First Stage of Love

97 8 3
                                    

All Rights Reserved 2015

December 22, 2015 at 9:39 PM

Crush uli! Ayan, bilaukan sana siya ng paulit ulit. Hilig lang gumawa ng diary tungkol sakanya hane? Pero hindi ito diary, ask fm ito. At ako ay may tanong para sainyo.

Ano feeling paginlove?

Ayan na, inlove nanaman. Joke, crush lang. Pero ano nga ba ang feeling ng inlove? Yun ba yung araw araw nawawala ang kabadtripan sa umaga? Araw araw ay sinisipag kang bumangon para lang makita siya uli? Yung hindi kumpleto ang araw pag hindi mo siya nakita? Hindi kaya obsession na tawag dun?

Correct me if I'm wrong, I have never been a fully pledge lovey dovey (yuck ang term) or a hundred percent inlove.

Siguro, ang pinaka worst situation ko lang ay yung pagiging stalker ko online or even personally. Mahilig ako sumagap ng impormasyon sa taong "interesado" ako. Kapag online siya, hindi ko siya imemessage kundi ioopen ko ang profile niya at hihintayin na magpost siya. Titingnan kung ano ba mga hilig niya, madali lang yan. Kung maraming picture ng anime edi syempre otaku siya. Maraming quotes sa wall? Emo or even medyo brainy. Maramin kalokohan na ishinashare? Yan ang masarap sigurong kasama or imformative even, maraming alam na kung ano ano (hindi ko ito sinasabi because isa ako sa mga taong post ng post ng kung ano anong kalokohan tungkol sa mundo ah)

Hindi inlove ang tawag diyan kung ganyan ang ginagawa niyo, it's simply crushing on someone or being interested on the background of that person. In short, isa kanang proffesional stalker, kung hindi kapa naeexpose.

Yun ang tinatawag ko na first stage of affection, or first stage of love.

Love agad? Lol, dyan kasi yan nagsisimula. Mostly.

Second stage? Susunod kona sasabihin.

Sagutin niyo muna tanong ko! Ano ang feeling pag inlove?

Wala lang akong magawa dahil bakasyon, sagot naman dyan. Haha xD

PoesieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon