Pour your heart out, it helps.

52 6 5
                                    

All Rights Reserved 2015

December 23, 2015 at 12:49 AM

Gising pa ako. Lagi naman, kailan na nga ba ako natulog? Kausap ang sarili (baliw lang?) Kausap pala ang media device saaking utak. Bakit ko nga ba uli ipinublish itong Mema na ito? Memasabi syempre. Yan nga ang title ng librong ito eh. Nababawasan ang bigat ng dinadala daw kapag naglalabas ka ng sama ng loob diba?

Yan ang sabi nila. Ginagawa ko nga yan ngayon eh, parang nung isang lingo lang.

Pinili ko na pagkatiwalaan ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan, alam kong katiwa tiwala siya, alam ko kasi na hindi niya ipagsasabi. Sa sobrang sama ng loob ko, lahat na yata ng kasamaan na katangian nung tao na kinaiinisan ko ay nasabi ko. Hindi lahat duon sinadya kong sabihin. Siguro dala na rin ng emosyon ko, umiyak nako ng tuluyan.

Madalang lang ako umiyak sa harapan ng tao, lagi kasing sa kwarto lang ako umiiyak, doon ako naglalabas ng damdamin ko.

Iniyakan ko yung problema ko, hindi nanaman ako naging matatag.

Diba ganito naman sa highschool? Laging may kaaway o may kinaiinisan. Sa pagarte man niyo, o kaya sa paguugali.

Yung sakin kasi pareho, ilang taon ko nang dinadala. Noong umiyak ako, nawala yung kalahating bungkos nung pait at sakit na nararamdaman ko. Napangiti ako ng tuluyan ng magjoke yung kaibigan ko na yun, masaya ako at nailabas ko yung dinadala ko at masaya rin ako dahil tama yung tao na pinagsabihan ko ng sikretong iyon.

May magagawa rin pala ang pagiyak, nakakapagtanggal ng negatibong emosyon. Nakakabawas ng wrinkles kumbaga.

May natatago rin ba kayong sikreto? Suggest ko lang sainyo ah? Aminin ninyo yan sa ibang tao, sa isang tao na pinagkakatiwalaan ninyo. Tapos saka niyo ibuhos lahat ng nararamdaman mo hanggang sa wala ka nang maiiyak at pagngiti nalang ang kaya mo gawin.

Theres a rainbow after the rain,

And there's always a smile next to the pain.

PoesieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon