All Rights Reserved 2015
December 23, 2015 at 12:36 AM
Wala na talaga akong pakialam kung may bumasa pa ba ng mga istorya ko. Syempre nung una pashare share pa sa social media. Pero kalaunan tinamad narin ako. Parang lumalabas kasi na medyo papansin ako (no offense po sa iba) may paki parin naman ako sa sinasabi ng iba tungkol sakin. Tao lang. Nagkaron ng ilang reads, ilang votes, natuwa ako, kayalang sabi ko sa sarili ko," Ano ba naman to? Ako nalang ba lagi ang gagawa ng paraan para mapansin nila ako? Hayaan ko nalang kaya na sila ang pumansin sakin." Kaya ayun, hinayaan ko nalang yung mga nakapublish na kaek ekan ko.
Mas mabuti naman na hindi ako pakastress dun, enjoy ko ang life, sa totoong buhay. Pa edit edit ng mga cover para sa mga kaibigan ko.
Minsan kasi masaya rin na may mga taong pumapansin sa mga simpleng efforts na cinocontribute natin sa mundo. Yung pagtulong ng walang hinihinging kapalit, parang ganun kasi yun kapag nagsulat ka ng istorya, may naitulong o naibigay at hayaan mo yung mga natulungan mo na pumansin sayo. Kung hindi niya mapansin, okay lang! Atleast hindi mo kabawasan yun sa buhay, hindi mo sila inabala para lang maging credited yung ginawa mo. Na tanggap mo yun bagay na ginawa mo.
We write to express and not to impress.
Hayan mo na maging masaya sila sa mga isinusulat mo, silent reader man yan o kung ano, napasaya mo siya! Nakapagpasaya ka ng hindi mo kilala. Ang gaan lang sa dibdib nun diba? Hindi man nagcomment o nagvote, alam mong binigyan niya ng oras na basahin yoong ipinublish mo. Be thankful of what you have.
May computer, desktop, cellphone, tablet o IPad ka na. Maging kuntento kana doon. Nakakapaginternet ka, nakakapagwattpad kapa. Matuto kang magpasalamat. May pera ka, may damit ka, kumakain ka ng tatlong beses sa isang araw, buhay kapa. Yung mga ganyang bagay ay hindi kailangan ng mabigat na kapalit. Konting pasalamat mo lang ay bayad na lahat ng yan. Pasalamat naman tayo ngayong kapaskuhan, sa Diyos nating Maykapal.
It's me again! Nangungulit muli at wala talagang magawa sa buhay. Ciao!
BINABASA MO ANG
Poesie
PoetryPoems and random writeups. Ready for you to read. Available at midnight, dusk til dawn. A diary, perhaps? Or maybe a journal full of emotions.