Traditional Christmas

32 6 0
                                    

All Rights Reserved 2015

December 24, 2015 at 11:48 PM

Guys Almost Midnight! Merry Christmas nga pala. Kahit hindi na ganon ka Merry ang Christmas ko. Gustuhin ko man na maging super hyper ay parang nasanay nako sa timeline ko. Na past 12:00 na natutulog, na every year ay sanay nako sa mga rituals, sa mga ginagawa. Medyo boring, puro tugtog lang ang naririnig at nakahiga sa sofa sa bahay. Hinihintay mag12 at magpopost ng Merry Christmas as status. Hindi na siya exciting. Hindi kasing exciting noong bata pa ako.

Dati kasi, pag Christmas may mga nagcacarolling, pero ngayong taon isa lang ang nangarolling, galit pa sila noong bente lang ang binigay namin. Tapos dati rin, yung mga Ninong namin dumadalaw sa gabi o kaya naman sa maga pero ngayon hindi na, kung hindi man ay pinagtataguan pa kaming mga inaanak nila.

Ritwal na yata namin talaga kapag pasko na magbigay ng regalo. Nanay ko kasi maraming kaclose sa work niya, ayun dalawang bag na puro regalo nanaman ang dadalhin sa pasukan. Tapos yung iba naman ay bati nalang tapos okay na yun, wala ng rega regalo. Message mo lang sa facebook ng Merry Xmas masaya na.

Nakakamiss rin pala yung mga oras na walang gadget, noong simple pa ang lahat. Short update lang ngayon apat na minuto nalang kasi ay pasko na eh.

Balak kong ubusin yung handa namin bago pa ihain.

Hehe. Bye napo!

PoesieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon