I HOPPED off my car with a sad face. I saw people wearing black. I saw unfamiliar faces.
I walked near the tent and her mom welcomed me.
"Condolence po," saad ko.
"Maraming salamat sa pagpunta. Kaklase ka ba ni Jane?"
"Opo, Tita."
"Ikaw ang kauna-unahang kaklase niya na bumisita sa kanya. Kahit noong lamay niya walang pumunta na kaklase niya."
It was a revelation. I felt little pinches in my heart. For a mom, sure akong masakit na walang bumibisita sa anak niya.
"Pasensya na po kung ngayon lang ako nakabisita. Busy din po kasi ako sa school."
"Pero pinilit mo pa ring pumunta ngayon para makiramay." She held my hands. Her skin is rough, indicating that she's into household chores. "Maraming salamat sa pagbisita mo, hija. Halika..."
Pinaupo niya ko sa pinakaharap.
While the ceremony is ongoing, isa-isang nagfla-flashback sa'kin ang last moment namin ni Jane. I remembered the signs of suicide; and it was all evident to her. I remembered that I even stopped her to take her own life. I thought I succeed...but I thought wrong.
Kung sana lang nakasama namin siya noon sa lunch, kung sana hindi ko siya iniwan that day...hindi sana niya itutuloy ang plano niya.
It was my entire fault. Ako lang ang nandon noong mga panahong down na down siya. I was the only one who can help her pero wala akong nagawa.
Before I knew it, my tears started to roll down my face.
Habang nagsasalita ang pari at nag-iiyakan ang mga tao, dahan-dahan akong umalis at tumakbo pabalik kay Deb.
I shouldn't be here. Of all the people, ako ang walang karapatang pumunta dito.
Hindi na ko nakaabot sa loob ng kotse ko, my emotions already exploded and I broke down in tears. Napaupo ako at isinandal ko ang forehead ko sa pinto ng kotse and I cried my heart out.
The flashbacks are now ruining my mind. I was the only person she can rely on pero iniwan ko siya. Hindi ko siya sinundan nang nagmamadali siyang lumabas ng room, hindi ko siya hinanap, hindi ko siya napigilan.
"Angel?"
Tumingala ako nang marinig kong may tumawag sa'kin...and I saw Azriel.
Umupo siya sa tapat ko at bakas ang pag-alala sa mukha niya. "Bakit ka umiiyak? Ha? Anong nangyari?" He tugged my hair at the back of my ear. "Angel..."
I felt my lips trembled. "Azriel..." At hindi ko na kinaya, niyakap ko na siya at humagulgol sa balikat niya.
I felt his hand caressing my back. "Go on. Just cry."
I cried everything at mas humigpit pa ang yakap ko sa kanya.
We stayed like this for a moment or two. Hanggang sa binasag na niya ang katahimikan. "Tyinatsyaningan lang ata ako ng baby girl ko..."
Dahil sa sinabi niya, agad akong humiwalay sa yakap niya. "Kainis 'to!"
He chuckled at stared at me for God knows how long.
"O? Bakit?"
He did not answer, instead, he wiped my tears away. "You're still beautiful even though you're crying."
"Binobola mo naman ako, eh." Umayos ako ng upo. Sumandal ako sa pinto ng kotse ko at ganun din siya.
"Bakit ka ba umiiyak?"
BINABASA MO ANG
Breathe Again [MEDICAL MYSTERY #1]
Mystery / ThrillerO N G O I N G Trigger Warnning: suicidal ideation, anxiety attack, depressive episodes, psychotic episodes, hallucinations, sexual abuse content, eating disorder Please read at your own risk. Cover by: Penscanwrite