Kabanata 22

27K 568 7
                                    

Surreal

"Si Ivor tita.." saad ko at napabitaw ako kay Tita. Pagkalingon ko ulit doon ay wala na siya.

My heart is.. I can't even put it into words.

"Wala na.. baka imahinasyon ko lang po iyon" hindi ko mapigilang mapitingin ulit doon.

Pero alam ko.. naramdaman ko. He was there.

Napabuntong-hininga nalang ako at sabay na kaming lumabas ni tita.

"Hatid ko po kayo?" Pinatunog ko na ang sasakyan ko at binuksan iyon.

"No need.. mahaba pa ang byahe mo. I can manage" tumango ako at yinakap si Tita, one last time.

"Ingat po"

Sumakay na ako sa kotse ko at tinignan siya sa side mirror. Sumakay si Tita sa isang taxi.

Pinaandar ko na ang kotse ko at umalis na ako doon.

Gustong gusto ko na siyang makita pero kailangan kong magtiis. Para sa akin at para sakanya.

Mahaba ang naging byahe ko, mga nine o'clock ay nakarating nadin ako sa vacation house. Pinark ko ito sa harap at mabilis na nag doorbell. Pumasok ulit ako sa kotse ko at hinintay magbukas ang malaking gate ng vacation house.

I entered the house at pinark iyon sa parking space ng vacation house. Napakalaki nito, dahil ito ang unang vacation house ng mga Morgan. I entered it smiling at napatakbo ako papunta kay Nanay Belen.

"Nay" yinakap ko siya ng mahigpit. Isa siya sa mga nag-alaga sa amin nung mga bata pa kami. She was a very trusted person by the Morgans.

"Ito talagang batang ito.." napangiti ako ng maranig ko ulit na sabihin niya iyon. It's been long since nung last kaming nagkita.

Sobrang tagal ko na siyang hindi nakakasama lalo na nung nag-graduate ako. Naging busy na kasi at sila Jamelia na ang inaalagan ni Nanay Belen.

"Ano pong ginagawa niyo dito?"

Dinala niya ako sa kusina at nakita kong nagluluto siya. Umupo ako sa isa sa mga stool doon at pinanuod ko siyang magluto. Dalawang beses palang ako nakapunta dito kaya hindi pa ako familiar.

"Narinig kong broken hearted ka daw at balak mong magbakasyon. Pababayaan ba naman kita?" Natawa ako sa sinabi ni Nanay Belen. Last time na na broken hearted si Ate Pin dahil sa first crush niya ay ganito din si Nanay.

"Si Jerem talaga! Ang daldal! Sasakalin ko iyon" at umakto pa akong mananakal.

"O? Sino ba ang bwisit na lalaking iyon? Ang kapal naman ng pwet non para saktan ka" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. I ended laughing because of her statement.

"Nay!" Inabutan niya ako saglit ng juice at nagpatuloy na ulit sa pagluluto.

Mabuti rin siguro na may kasama ako dito, atleast kahit papaano ay hindi ako malulungkot.

"Pero seryoso, sino ba ang nakabihag ng puso mo?"

Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi ni Nanay Belen. Sa simpleng pagisip ko sakanya ay para akong sasabog. Sobrang sarap sa pakiramdam na isipin siya.

"Nay.. I am badly inlove"

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang bibig. Ako din ay hindi mapigilang mapangiti.

"Halata naman sayo anak, kitang kita at masayang masaya ako para sayo pero bakit may lungkot pa din? Anong nangyari?" Napaiwas ako ng tingin.

"Nasaktan ko siya.. na-misunderstood niya yung intentions ko. Pero alam mo nay? Binabantayan niya pa rin ako. Sobra sobra siya.. wala akong masabi. Kinikilabutan ako pag naiisip ko ang katotohanan na may taong ganitong kayang magmahal sa akin."

Loving The Green Stone (FS # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon