Still concern
I was waiting for Ivor to answer. Pero mukhang mali ang narinig ko. Baka guni-guni ko lang iyon na sumagot siya. Ibinaba ko ang cellphone ko at pinatay na ang call. Mapapakinggan naman niya iyon eventually. Pinagmasdan ko nalang ang langit, nawawala ang mga stars.. palagay ko ay uulan.
"Jade?" Napalingon ako at tumambad sa akin si Jayden at Jerem.
Napabuntong hininga ako at bumaba mula sa hood ng kotse ko. They can really make a way, whether I like it or not. Mahahanap at mahahanap nila ako. Sometimes mas gusto ko yung may sariling taihimik na buhay. Gusto kong mapagisa pero hindi ko magawa.
Dala nila ang kotse ni Jayden. Nakapang-bahay nalamang sila. Mukhang sila lang naman ang nandito. I wonder kung pinapunta ba sila ni mommy dito or ni daddy.
Pinunasan ko ang mga luha ko at ngumiti sa harap nila. I don't want them to worry too much. Kita ko ang pag-aalala sa mukha nila at gusto kong masigurado sakanila na ayos lang ako pero napakahirap non lalo na at mismong sarili ko ay hindi ko makumbinsi.
"Sabi ko naman sainyo uuwi din ako. Hindi talaga kayo nakikinig sa akin no. Atsaka isa pa nagpalipas lang ako ng oras. Tingin niyo ba kung may nangyari sa akin ay matetext ko pa si Jace at kung naglayas ako, tingin niyo itetext ko pa siya? Relax cousins."
Mabilis na lumapit sa akin si Jerem at yinakap ako. Napasinghap ako at tumulo nanaman ang luha ko kaya pinalo ko siya sa braso.
"Ayan! Ayan! Naiiyak ako dahil sa ka-sweet'an niyo! Touch ako"
Yinakap niya lamang ako ng ilang kinuto and I liked it. Ang sarap sa pakiramdam na tahimik lang sila at hinayaan lang nila ako na ilabas ang damdamin ko. He embraced me like telling me that everything will be okay and I felt so secured.
Tinignan nila ako at pinunasan ni Jerem ang luha ko. Si Jayden ay pinagmamasdan lang kami, he was never the talkative type. Madalas ay nagmamatyag lamang siya at pag sobra na ay doon lamang siya nag rereact. While Jerem is different, open book siya at agad nababasa ang nararamdaman. He is also the affectionate one.
"Nagkakagulo lahat. We know you're old enough pero.. Jade naman, one person missing is enough. Hindi na namin kayang madagdag ka pa" I can sense frustrations on Jayden's voice. Hindi siya sumisigaw o ano pa man pero alam ko kung gaano kalakas ang bawat katagang mga sinabi niya. Its not just his insight on what is happening. Sinasabi niya ito para gisingin ako.
Jerem looked at me. He looked so concern. Sa lahat naming magpipinsan, he was the closest to me next to Jasmine.
"Ivor called us. Siya ang nagsabi kung nasaan ka. Maybe pinasundan ka niya or siya mismo ang sumusubaybay sayo" napaawang ang labi ko. Parang piniga ang puso ko dahil sa sinabi niya.
"Ano ba talagang nangyari? Did you two had a fight?" Hindi ko pinansin ang tanong niya.
Kahit papaano ay nawala ang pangamba ko. He was concerned! Maybe hindi lang niya ako kaya harapin pero concern siya. He was just around. I understand..
"Really?" Ngumiti ako, this time.. totoo na. Sobrang saya ko, prayer really does work.
Natawa naman si Jerem at Jayden. Mukhang alam nila na ganong ang magiging reaksyon ko sa mga sinabi nila. Yes! I am very happy! Nararamdaman ko na malapit na.. malapit na maging maayos ang lahat. I know Ivor, he is very understanding and I love him for that.
Minsan nakakatakot ang pagiging understanding at mabait niya. Pakiramdam ko kailangan ko mag-effort na wag siya ma-dissapoint.
"Yeah.. really" saad ni Jayden at pinagbuksan ako ng pinto.
BINABASA MO ANG
Loving The Green Stone (FS # 2)
Narrativa generaleWhat is a damsel in distress means? According to the dictionary it means that a young woman in trouble and needs to be rescued by a prince, like in fairy tales. For the people around her, Jade Scott can be related perfectly for a damsel in distress...
