera lang, tumotoma ang aking mudraness ng gin bulag at ang 2 kong kapatid na lalake ay naglalaro ng sugal kasama at 4 na tropa pa nito, papasok akong patabog at sisigawan daw ang nanay ko at mga kapatid sasabihing umagang-umaga ay nagsusugal at umiinom na ang mga ito the nerve sasampalin daw ako ni Brenda dahil sinigawan ko daw siya (OUCH HUH?? SABI KO AFTER TAKE) at iiyak sa camera at litanya sa buhay after ng ilang takes sa labas ulit ay nagbreak na kaming lahat aroung 1:30 na kasi at dumating kami sa bahay ng 7:30 na ng umaga mga wala pa kaming matinong kain maliban sa snack na binibigay pag break sa takes, wow super bow kaming lahat sa galing ni hiromi hindi ko lang alam kung hindi pa kami maflat one sa english nito. Habang kumakain kami si Mama panay ang kwento sa buhay namin, grabe na kakahiya kaya si ate nagkulong na lang sa kwarto sa sobrang ingay ni Mama samantalang si Papa sige ang istima sa mga classmates ko na kumuha lang daw wag mahiya as if sila ang bumili noon, akala mo nga may party sa bahay at yung iba sa amin sa labas na kumain pinahiram kasi kami ng lona ni kapitan noong malaman na may gagawin kaming project dami pa ding mga ussy (usisera) sa bahay, proud na proud sakin si Mama lahat ng Best at Awards ko naikwento na grabe sa pagkahyper syempre that was the time na magpapaalam ako na two weeks ako mag stay kila Hiromi para tulungan sa pag aayos ng presentation at first ang daming tanong ni Mama, pero pumayag na din ito sa pangako ni Hiromi na hindi ako papabayaan at babantayan ako, close na agad silang dalawa. Exactly 4:30 after ng last shoot na pinapalayas ako ni Brenda pack-up na kami Tuesday naman daw sa school grounds ang next shooting namin grabe feeling ko mag-aartista na ako sana pag napanood nila makuha ako kahit extra lang exposure ma din iyon, kanya-kanya ng pulasan ang mga classmates ko syempre kaming 5 sa bahay ni hiromi ang uwi para magpahinga mag-rereview pa kami dahil Midterm Week na pala tapos Malapit na yung Foundation Day all I can say is E-X-C-I-T-E-D na ako dahil inaya ako ni Jasper na ako ang magiging date niya sa Acquaintance Night diba super kilig iyon napansin na din ako ng aking crush after 3 months ng pagpapapansin.
BINABASA MO ANG
L.O.V.E U
RomansaFriendship isn't about whom you've known for the longest, It's about who came, stayed and never left your side. <3
