The Rebel

38 5 9
                                    

All Rights Reserved 2015

December 23, 2015 at 10:49 PM

As usual ay gabi nanaman ako na magtytype. Sino dito mga teenager palang? Have you ever had a grudge on your parents? No offense to the others, okay?

Minsan kasi iniisip ko na paano kaya kung hindi sila yung magulang ko, siguro masaya ang buhay ko ngayon. Hindi ko alam kung magkasing uugali ang mga magulang, pero minsan kasi kahit alam nila na mali sila ay yung anak parina ng ginigipit nila na magmukhang mali. Yung ayaw nila masisisi sila kahit sila talaga yung may kasalanan.

Noong nagkaroon ako ng honor, top 1 to be exact, akala ko matutuwa sila pero imbis na matuwa nagtaka pa sila kung bakit may line of 8 ako, na instead of being greatful ay napagalitan at napangaralan pa ako. And now I'm asking you, what kind of lesson do this elders teach me? Ano ang life lesson nito para sa buhay ko?

Sometimes I pretend na wala na lang pakialam, masakit kasi. Yung naiiyak kana at ginagatungan pa nila.

You had a bad day. Ayaw mong sabihin sakanila ang nangyari kasi alam mong kahit iexplain mo ang side mo ay mapapagalitan ka, bakit? Kasi babaligtarin nila iyun at kailangan na ikaw ang mag adjust sa problema mo. Ilang beses ko na itong naranasan. Uutusan ka nila, susunod ka naman, pagka nagdabog ka, magagalit sila, tatanungin kung bakit ka nakaburaot, minsan gusto mong barahin or even, sagutin ng pabalang pero kasi magulang mo sila eh. Kaya kailangan mo rin silang respetuhin.

Akala ko kasi na kapag kapamilya mo sila yung magpapasaya sayo, na kahit anong problema ang nandyan ay nakaagapay sila sayo kasi ayaw ka nilang masaktan. Pero minsan ay sila pa ang madalas na magparamdam saatin noon. Hindi siguro nila pansin, pero as an only child sa maliit na pamilya ay pansin na pansin ko kung paano lumaki ng magisa na ang kasama lang ay yung mga nakatatanda.

They compare their child to others, and it hurts badly.

Yun ay saakin lamang naman na palagay.

Minsan din naman kasi ay napakaprotective nila. Hindi ka pinalalabas ng bahay, at sinasabihan ka na baka marape ka, baka madukot ka. Hindi ko nga lang talaga alam ang tanging layunin nila, ang maging safe ba tayo o matakot na magtungo sa mundo ng magisa. Paano na kaya kung wala sila? Kakayanin pa ba natin? O baka naman hindi na tayo lumabas sa mga pinagtataguan natin?

Diba minsan hindi naman masamang sumuway? Sumuway kasi masyado nang nakakasakal. Na nararamdaman mo na halos hindi kana makahinga sa mga yapos nila. Wala nga naman kasing masyado na nakabubuti, either masosobrahan ka o magkukulang lang naman ang pamimilian sa pamantayan ng tao.

Wag mo hayaan na masobrahan ka. Masobrahan sa pagmamahal, sobra na sa aruga, sobrang spoiled kasi yan minsan nakakasama na.

But either way, ay mahal parin natin sila, mahal natin ang mga taong nagpalaki satin kahit na ilang beses nila tayong talakan at pagalitan, hindi yan maiaalis. Mahal na mahal parin natin ang pamilya natin kahit na anong mangyari, dahil biyaya sila ng Nasa Itaas at ipinagkaloob sila saatin.

Masyado na yatang mahaba? O hindi pa naman? May gusto ba kayong pagusapan? Sabihin niyo lang. I'm as bored as any of you na nakahiga sa kama at hawak ang gadget habang nakikisagap ng wifi. Comment if you have hands. Bye *waves*

Kinulong ko muna kasi ang kulitin side ko para lang maisulat ang entry na ito, isa sa mga kinikimkim kong pagdarabog sa damdamin ko.

Yes, I have many rants about life, about being me, about my destiny upon this world. At alam kong mayroon din kayo. May tinatagong bad side, may tinatagong dark past.


And this is me, hoping na magfit in sa world na kinabibilangan ko.

As SecretlyBlushing sa mundong ito.

And this is me signing out.

PoesieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon