CHAPTER 10: The Almost Shining Armor

849 48 29
                                    

A MONTH passed by with all the butterflies, rainbows, sparks and magic with Azriel by my side. Parang fairy tale ang lahat, I've never been this happy in my life. If noon pa lang alam ko nang magiging ganito kasaya, dapat matagal ko na siyang sinagot.

Again, I'm on the second place noong first sem and si Maui pa rin ang first. Like what I said before, it doesn't matter. Matalino talaga si Maui, ang hirap niyang talunin, and also like before, point something lang ang pagitan namin.

For my parents, I see no improvement. Hindi na sila bumalik sa dati. There were still endless fights and cold war at the same time. Even Christmas and New Year was never the same. It was my saddest Holidays to the point na nawalan na ko ng pakealam. Nasanay na ko sa araw-araw nilang sigawan.

Azriel became my comfort zone, within that one month, sa kanya umikot ang mundo ko. He was there in my ups and downs, though everything with him remained secret. Wala pa ring nakakaalam ng totoong status namin, and I'm grateful for Azriel for being so patient.

About Jane, hindi na ulit siya nagparamdam.

Now that the first prelim exam in second semester is fast approaching, I am now here in a coffee shop studying...with my new study buddy, Azriel. Dati mas gusto kong nag-aaral mag-isa, I never thought na mas makakaaral pala ko kapag kasama ko siya.

"It's 3:15 already. Shall we go back sa school?" he asked.

Today is Saturday kaya mahaba talaga ang breaktime namin.

"Yeah, let's go."

Saktong 3:30 ako dumating sa laboratory and wala pa ang Prof namin.

"Blooming talaga ni ate girl," sambit ni Aye. "Sana all."

They laughed but I felt awkward. Wala naman akong ginagawang iba sa mukha ko. Paanong naging blooming?

"Saan ka nag-aral?" tanong ni Gretta.

"S-Sa library."

"Saya?" sarcastic na tanong niya.

I also noticed our other friends na nagkatinginan. Sasagot pa sana ko pero dumating na ang Prof namin.

While we are doing our laboratory activity, I can sense tension sa mga kaibigan ko. Well, specifically kay Gretta. It's like they are hiding something; that something happened behind my back. Mas madalas ding magsarili si Gretta unlike before that we are a team.

Every group na natatapos ay pinapauwi na agad ni Doc hanggang sa tatlong group na lang kaming natira. This is unusual dahil madalas kami ang unang natatapos.

"Daff, mag-focus ka nga! Tignan mo mali na naman!" Nataranta kaming lahat lalo na si Daff. Gretta has been so agitated kaya lalo kaming nagtatagal. Natataranta kami palagi sa kanya kaya ang dami naming mali.

So the result? Grupo namin ang huling nakauwi.

We took the stairs instead of the elevator since nasa 5th floor lang naman kami. Sobrang tahimik naming naglalakad unlike before na ang daldal namin at tawa nang tawa.

When we reached the ground floor, akmang lalabas na sila nang hindi man lang kami nagpapaalam sa sisa't-isa.

"Wait..." I called them, lumingon naman silang lahat sa'kin. "Is everything okay? I mean...meron ba kong hindi nalalaman?"

Gretta smirked. "Mukhang kami dapat nagtatanong niyan sa'yo," aniya.

"What do you mean?"

"Meron ba kaming hindi nalalaman?" pagbabalik niya ng tanong sa'kin.

I was taken aback. Is she pertaining to Azriel? About our relationship?

"Do you want me to be more specific?" she continued

Breathe Again [MEDICAL MYSTERY #1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon