Kabanata 1

52K 843 27
                                    

Dinner

"O? San ka galing?" Napatingin ako kay Rickos na mukhang alalang alala sa akin. Umiling ako at nagpatuloy sa paglalakad hanggang makarating sa company car na ginagamit ko.

"Hey? Are you okay? You look flushed?" Tinignan ko siya at napahawak sa mukha ko. Damn! Anong nangyayari sa akin?

"Gusto mo sumama sa bahay?" tanong ni Rickos sa akin pero umiling ako at sumakay na sa loob ng sasakyan ko. Kumatok naman siya sa bintana kaya binuksan ko ito.

"Bukas nalang tayo magusap, Rickos. I need to go, dadaan pa ako sa opisina. Just tell Tita Ella and Tito Ram that I'll visit tomorrow. I promise." saad ko at hindi ko na siya hinayaang magsalita. Inutusan ko ang Driver ko na ibalik na ako sa opisina.

Habang nasa byahe ay tinignan ko ulit ang viber namin. Flooded messages nanaman ang nadatnan ko, tungkol ito sa pagbabawal nila kay Ate Pin na sumunod sa akin dito. Hindi nalang ako nakisali. I just send a goodnight sticker.

Nakita ko naman na tumatawag si Jasmine sa skype.

"Hey" bati ko at nag wave pa sakanya. Mukhang nasa bahay siya at kumaway naman siya sa akin. I want to ask her that time about kay Dylan pero hindi ko nalang ginawa.

"Aww! Looks like nasa daan kapa?" Nakita ko ang pag aalala niya sa akin kaya ngumiti ako para hindi na siya mag alala. Nakita kong malapit na kami sa opisina.

"Yup, pabalik akong office. I need to go, call you when I got home." Sabi ko at tumango naman ito. I ended the call, bumaba na din ako at nginitian ang driver ko.

"You worked hard. Thank you so much. You can go home now" sambit ko dito. I actually don't need a driver but they insisted. I can now understand what Grandma Ryle told before, Jade, those workers are not employees. They are family. I can still remember clearly how she told me that.

Pagkarating ko dito at nalaman nila na mag isa lang akong dumating dito ay inalagaan nila ako. Binigay nila lahat ng pwedeng matulong sakin dito.

"But Mam, how are you going to go home?"

"Don't worry, that is my problem. Call it a day" sabi ko at alam niya na wala na siyang magagawa. Tumalikod na ako ag naglakad papasok ng opisina. Wala na ang mga empleyado dahil late narin.

Nagulat ako nung makita si Ris na palabas ng opisina ko.

"Ris, what are you still doing here?" Tanong ko sakanya. Ris have been my secretary for almost 4 months now, she was also a very good friend.

"Mam! Bakit nandito kapa?! Magpahinga na nga kayo atsaka nilock ko ang opisina niyo so let's go home" sabi nito at hinila na ako palabas. Natawa naman ako sakanya kaya hindi ko na siya pinigilan.

"Ris, thank you so much for today." Sambit ko pagkalabas namin ng opisina. Umiling ito at ngumiti.

"Wala yon mam. Sige na po umuwi na po kayo at magpahinga. Puro na po kayo trabaho" tumango tango nalang ako. Binawalan ko na siya dati na tawagin akong mam pero mapilit kaya hinayaan ko nalang.

Kukunin ko na sana yung car keys ko pero nakalimutan kong hindi pala yon ang dala ko. Napapikit ako at nagbuntong hininga nalang.

Napatingin ako sa paligid at nakita kong walang taxi. Mahirap humanap ng taxi dito sa pwesto ng kompanya namin kaya naglakad nalang ako, balak kong lakarin hanggang may makita lang akong taxi.

"Need a ride?" Napasapo ako sa dibdib ko nung may magsalita. Sinamaan ko ng tingin ang may ari ng tinig na iyon.

"Ivor? Ikaw nanaman?" Are you following me? Gusto ko pa sanang idagdag pero baka isipin niya na ang kapal ko pa.

Loving The Green Stone (FS # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon