CHAPTER 07: Voice

3.8K 136 43
                                    


RIGHT after reading what was written on the notebook kagabi, I decided to bring it with me today. Hindi ko alam kung anong plano ko. Gusto kong ipabasa kay Azriel because the words written on the notebook were spectacular. Kaya lang, it's like I am invading Jane's rather the owner's property.

The notebook's currently settled here at the front seat beside me. Maya't-maya ko itong tinitignan habang nagda-drive ako.

Nang nakapag-park na ko sa school saka ko pinasok sa bag ko ang notebook. I was about to hop off the car nang makita ko 'di kalayuan sa labas si Azriel. Nakasandal siya sa poste at may headset na nakasabit sa leeg niya. Tulalaya siya, parang ang lalim ng iniisip.

Grabe naman matulala 'to, ang gwapo pa rin. Parang naka-fierce look lang na parang model.

Nang makita niya ang kotse ko ay umayos siya ng tayo at kinawayan ako.

Anong ginagawa niya dito? Baka may makakita sa'min.

Lumabas na ko at pinuntahan siya. I yanked him papunta sa likod ng malaking poste.

"What are you doing here?" I asked.

"Waiting for you," he answered while smiling still.

"Ano ka ba?" I am almost whispering. "Baka may makakita sa'tin dito."

"And so? Everybody knows that I'm courting you." He got a point. He bowed down his head. "And...we're doing this before. Sinasabayan kita noon sa pagpasok at nakikita ng lahat 'yun."

I felt guilty. Kung kailan nga namang naging kami na saka maraming hindi pwede.

"I'm sor—"

"Don't." He looked at me again. "Sige, mauuna na lang ako. Ingat ka."

He then walked away pero sinundan ko siya. He's pouting nang maabutan ko siya. Jeez Azriel, why you have to be so cute early in the morning?

"O? Bakit sumunod ka pa?" tanong niya nang mapansin niyang sinabayan ko siya.

"Because I'm a sweet girlfriend," I answered at para bang proud na proud pa.

Nakita ko ang unti-unting pagngiti niya. "Sarap naman pakinggan nu'n."

I smiled too. "Ano lasa?"

"Lasang anghel."

"Loko!" I slightly punched him on his arm and we laughed while walking away.


NANG makarating na kami sa lobby ng Med Building ay sinamahan na niya kong maghintay kay Gretta.

"Angel, panindigan mo na ang pagiging sweet girlfriend."

"What do you mean?"

"Sabay tayo mag-lunch."

Pinag-isipan ko muna. Noon namang nanliligaw siya sa'kin, sumasabay ako sa kanya minsan kumain sooo... "Okay. Pero pwede bang du'n sa malayo sa school tayo kumain?"

"And why? Dahil baka may makakita na naman sa'tin?"

"Hmmm...kind of. 'Pag may nakakita sa'tin I can't be sweet to you then." Syemay. Nagka-bf lang ako why I am acting so flirt na.

"Ooooh..." He's shaking his head lightly up and down. "You got me."

"Aaaand? Saan na tayo kakain?"

"I got an idea. Pinuntahan kasi ako kagabai nina Mommy at Kuya. Ang daming foods na dala ni Mommy. You know, it's a Mommy thing. Sooo...du'n na lang tayo sa condo. Okay lang ba?"

Breathe Again [MEDICAL MYSTERY #1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon