All Rights Reserved 2015
December 25, 2015 at 1:04 AM
Goodmorning folks! This is me, SecretlyBlushing reporting at one o four in the early sunrising event ngayong kapaskuan!
Wala lang talagang magawang matino, kaya heto, kakasabi lang na matulog na ay dilat na dilat parin ang mga mata. Babad nanaman sa radiation, di na ko magugulat kung isang araw ay nakasalamin nako, sana lang ay huwag. Adik sa wattpad, chocolate ang ginagawang drugs pampagising, hawak buong araw ay iPad. Awttss na bisyo naman ito. Akala mo rich kid hano? Pero hindi.
Sinwerte lang siguro ako sa buhay na medyo nakakaraos na rin.
Eto lang naman ang balak ko sabihin eh,
"Hindi porke may kaclose ka na lalaki ay may feelings ka dun, minsan kaya mo siya kaclose kasi nga bwisit kana masyado sa ugali ng mga babaeng plastik,---
Wahahaha.. Sabihin niyo nang baliw ako pero kasi medyo oo nga naman.
Siguro pwede nako sa track and field? Change topic muna tayo, may ishashare lang ako.
Diba sinabi ko sainyo na tulog na mga tao samin? Bigla kasing bumukas yung ilaw sa labas, buti nalang may konting awang yung pintuan ko kita kasi kung may ilaw ba sa labas o wala.
Biglang bumukas yung ilaw, ako naman nagmamadali na inilapag ang gadget sa study table at may upuan pala sa gitna ng kwarto ko, inikot ko iyon hanggang sa dumaan ako sa ilaw, humahangos na lumundag ng onti para mapindot ang patayan ng ilaw sabay dive sa kama.
Hindi ko alam kung bakit pero napaka lakas ng tibok ng dibdib ko. Akala ko mahuhuli ako, tapos natawa nalang ako bigla, siguro dahil wala namang nagbukas ng pintuan ng kwarto ko para icheck kung hawak ko parin ba itong iPad at nagwawattpad parin, paskong-pasko ay ito parin ang ginagawa ko.
Naranasan niyo na ba ito?
Masyado lang talagang nagalak na sa punto na tinatawanan ko nalang na nagsuccess ako sa ginawa ko. Ginawa kong kalokohan.
Sana lang pagbigyan ako ni Lord na hindi madagdagan ang eyebags ko, balato narin po, pasko naman. Joke!
Ano na nga ba uli yung topic natin?
Masakit na tyan ko sa pagdive, saka rin pala dahil busog talaga ako.
Natagtag ang tyan ko, makapagbahay bahay pa kaya ako? Yung kapitbahay kasi naman gising na gising pa, buti na lang talaga at hindi sila nagkaraoke, nagpatugtog lang ng Christmas songs kundi hindi na nga nakatulog ay nagka headache pa. Wala pa akong cheeseburger sa lagay na yan ah!
Tuloy kona pagbabasa ng wattpad ha? Araw araw naman akong natutuwa na gawing diary itong MEMA, nung una naisip ko, mga quotes lang ang isulat dito.
Wala kasi akong balak na ilahad ang buhay ko sa social media. Pero okay narin naman, hindi niyo naman kasi ako kilala eh... Pero sasabihin ko na sainyo ha?
Tao po ako! Sa pananalita at sa itsura man ay hindi halata, tao po ako mehehe....
Wattpaderssss babye na! Magwawattpad muna ako.
BINABASA MO ANG
Poesie
PoetryPoems and random writeups. Ready for you to read. Available at midnight, dusk til dawn. A diary, perhaps? Or maybe a journal full of emotions.