CHAPTER 01: Suicidal Thinking

12.6K 253 41
                                    


Trigger Warning: Suicidal Ideation 

Please read at your own risk. 

Do not read this alone if you have the tendency or just stop reading immediately.

_________________________________________


I SLOWLY opened my eyes right after hearing my alarm.

"Hmmmmm!" Uminat ako nang tuluyan na kong nagising.

I sat on my bed with a smile on my face. How I love mornings. I feel that every morning is another life, a new beginning, a blessing.

I was about to stand up pero bigla akong dinambahan ni Usher. Well, Usher is my dog.

"Good morning, aso kong makulit!"

He licked my face kaya napangiti ako. Binuhat ko siya na parang baby at binuksan ang bintana at agad na pumasok sa loob ng room ko ang sinag ng araw.

"Good morning, sunshine!"

I let minutes passed by under the sunshine.

"Thanks sunshine sa Vitamin D." Ibinaba ko na si Usher sa sahig. "Usher, dito ka muna ha? Maliligo lang ako."

Kumakanta pa ko while under the shower, dito lang kasi ako may lakas ng loob na kumanta. They say na maganda ang boses ko, pero hindi ako naniniwala.

Saka mahilig ako sa music, I'm a slave of it actually. Pero hindi iyon ang priority ko. Ang priority ko ngayon ay ang pag-aaral ng Medisina kasi gusto kong maging doctor. Second year na ko sa General Medicine kaya malayo-layo pa ang lalakbayin ko.

"Angel, bilisan mo. Male-late ka na!"

Eto talagang si Mommy...napaka-aga pa kaya. Gusto ata niyang magkaroon ako ng Most Punctual award. But since I love my mom, nagmadali na ko kahit alam kong maaga pa.

Right after having breakfast with my parents ay sumakay na sila sa family car para pumasok sa company namin. Ako naman ay pumunta kay Deb, she's my car, gift iyon sa'kin ni Daddy noong 18th birthday ko. Well, I just turned 21 years old last June 1.


DUMATING ako sa school 35 minutes before our time. And just like the usual, hinintay ko ang bestfriend kong si Gretta sa lobby. She's my bestfriend for like a decade already.

Ewan ko ba du'n, ang lapit ng condo niya dito pero una pa rin akong dumadating kesa sa kanya. Gusto ko na rin lang sanang mag-condo dahil sayang ang oras ko sa pagbyahe pero hindi ako payagan ng parents ko.

While waiting for her ay nilapitan ako nina Azriel at ng barkada niya. Binati lang niya ako ng good morning at kinindatan tapos pumila na sila sa may elevator.

Habang nakapila ay panay ang pagpapa-cute niya sa'kin at pang-aasar sa'min ng kabarkada niya. Blockbuster kasi lagi pila dito sa elev kaya matagal bago sila nakasakay.

After a while, dumating na si Gretta.

"Ano? Kinukulit ka na naman ba ng gagong 'yun?" bungad niya kaya napalo ko siya sa braso. "What?"

"'Wag ka ngang magmura," sabi ko.

"Eto na naman po si Angel, pinapanindigan na naman niya ang pangalan niya." And she rolled her eyes.

Natawa ako sa inasal niya kaya napalo ko ulit siya. "Tara na nga."

We lined up for the elevator at nagkwentuhan sa mga nangyari sa'min over the weekend.

Breathe Again [MEDICAL MYSTERY #1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon