Kabanata 19

25.2K 522 1
                                    

Hope

"Sige tita.. tinawagan ko na po yung kakilala namin sa loob. Sila na po yung maghahatid sainyo sa loob. Baka po kasi may makakita sa atin at sabihin pa sa parents ko."

"Ayos ka lang ba?" Hinawakan niya ang kamay ko.

Hindi ako sumagot sa tanong niya. Hindi ko naman kaya ang magpaka hipokrita at sabihing ayos lang ako kahit hindi.

Hinatid ko na si Tita Selena sa building kung saan nandoon ang condo unit ko.

"Maraming salamat Ija" tumango nalamang ako at ngumiti.

Nanghihina pa rin ako. Sobrang gusto kong umiyak pero hindi ko kaya na dito gawin iyon. Gusto ko siyang puntahan pero alam kong hindi pa ito ang tamang oras. Maybe tomorrow..

"Tita.. if ever po. Gusto niyo po ba na ihanap ko po kayo ng lugar na mas safe?" Kahit anong mangyari. Kahit alam na ni Ivor ang lahat, tutulungan ko pa rin siya. I know.. Ivor will understand eventually.

Alam ko na deep inside ay mahal na mahal niya ang mommy niya.

"Hindi na.. sandali lang naman ako dito. Ako mismo ang pupunta kay Ricardo. I need to face him.. tutal alam na din naman niya. Pakiramdam ko ay alam na rin naman nila Teo niyan. Kailangan din namin mag harap-harap."

Marahan nalamang akong ngumiti. I adore her.. I look up to her. Hindi madali ang mga pinagdaanan niya. She left her family, her sons and she faked her own death so she can continue living. Pero ngayon kailangan niya bumalik..

Mali ang paraan niya pero ganon naman talaga siguro yon. Sa buhay natin.. makakagawa tayo ng mga bagay na hindi tama para sa mga dahilan na tayo lang ang makakasagot. Mali man sa paningin ng iba ay hindi maalis na parte na to ng pagkatao natin.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Wag kang mag-alala. Joachim will understand. Mabait na bata si Joachim and I know he loves you so much.. nabigla lang yon. Mas nakakagulat naman kung wala siyang reaksyon diba. Hold on ija and I am really sorry na nadamay ka pa." Napakagat ako sa labi ko.

Alam ko naman iyon.. na mahal niya ako. Hindi naman siya nagkulang na ipakita sa akin iyon pero sa ngayon, alam ko na hindi yon ang mahalaga.

Umiling ako.

"Ayos lang po iyon.. sige na po. Pasok na po kayo. Para makapag settle-down na din po kayo. Feel at home po."

She smiled sweetly at me. "I am so glad na sayo umibig ang anak ko."

Lumabas siya ng sasakyan ko at nakita kong sinalubong siya ng isa sa mga staff. Inurong ko na ang kotse ko at umalis doon. Ayokong umuwi ngayon.. gusto kong lumayo.

Hindi ko rin maalis sa isipan ko si Ivor.

Saan ba ako pwedeng pumunta?

Napangiti ako ng marahan ng maalala ko ang lugar na iyon. Doon ko dinala ang sarili ko.. kung saan mapayapa at walang pwedeng magdikta sa akin. Kung saan alam kong tahimik ang puso ko. Sa puntod ni Grandma Ryle and Grandpa Luke.

Pumasok ako sa museleo nila. Nadama ko ang sakit, halo halo ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko sasabog ako. Umupo ako sa harapan ng puntod nila. Lahat ng emosyon ko nararamdaman ko na parang umaakyat sa puso ko.

"Grandma.." napahikbi ako. Lahat ng pinipigilan kong luha kanina sa sasakyan ay lumabas.

"Grandpa.." para akong batang nagsusumbong. Gusto kong isumbong lahat ng sakit na nararamdaman ko sakanya.

"Grandpa! You told me na hindi mo ako iiwan diba? Sabi mo walang makakapanakit sa akin? Sabi mo.. I will never ever cry! Ang daya naman eh!" Sumasakit na ang ulo ko sa sobrang iyak ko.

Loving The Green Stone (FS # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon