All Rights Reserved 2018
November 18, 11:43 pm.I'm back.
Naririto muli upang magshare ng kung ano mang kaweirduhan ang tumatakbo sa isip ko.
Once upon a time, reading was a hobby that I became to busy to do.
Noong una hindi ko na gaanong naggalaw yung wattpad app dito sa phone ko, andyan nalang siya dahil "just in case" mabored ako, pero kahit wala akong magawa sa buhay ay kailanman hindi ko siya binuksan. Sumunod kahit hard copies ng mga napakagagandang libro ay hindi ko n magawang buksan, yung obsession ko sa libro ay naging buy-buy-buy nalang instead of buy-read-buy-buy-read, maraming piles ay nakatambak nalang sa silya or nakakalat sa lamesa.
Sa mga getting to know sessions na binibigay ng teacher, laging may paone fourth na kukunin at ililista ang hobbies. At lagi kong nilalagay ang reading dahil hindi naman ako ipinanganak na talented. At ngayon ko lang naramdaman ang kalabit ng konsensya.
Matutulog ka na ngalang, hindi mo pa magawa. Kasi tinatanong mo kung nasaang punto ka na ba sa buhay mo.
Dumating ang bago, at batay nga sa programang napapanood ko, "New is always better." Hindi dapat siya totoo. Pero marami na kasing nagbago.
Dumating ang bagong cellphone, mas malaki sa dati, mas malawak ang screen, mabilis makasagap ng wifi, malinaw at ang ganda lang tignan sa mata. Kung dati sa lumang phone ay parang maliit na pocketbook, dito arang mas masarap manood. Yung PARANG na yun ay naging OO NGA. At yung wattpad ay naging youtube.
Pagkatapos ng ilang taon, nagsawa sa youtube, o kung ano man yung pinapanood mo dyan sa cellphone mong nakakabukas ng incognito tab.
Yung lumang tv ng magulang mo ay napunta sa kwarto mo, ang mas malala? Nagopen sila ng Netflix account. Sabi mo sa sarili mo magbabago kana. Magiging productive kana. Kaso isa yuong malaking SANA. Yung dati mong, "Isang chapter nalang" ay naging "Isang episode nalang matutulog na ko."
Masakit isipin, pero totoo.
Dati sobrang proud ako na inuumaga ako sa pagiyak at pagtawa sa bawat istoryang nababasa ko. Ngayon ay nabawasan na.
Kung tamad ka tulad ko, aba mas masarap talaga manood sa tv. Di mo na kailangan mag scroll o paganahin yung utak mo.
I-play mo iyan at kahit wala kang gawin eh tuloy tuloy lang yan. Di tulad ng pagbabasa, kung saan kailangan ang imahinasyon mo ay gumagana.
Pero please wag mong gayahin, wag mo hayaang mamatay yung nakapagpapakulay sa buhay mo.
Basa lang. Hanggang sa abot ng inyong mga mata.
Ciao.
![](https://img.wattpad.com/cover/57679635-288-k399101.jpg)
BINABASA MO ANG
Poesie
PuisiPoems and random writeups. Ready for you to read. Available at midnight, dusk til dawn. A diary, perhaps? Or maybe a journal full of emotions.