Love Waits

148 7 0
                                    

All Rights Reserved 2015

December 22, 2015 at 8:57 PM

Nakita ko si crush nagpost about sa pagibig. Ano naman? Sabi nga nila true love waits. Hintay hintay nalang muna pa tayo. Konti nalang crush? Sisihin ang K12 ha? Pero kasi hindi naman ako dumayo pa sa karatig bayan para lumandi, nandito ako sa eskwelahang ito para magaral. Malayo yes, tinitiis ko para makagraduate. Aabangan ko nalang ang time na kami pala talaga ni crush ang nakatakda para sa isa't isa.

On the positive side, kahit ilang beses siya maggirlfriend alam kong hindi iyon ang makakatuluyan niya. Why? Kasi kahit ako ang true love ko siguro ngayon ay may katext, "Hon always remember that I love you forever." At isang araw babatukan ko nalang siya at sasabihing walang forever. Kasi hindi naman kayo ang nagkaron ng happily ever after.

Bata pa tayo. Marami pang pwedeng mangyari, marami pang pangarap na pwede tuparin. Bakit ko ikukulong ang sarili ko ngayong taon na ito? Bakit hindi nalang kung kailan tapos kona lahat ng nararapat kong tapusin? (Pati buhay ng mga insekyora dyan sa tabi tabi)

Kaya ieenjoy ko nalang ang buhay ko, sa paglamon, pantritrip at pagsasaya sa buhay na meron ako ngayon. Kasama ang mga kaibigan at pamilya na sumasabay sa trip ng aking buhay.

Hindi ako nabuhay sa mundong ito para kabaliwan ang iisang lalaki at magluksa at masaktan sa ending ng istorya ng buhay ko. I'll live my life to the fullest. Free, single and currently developing my social status with a french fries.

Basta crush ha? Aasarin nalang uli kita, sa pasukan syempre!

Merry Christmas!

PoesieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon