All Rights Reserved 2016
February 13, 2016 at Almost 12:00 AM
Kaibigan
Sa bawat parte ng buhay ay marami kang makakasalamuhang tao, hindi naman pwedeng lahat iyon ay makilala mo. Kaya minsan ko na ring tinanong, sino nga ab sa kanila ang totoo?
Maraming uri ng tao ang nakakasama natin sa buhay natin, kaya marami rin dito ang naging kaibigan mo. Minsan, magkamukha kayo ng hilig, o kaya naman ng gusto. Nagiisa ang iniidolo ninyo o kaya naman humahanga kayo sa iisang tao. Pero meron din naman na sa sonrang kafriendlyhan ng taong yun ay nakulitan ka nalang saknya at gumaan bigla ang loob mo, kaibigan ang tawag diyan.
Yung mga taong ganun, yung kung saan magaan ang loob mo at kaya mong makipagusap sakanya sa buong buhay mo, siya na yun. Sila na yung tinatawag na, kaibigan forever. Yung kahit utot mo kaya mong ipaalam sa kanila at hindi sila mabubuwisit kundi aasarin kapa nila dun. Malaman man nila yung mga kahiya hiyang pangyayari sa buhay mo, ay tatawanan lang nila yun at hindi ka nila huhusgahan. Yung mga taong kaya mong pagkatiwalaan. Kahit ibuhos mo ang buong balde ng luha mo ay hindi sila magsasawa na damayan ka, yung kapag umiiyak ka dadaluhan kanila at papangitiin. Kahit na mapagalitan pa sila ng kung sinong guro ay hindi ka nila susumbatan kahit na ikaw pa ang nagsimula ng daldalan. Kapag may kailangan ka ay pwedeng pwede mo silang kalabitin at hindi na kailangan pang kunin ng sapilitan. Yung taong magdrama kapa ng buogn autobiography mo, hinding hindi magsasawa na pakinggan ka. Kapag may quiz o test hindi sila magdadalawang isip an pakopyahin ka, kasi alam nila na papakopyahin mo din sila kun sila naman ang mangongopya. Yung mga kaibigan na feel at home na feel at home sa bahay niyo. Yung tao na kahit ilang daang oras kayo hindi magkausap ay konting moment of silence lang ay balik nanaman ang chikahan moments niyo. Yung tao na akala mo psychic na alam kung ano lagi ang iniisip mo, yung isang tingin lang ay alam mo na magkadugtong yata talaga nag mga utak niyo. Yung tao na tingin sa mata, alam agad ang nararamdaman mo, kung naiiyak ka, kung kinikilig ka, kung masaya ka ba talaga. Yung tao na yun yung magiging karamay mo sa buhay, kasi nagkakaintindihan kayo. Kasi ganun kayo sa isa't isa. Hindi lang siya saiyo, ngunit ganun ka rin sakanya. Na kahit anong tantrums ang gawin niya, isang joke mo lang mapapatawa mo na. Mukha mo palang nakakagaan na ng loob niya.
Para saakin yan ang kaibigan, sa ganyang paraan mo matutukoy kung kaibigan ba talaga, o pansamantala lang na tao na nakikibahagi ng buhay mo.
Hindi mo maiidaan ang pagkakaibigan sa pilitan, dapat sa pagkakaibigan walang nagtatakeadvantage. Dapat pantay kayong nakikinabang sa mga bagay bagay sa buhay. Hindi lang dahil sa alam mo na kung anong paborito niyang pagkain, kulay, idol niya, crushes niya, eh kaibigan na ang tawag saiyo. Acquiantance nag tawag dyan. Nakita ka, ininterview ka, umalis na. Masabi lang na kilala ka niya ay okay na. Pagkatapos kunin lahat lahat ng pinaghirapan mo ay naggoodbye mundo mo na. Slambook ang peg niya, hindi friends forever yan. Dyan mo nalang masasabi talaga na walang forever.
Kaya kung maghahanap ka ng true friend, hindi yan hinahanap. Hindi yan kinukuha sa iba. Hinahayaan dapat yang dumating, o kaya naman hinihintay ka nalang niyang daldalin. Malay mo, nasa tabi tabi lang yan.
Okay din sa buhay ang makuntento. Dahil malalaman mo nalang na sa buhay, ang kailangan mo lang ay mga dalawa hanggang tatlong kaibigan. Kasi sa buhay, may mga advantage at disadvantages na dumadating, at hindi ka naman makasisiguro na lahat ng opurtunidad ay advantage. Kaya kilatisin mo muna, kung malabo na, wag na. Matuto kang makuntento, kung mayroon kanang tao na nakakaintindi saiyo bakit kapa makikipagplastikan sa ibang tao? May mga tao talagang isang sagutan lang, wag yung aalamin muna lahat lahat tapos sasayangin ang laway no dahil aalis din pala.
Maraming stages kasi diyan, magkaibang magkaiba sa kahulugan ng kaibigan. Yung bola bola- yan yung sa taong bolahan kayo minsan pero hindi talaga kayo close, konting loko loko ganun pero hindi kayo yung magkasama tuwing recess, the fangirl squad- naguusap lang kayo kapag tungkol na sa crush or idol niyo ang topic kapag hindi snaban ang datingan niyo o kaya naman oo o hindi ang sagutan kung may tanong, brodcaster- masasabi kong close din ito pero di gaano, ito yung tao na lagi mong tinatanong kung may issue ba o balita Tungkol sa ganyan sa ganun, madalas mo kausapin kasi nga madaldal ka, google- tanungan to ng sagot normal to sa isang classroom kung may assignment sakanya ang diretso, may kailangan ipatranslate, kahulugan o kung ano pa man yan. Last na yan, wala na akong maisip, siguro yung iba ay mga acquaintances na lang sa buhay mo, sila yung napapadaan lang bilang kamember mo sa isang group project o kaya naman kagroup mo sa cleaners, schoolmate, classmate, at kung ano pa.
May masasabi din naman pala na kaibigan yung tao na laht lahat ng stages ng kaibigan nandun na, yung tipong iisa idol niyo, iisa pananaw niyo sa buhay, iisa kinabwibwisitan niyo tao, iisa rin yata pati utak niyo. Yan yung bestfriend kung tawagin, lahat ng description na nasabi tungkol sa pagiging tunay na kaibigan nandyan, bawat paghinga mo kabisado niyan. Yan ang for keeps, forever na dapat yung mga ganyan.
Ito pa pala, yung isa pang importanteng bagay. The Plastic- ayoko ng tagalog masyadong kaplastikan pakinggan, sila yung mga tao na hindi lang dadaan sa buhay mo, sila pa yung dadaanan talaga yung gitna ng kalsadang pagmamayari mo, yung kakaibiganin ka pero kung makapagkalat ng sikreto mo akala mo walang bukas, yung taong hindi tumatanaw ng utang loob, na kahit ilang daan pang bagay na ginawa mo para sa taong ito ay napapansin parin niya yung mali na nagawa mo, tatawanan mga jokes mo pero kapag nakatalikod ay pinagtatawanan niya ang kakayahan at katangahan mo, kahit anong pagplease ang gawin mo sa mga taong ganito, ganun na talaga yun, ganun ang kinasanayan kasi nila, ang manapak ng buhay ng iba, sila yung mga labeled as a Judge, Hater, Backstabber, Bitch, Conceited, Liar, Over Acting, Complication at Distraction sa buhay mo. Kung may ganyan nako, iwasan mo na, more or less, kung hindi talaga kayang iwasan, abay bahala kana sa buhay mo, nga pala eto tip ko sayo, itulak mo sa swimming pool, baka sakaling lumutang.
So ayan na ang ending ng Kaibigan, kilala mo na nga kaya talaga nag kaibigan mo for life? O isa lang iyang mapanlinlang na buwaya na handa kang dakmain even at your most vulnerable point.
GoodBoyEiskaffee MemeIsMeeee AgentR19
Etc. etc. mga wattpad friends, directioners, kakulitan, katext, kaclub sa school, kadaldalan sa tabi tabi, kasabay ng lunch, katropa, kaklase, kaanuhan pa man yan lolxD, dedicated ito sainyong lahat.

BINABASA MO ANG
Poesie
PoetryPoems and random writeups. Ready for you to read. Available at midnight, dusk til dawn. A diary, perhaps? Or maybe a journal full of emotions.