December na, at stable naman ang Restaurant ko kahit na nga busy ako sa school na manage ko pa din siya katulong ang ilang kaibigan, and this morning sinalubong ako ng isang napakalaking banner pagpasok ko ng university saying "CONGRATULATION HIROMI AND HER CLASSMATES ON THE PRESENTATION FOR WINNING THE GRAND PRIZE ON THE MOVIE MAKING CONTEST HELD LAST OCTOBER" kaya habang naglalakad ako halos mapunit na ang labi ko kakangiti sa mga estudyante at professor na bumabati sa akin ng Congrats, syempre una kong hinanap ay sila Macy at Zander for doing the great job at alam ko na this past few weeks hindi ok si Zander, after hearing the news about his parents alam kong stress na stress siya hindi ko naman siya macomfort kasi kung hindi siya nagmamadali sa school o restaurant absent naman siya at walang pasok, si Ms. Corales lang ang nakita ko sa Faculty Room wala pa yata sila klase si Brett kasi walang pasok ngayon kaya siya ang bantay kasi whole day ako ngayon. After ng ilang chikahan kay Ms. Corales at sinabing we have to celebrate ay sumibat na ako may exam pa kasi ako at may meeting pa kami para sa NSTP project namin, hindi ko nga alam kong anong gagawin namin ng mga kagrupo ko paano wala pa kaming formal na meeting kung hindi may kulang, wala namang place na pwede naming pag-set up ng meeting kaya wish ko lang na maayos namin ang project na ito before the year ends and speaking of year ending, sikat ang pilipinas sa maganda celebration ng Christmas kaya excited na akong mag-spend ng Christmas kasama sila Brett naintindihan naman nila Nana na hindi pa ako makakauwi dahil sa Business ko at sa pag-aaral nangako na lang sila na pag maganda daw ang benta ng Restaurant namin doon sa Korea dadalawin nila ako para kahit paano nababawasan ang lungkot ko na malayo sa kanila at ang pag-aalala nila sa akin.
"Mare, hindi ka pumasok sa Earth Science natin kanina? Bakit masama nanaman ba pakiramdam mo? Lately napapadalas kasi pag sama ng pakiramdam mo?" Tanong ko kay Macy ng puntahan ko siya sa bahay nila pagtapos ng klase ko, hindi niya ako sinagot datapwat may inabot siya sa akin na lubos ko ikinagulat ko that was my first time na makakita ng ganung bagay personally sa mga Filipino Movie lang, wala sa hinagap ng tropa na magkakaganun siya, sa aming lahat si Macy ang taong palaban yung tipong hindi mo basta-basta maloloko pero sa nakikita ko Macy is hopeless, wala siyang magawa kundi umiyak sa harap ko kahit ako ay hindi makapaniwala at bilang isang kaibigan nangako ako sa kanya na hinding hindi magsasalita sa kahit na sino tungkol sa kalagayan niya, tinanong ko din siya kung alam na ba ni Jasper ang tungkol dito at iling lang ang binigay nito sabay palahaw ng iyak mabuti na nga lang at kami lang ang tao sa bahay nila kundi naghesterikal malamang ang mga tao sa kanila pag narinig ang iyak niya. Buong gabi kong inisip ang kalagayan ni Macy at paano siya matutulungan gayong alam namin pareho na sa Restaurant nagtra-trabaho ang Magulang at Ate niya kaya malabong maitago ko ang lihim nito sa Restaurant, isa na lang ang naiisip ko si Jasper kailangang makausap ko siya ng matino baka siya matulungan si Macy sa kinakaharap niyang problema, siguro nga dahil sa pag-iisip ko na iyon ay nalimutan ko na nagpaalam na palang umuwi ang mga workers ko kaya nilapitan ako ni Will para tanungin kong may problema ako.
"Will, kailangan tayo ni Macy sa mga panahon na ito"
"Bakit? Anong nangyari kay Macy?" gulat na tanong ni Will, nasa baba si Brett at Zander noon inaasikaso ang mga customer.
"Basta, I want Macy to tell you guys first, classmate mo ba sa Calculus sila Macy at Jasper?" muli kong tanong kay Will
"Si Zander, bukas sila ang mag-kasama ni Macy sa PE 2 hindi ko alam anong klase bukas ni Jasper ask mo kay Brett baka alam niya"
"Ok thanks Will, basta wait na lang natin si Macy na magsalita sa atin kahit siya hindi pa handa sa nangyayari, Paki ready na lang ang dinner natin baba lang ako to check the customer" at iniwan ko si Will na naguguluhan din hindi ko pwede sabihin sa kanya ang nagyayari ayoko pangunahan si Macy.
BINABASA MO ANG
L.O.V.E U
RomanceFriendship isn't about whom you've known for the longest, It's about who came, stayed and never left your side. <3