CHAPTER 04: Nod

3.6K 139 20
                                    


MULA kahapon hanggang ngayong araw ay tinitignan ko pa rin ang mga nakasulat sa notebook at paulit-ulit iyong binabasa.

Sino naman kaya ang may-ari ng notebook na 'to? Sino naman kaya ang nagsulat ng "I love you, Azriel" na 'to? Hmp! Alam kaya ni Azriel kung kanino 'to? Kainis!

"Hija!"

"Po?" Nabigla ako nang tawagin ako ni Mommy na nakaupo sa front seat. Coding kasi ako ngayon, sa kanila ko sumasabay kapag coding ako.

"What's happening to you? Kanina ka pang wala sa sarili."

"W-Wala po, Mama." When in fact I have so much in my head right now. Kung kanino ang notebook na 'yun, at kung bakit sila nag-away ni Daddy. Magkasama nga kami sa sasakyan, magkatabi nga sila ngayon but I can still feel the coldness between them.

"Andito na tayo sa school mo."

Tumingin ako sa paligid, oo nga, andito na ko sa school.

"Sige po Mommy, Daddy." I hugged them both which brought them closer. "Ingat po kayo lagi."

Not before I hopped off the car, I saw Mommy shed a single tear. And she swiftly wiped it off.

Wala ako sa sariling pumasok sa Med Building. I came earlier than usual so Gretta insisted na mauna na ko sa room. Sa sobrang aga, wala pang pila sa elevator.

"Good morning, Kuya Bogs." Kuya Bogs, the elevator man. My parents raised me to respect the janitors the way I respect the CEO.

He just smiled.

Nag-stop ang elevator sa 4th floor at bumungad sa'min si Azriel. He's frowning, brows furrowed. But upon seeing me, bigla na lang siyang ngumiti.

Anong ginagawa niya dito sa 4th floor eh abandoned floor 'to? Mga tiga-maintenance lang ang pumupunta dito. At bakit ang aga niya?

Pumasok siya sa loob. "Good morning, Angel."

Hindi ko maipaliwanag pero naiinis ako. Naiinis ako dahil naaalala ko 'yung nakasulat sa notebook. Kaya hindi ko siya pinansin.

"Hala?" he reacted. "Angel the snobber?"

Hindi ko pa rin siya pinapansin.

"It's different tho. You're known for being the Miss Sunshine of Medicine. May problema ba?"

Tinignan ko lang siya ng masama. I don't know kung mukha ba kong naiinis. Like what he said I'm Miss Sunshine, so feeling ko kahit naiinis na ko mukha pa rin akong Disney princess with Disney song music background.

Nang nakarating na kami sa 10th floor ay nauna na kong lumabas. "Thank you, Kuya."

Narinig ko pang kinantsyawan ni Kuya Bogs si Azriel.

Bahala siya diyan.

Dumiretso na ko sa classroom, mamaya na lang ako maglo-locker dahil siguradong kukulitin lang naman ako ni Azriel.

Binati ako ng tatlo kong kaklase na nasa room. Ang aga ko nga ata. Apat pa lang kami. Little did I know that Azriel followed me, and that makes us five.

"Ano bang ginagawa mo dito? Pumunta ka na nga sa room mo." Hindi naman kasi kami magkaklase.

Naglagay muna ko ng mga gamit ko sa vacant seats katabi ko para i-save sina Gretta bago umupo. At umupo rin si Azriel sa tabi ko.

"Ang kulit mo, ah?"

Nagulat ako nang humalumbaba siya sa armchair ko at tumingin sa'kin habang nakangiti. God. We're just inches away from each other. And the way he smile, sobrang nakakagaan ng pakiramdam. Jeez. Why he have to be so cute gayong naiinis ako sa kanya?

Breathe Again [MEDICAL MYSTERY #1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon