All Rights Reserved 2016
January 16, 2015 at 11:54 PM
Napapansin niyo ba? Na sa mga nakaraang linggo ay puro poems ang nasa isip ko, school days na kasi, tapos na ang pagiging tamad. Medyo lang pala, ang nagbago lang ay kailangan ko na gumising ng umaga. Back to school. Ang ganda pakinggan kung ingles diba? Balik impyerno (Peace!) sa tagalog. Awwts. Pagkatapos magpakabusog at magpakataba sa Noche Buena at Meya Noche ay isasabak nanaman tayo sa gyera, isang linggong gagawin lahat ng requirements para makapasa at isusunod ang finals. Ang ending? Deds na deds ang brain cells at nagkakarerahan na aybags na ang finish line ay masakop ang buong mukha mo.
Iniisip ko siguro yung mga ninuno natin ang sarap ng buhay. Kasi sila walang K12 K12, walang tanong na kung ano ang saccharomyces cerivisiae tapos hindi valid kapag wrong spelling at underlined pa ang kailangan, walang google na mapagtatanungan na ibig sabihin ay walang nakakadugo sa matres na tanong. Akala siguro ng gobyerno na nagset ng K12 ay robot na ang mga lalabas na batang year 2k, paano naman yung iba? Yun mga taong tulad ko. Mga simple lang, walang nakukuhang honors tuwing graduation at balak makapagtapos para makakuha ng disenteng trabaho.
Diba yun naman talaga ang layunin kapag nakapagtapos na? Bakit parang pataasan ng larangan sa buhay ang mga eskwelahan. Lahat ng estudyante ay hinahanapan ng problema at saka pupunahin, para ano? Para humina ang kumpiyansa nung bata sa sarili. Mahirap na nga magaral, paghihirapin pa para lang mabuhay sa loob ng isang taon.
Gustuhin ko mang magdemand at magprotesta sa harapan ng DepEd Building ay hindi ko magawa. Masakit sa lungs. Magaaudition pa kami sa Jazz Chant, lagay ko muna yan sa to do list ko.
Anyways, pahinga muna ng utak ngayong linggo, kahit masyado pang maraming kailangan ipasa sa mga ST. Good morning and Happy Tour to all students SY: 2015-2016 PCNHS. Enjoyed!
Morning mga ka wattpaders!
Ipagpabukas na ang pag wawattpad, bawas bawas muna ng eyebags!
Back from vacation ^_^
BINABASA MO ANG
Poesie
PoetryPoems and random writeups. Ready for you to read. Available at midnight, dusk til dawn. A diary, perhaps? Or maybe a journal full of emotions.