Now Playing:
Writings on the Wall by Sam Smith
PINAGMAMASDAN ko ang mga doctor ng Surgery Department na papalabas ng conference room; mula mga medical clerks, post-graduate intern, resident doctor, hanggang sa mga consultants. Nasanay na kong tumatagos ang mga tao sa katawan ko kapag nadadaanan nila ko.
There is hierarchy in Medicine and it's undoubtedly obvious. Medicine is dictatorship in a nutshell, doctors tend to follow their seniors kahit minsan overboard na. Kahit sa ganitong paglabas lang ng conference room, nauuna sa paglalakad ang mga consultants at nahuhuli ang mga tinaguriang "pinakamababang uri ng hayop sa hospital", ang mga junior interns or medical clerks.
Nakalabas na ang lahat pero hindi ko pa rin nakikita ang sinadya ko dito.
I passed through the wall of the conference room at nakita ko sa loo bang hinahanap ko, si Doc Arcilla. He's still sitting, facing his laptop over the long table, may dalawa pa siyang kasamang lalaking consultant na nagtitingin sa mga charts ng patients: sina Doc Mendoza at Doc Aguilar.
"May balita na ba kayo do'n sa estyudyante natin? Iyong nasa OR ngayon?" tanong ni Doc Mendoza.
"Si Angel ba?" tanong ni Doc Aguilar. "Hindi pa rin daw tapos operation, eh. Kawawa naman ang batang 'yon."
"It's her fault anyway," sagot ni Doc Mendoza bago umupo. "Dinumihan niya lang ang pangalan ng University natin. Pagkatapos ng scandal niya, suicide naman. Nasa spotlight na naman ang University at Hospital natin." He clicked his tongue while shaking his head.
Bumigat ang pakiramdam ko dahil sa mga sinabi niya. Gusto kong magalit pero alam kong tama naman siya, kasalanan ko lahat ng ito. Walang ibang pwedeng sisihin sa mga nangyari sa'kin kung hindi ako lang mismo.
"Bakit naman kasalanan pa no'ng bata?" tanong ni Doc Aguilar. "She's just a victim here. Sigurado akong hindi naman niya ginusto ang mga nangyari. Iyong scandal na sinasabi mo? Sigurado akong hindi niya gustong kumalat 'yon. Saka balita ko walang malay iyong bata sa video."
Humalakhak si Doc Mendoza. "Napanood mo ba?"
"Hindi. It was a leaked video, bakit ko panonoorin? Ang daming porn sites, bakit iyong walang consent ang panonorin ko? And we aren't even sure if what happened to her in the video is consensual. Who knows? Baka pinagsamantalahan iyong bata."
"What a fucking simp! Panoorin mo nga 'yong video! Halatang namang roleplaying lang 'yon!"
Roleplaying? I was unconscious for six fucking hours at wala akong kaalam-alam sa ginawa sa'kin ni Doc Arcilla! Ni hindi ko nga alam na pumasok pala si Dean sa loob, at malay ko ba kung may iba pang pumasok doon.
"Sige, sabihin na nating roleplaying. Sabihin nating consensual 'yon. Pero ang pagkalat ng video? Ayun ba may pahintulot galing sa kanya? Angel, or anyone else, can shoot a sex video as many times as they want, ang mali ay ipagkalat 'yon ng walang paalam. It's against the law!"
Humalakhak muli si Doc Mendoza. "Napaka-gentleman naman pala nitong si Doc Aguilar!" baling niya kay Doc Arcilla.
"Palibhasa hindi pa niya napapanood, hindi niya nakita kung gaanong nakakalibog 'yong video!" Tumawa siya na animo'y inosente, na para bang hindi siya ang nag-video at nagpakalat no'n.
"Hardcore!"
Napuno ang conference room ng tawanan nilang dalawa at para namang dinudurog ang puso ko sa tawanan nilang iyon. Ganito ba talaga ang tumakakbo sa isipan ng mga lalaki, o ng kahit na sino, noong kumalat ang video ko? Habang nasisiraan ako ng ulo at nawawalan ng kumpyansa sa sarili, ganito ang naiisip nila?
BINABASA MO ANG
Breathe Again [MEDICAL MYSTERY #1]
Mystery / ThrillerO N G O I N G Trigger Warnning: suicidal ideation, anxiety attack, depressive episodes, psychotic episodes, hallucinations, sexual abuse content, eating disorder Please read at your own risk. Cover by: Penscanwrite